Eto napo ang ud ko. Sorry po talaga sa super duper late ud, na delete po kasi yung chapter nato sa cp ko kaya kailangan kong mag type ulit. I hope you undetstand.
Enjoy nalang po tong chappy nato.________________________________________________________________________
Mag kakalahating oras na ako nakasakay sa kotse ni Ice na papunta sa kong ewan na lugar. Kanina pa kami hindi nag iimikan. Ewan ko! basta nahihiya ako sa sinabi niya kanina na argh.. basta alam niyo na yun.
"nandito na tayo" lumutang pala ang utak ko ng mga ilang minuto ayan tuloy hindi ko namalayan na nandito na kami sa-
"Bakit tayo nandito?" nanlisik mata kong tanong. Nasa gitna kami ngayon ng isang masukal na kagubatan na sobrang dilim. Huhu wag mong sabihin na may gagawin siya saking masama. God marami pa po akong mga pangarap sa buhay, bata pa po ako maawa po kayo sak-
"ouch! bakit mo ko binatukan ha?" nakanguso kong tanong. Ano ba kasing nakain niya at binatukan ang maganda kong ulo. Kitang nagmamakaawa pa ako dito eh!
" gusto lang kitang batukan, bakit aangal ka?" mayabang nitong sabi. Kahit kailan talaga hindi na magawang sumagot ng maayos ang isang toh!
" bakit? may sinabi ba akong aangal ako!" pamimilosopo ko sa kanya. Haha oh ano ka ngayon.
" bakit? may sinabi ba akong may sinabi ka" π_π luhh nabara parin ako. Sa totoo lang. Fan ba to ni Vice ganda. Kung makabara kasi abot hanggang mars. Di ko reach teh!
Hinarap ko siya. "bakit ba kasi tayo nandito?" humarap siya sakin tapos ngumiti na nakakaloko.
"para mag enjoy" ngumiti na naman siya. Ano bang binabalak ng isang to. Ayoko ko pang mabuntis ng maaga, bata pa ako... Natigil ako sa pagiimagine ng binatukan na naman niya ako.
"kung anong iniisip mo ngayon, nagkakamali ka" nakahinga naman ako ng maluwag dahil sa sinabi niya. Mabuti nat malinaw!
"flat chested ka kaya" yah! ako flat chested? hindi naman ah. Hindi naman siya ganoong maliit hindi naman siya ganon kalaki. Pero how dare him to call me flat chested. Titirisin ko talaga siya ng buhay, kung makapag sabi ng flatchested akala mo sinong matcho patpatin din naman.
" hindi kaya ako flatchested, kumbaga sa prutas hindi man pakwan melon parin" flat kong sabi. Bigla siyang ngumiti
" flat chested si fridge, flat chested si fridge, flat chested si fridge" pang aasar niya. Hindi niya ba talaga maintindihan na hindi ako flat chested. Argh! nakakainis. Sinusubukan mo talaga ako ha Tignan lang natin ngayon.
"yah! wanna die" tapos sinugod ko siya para batukan. Malapit na sana ako sa kanya kaso natalisod ako sa isang bato kaya tumilapon ako sa harap niya. Pareho kaming natumba. Ako ang nakapatong sa kanya tapos yung ano ko nasa may mukha niya. Umiwas agad ako ng tingin sa kanya dahil feeling ko namumula ako sa kahihiyan. Tumayo ako kaagad at pinagpag ang damit ko. Yah! feeling ko nangangamatis na ako dito dahil sa kahihiyan. Kasalanan to lahat ng bato eh, kung hindi sana siya humarang sa dinaanan ko edi sana hindi ako natalisod. Sisihin daw ba ang bato.
"melon nga dandandandalandan haha"Natatawa niyang sabi. Kinanta pa talaga ng mokong. Napipikon na talaga ako. Lumapit ako sa harapan niya at sinipa ng malakas ang kaliwang tuhod niya. Sigaw siya ng sigaw dahil sa sakit. Bagay lang yan sayong manyak ka. Pinag sisihan ko na ngayon kung bakit ako pumayag sa sinabi niya kanina. Akala ko pa naman maging gentelmen sa siya kahit ngayong araw lang pero hindi eh. Sabi ko nga A PERVERT WILL ALWAYS BE A PERVERT.
"Manyak" flat pero angas kong sabi tapos naglakad palayo sa kanya. Sino naman ang hindi magagalit kung yung ano mo eh laitin. Aba! gera gusto niya!
BINABASA MO ANG
Demonical Gangster Princess
AksiMeet the "HELL" out of my ass. Im Fridgenne Shennerra Scott your sweetest nightmare that will make you realize how life is unfair. You will witness how i'll ruin everything , anything and even "HIM". I am the long lost "RED EYED PRINCESS" and soo...