Magkaharap kami sa dining table. Suot nya ang halos mapunit ko na pink Hello-Kitty shirt. Nakapalapag sa mesa ang niluto kong hotdog at scrambled eggs.
Sunod-sunod ang subo nya, gutom na gutom. Nakatitig lang ako sa kanya habang naka-cross arm.
"Ang sarap ng luto mo, Peps."
"Wag mo nga akong tawaging 'Peps'". Tunog singit, e."
Sinubo nya ng buo yung hotdog.
"Ngayon ka lang ba nakakain ng hotdog?"
Halos mabulunan sya. "Oo, walang ganto sa amin."
Umirap lang ako.
Dumampot pa sya sa mesa at isinubo. "Hm, ito walang lasa."
Napangiwi ako. "Wala talagang lasa yan. Tissue yan, e."
Tumango-tango sya. "Oh, tissue." Nagkibit balikat sya, sabay lunok.
Napalawit ako ng dila sa diri. Uminom na lang ako ng tubig bago sya kinausap ulit. "Okay lang ba na Zero ang itawag ko sayo?"
"Okay lang."
"Zero... Yung video... ikaw ba yung nag-upload sa cellphone ko?"
Tumango sya.
"Saan mo nakuha yung video?"
Itinuro nya ang ulo ko. Napahawak ako sa noo bago napapilantik ng dila. "Hirap mo naman kausap, e."
Dinampot nya ang baso at uminom ng tubig. "Lahat ng tinanong mo sakin, sinagot ko naman. Hindi mo kasi ako pinakikinggan."
Sandali akong natigilan bago huminga ng malalim. "Okay, nakikinig ako. Yung totoo, sino ka ba, saan ka galing, saan mo nakuha yung video ko at bakit... wala kang t-shirt?"
***
Nahulog si Zero mula sa kung saan. Lumagapak sya sa bubong. Dahan-dahan tumayo habang nakasapo ng mukha. "Nasan na ako?" Sandaling iniikot ang tingin sa paligid bago tuluyang lumubog sa loob ng karinderya.
***
Makikitang ipinasok ni Pepay sa loob ng selda si Zero. Nang tumalikod si Pepay, pinindot ni Zero ang smart watch sa kaliwang palapulsuhan nya. Unti-unting lumabo ang katawan ng binata hanggang sa tuluyan nang maging inbisibol.
Pumasok si Pepay sa selda at nagpamewang, sumunod si Zero nang lumabas kay Pepay.
***
Sandaling tumayo si Pepay sa harap ng naka-padlock nyang bike at nagbuntunghininga. Nakatayo lang si Zero sa harap niya.
Narinig ni Zero ang dalawang babaeng tindera na pinagbubulungan si Pepay.
Nagtataka si Zero sa malungkot na emosyong nakikita sa mukha ni Pepay.
***
Nagba-bike si Pepay sa gilid ng highway pauwi. Nakaangkas lang sa likod ng bike si Zero. Inbisibol. Magaan at parang wala roon.
***
Habang natutulog si Papay. Unti-unting lumantad ang inbisibol na katawan ni Zero. Sandaling pinagmasdan ng binata ang natutulog na dalaga. Nagtataka.
Kinuha ni Zero ang cellphone ni Pepay sa ibabaw ng maliit na mesa at binuksan. Nakita ni Zero sa Facebook ang mga mararahas na komento kay Pepay.
Idinikit si Zero ang hintuturo nya sa noo ni Pepay. Nakita nyang lumabas sa noo ng dalaga ang buong senaryo nang suntukin nito ang abusadong lalaki. Pinindot ni Zero ang mekanismo sa kaliwang palapulsuhan nya at doon itinago ang mga nakita nya.
***
Sinawsaw nya ang hotdog sa kape bago kinain. "Tapos, pinagpawisan ako, kaya ayun, nagtanggal ako ng pang-itaas."
BINABASA MO ANG
Pepay Meets Future Papa
RomanceUltimate kamalasan ang inabot ni Pepay after syang lokohin ng lalaking akala nya ay ang one-true-love nya. Now, she has to deal with a clueless papable guy na nahulog mula sa bubong ng kariderya who claims to be from the future. R-18 Goofy Romantic...
