Makukulay na palamuti at masiglang awitin ang bumungad sa akin ng marating ko ang aming lugar, ang lugar ng Baguio.
Unang buwan pa lang ng BER months pero pakiramdam ko nalalapit na ako sa espesyal na araw.
“Kapagod!” Isang salita ang tanging namutawi sa bibig ko ng marating ko ang aming tahanan.Pawis na pawis ang aking noo, at napahawak pa ako sa dibdib dahil sa paghahabol ng hininga.
“Nakipagsabayan ka na naman ba Leo sa mga estudyante, ano?” wika ni Ina ng madatnan ako sa may pintuan habang hinubad ang aking sapatos.
“Opo Inay, palagi naman po. Wala naman akong magagawa dahil katapat natin ang school kung saan nag-aaral si Bea. Teka, nakauwi na ba siya?” takang tanong ko habang inaalis ko ang polo ko at necktie na aking suot.
“Nandito na po ako kuya!” Masiglang presenta ng kapatid ko.
“O' sige na mga anak, maghahain na ako dahil darating ang grandparents ninyo mula sa Cebu. Dito muna sila hanggang abutin ng Pasko.” Balita ng aking Ina at dumiretso na sa kusina.
Napangiti naman ako at tinabi na ang sapatos na hawak ko at kinuha ang bag sa sahig at dumiretsong akyat na sa itaas upang magpalit ng damit.
Habang nagbibihis ako ay nakatingin ako sa kalendaryo, napangiti at sandaling napatigil. “Ang bilis ng araw, ang bilis ng panahon.”
Narinig ko na nga ang ingay sa labas at kasabay ’non ang pagkilos ko ng mabilis upang puntahan sina lolo at lola. Namiss ko sila nang sobra!
Sinalubong ako ni Ina ng may ngiti sa labi at bakas sa kanya ang labis na kasiyahan ng ituro ako ni lolo.
“Ang laki na ng apo ko!” Mabilis akong lumapit sa kanya, pinaunlakan siya ng matamis na ngiti at mahigpit na yakap.
“Handa na ang Christmas song natin, mamaya,” wika ni lolo.
BINABASA MO ANG
September Lists
AcakBahagi ng nakaraan, bahagi ng kasalukuyan. Malamig na simoy na hangin, masayang alaala. Tatlong hiling pa rin kaya ang gugustuhin ni Leo? *** Wattpad Prompt. September Flash Fiction by Roselia Poessy