Episode 6

13 4 0
                                    

Halos maubos na ang kuko ko sa kamay kangangatngat. Nasa loob ng opisina si Zero. Iniinterview ni hepe. Tiyak kong mabubuking kami. Mawawalan na talaga ako ng trabaho.

Biglang bumukas ang pinto ng opisina ni hepe. Napatayo ako.

Lumabas si hepe habang nakaakbay kay Zero. "Gusto ko yang attitude na yan!" Halakhak nya. Lumawit ang pustiso nya palabas pero mabilis naman yong itinulak ni Zero pabalik sa loob ng bibig.

Nagtawanan silang dalawa.

Natulala lang ako.

Lumapit sila sa desk ko. "Pepay," bungad ni Hepe. "Gusto ko itong kaibigan mo. Kwela." Nagpaling sya ng tingin kay Zero. "O, ipasa mo yung requirements mo agad para makapagsimula ka agad. Mauna na ako."

Sumaludo si Zero. Nagtawanan ulit sila.

Bumalik si hepe sa loob ng opisina nya.

"Di ako makapaniwala na natanggap ka."

"Oo, excited na nga ako maglinis, e."

Napakunot ako ng noo. "Ba't ka maglilinis? Akala ko ba magpupulis ka?"

"Luh, di ah. Magpo-polish ako. Pakikintabin ko tong office nyo. Janitor ang in-applyan ko."

Napakuskos ako ng mukha.

***

Pabalik na kami ni Kara ng presinto para magsauli ng mga traffic tickets. Nagda-drive sya ng police mobile. Nakaupo ako sa tabi nya. Nakatingin lang ako sa kalsada. Panay naman ang gilid nya ng tingin sa akin.

Nagpilantik ako ng dila. "Alam mo, kung may itatanong ka, itanong mo na, bago pa tayo mabangga."

"Boyfriend? Seryoso?"

"Weh, ano naman. Mabait naman yung tao."

"That's not my point. Kakakilala nyo lang. Ano yung catch?"

"Wala naman catch."

"Wala naman problema, kung mahal mo yung tao. Mahal mo ba?"

Di ako sumagot.

"Alam mo kung sinong mahal mo, P? Si Jacob."

Tahimik lang ako.

"Porque medyo mahina yung isa, nag-take advantage ka naman para gawing panakip butas."

Sumimangot ako. "Grabe naman. Hindi naman."

"Sinasabi ko sayo to kasi magkaibigan tayo. Ayokong magaya ka sakin. 38 na ako pero wala pa rin akong matinong relasyon. Paano, kahit alam kong hindi naman ako ang mahal, nagte-take advantage lang ako... sa huli, ako ang talo."

Napatingin ako sa kanya. Hindi ko alam kung bakit, pero... bigla akong nalungkot.

***

Nakaupo si Jacob sa ibabaw ng desk nya. Salubong ang kilay. Nakasimangot.

Dumating ang dalawang maskuladong pulis.

"Sino yang tinitignan mo, Cap?" Tanong ni Durias.

Ngumuso si Jacob. "Ayun, yung bagong Janitor."

Nagpamewang si Viray. "Ba't anong meron dyan?"

Nag-cross arm si Jacob. "Bagong boyfriend ni Pepay."

Nagulat ang dalawa.

"O?" Kunot pa ng noo ni Durias.

"Akala ko aamuhin mo?" Tanong ni Viray. "E, may boyfriend na pala." Nagpaling sya ng tingin kay Zero at tumango tango. "Guwapo, a."

Napataas ng kilay si Jacob. "Mukhang aanga-anga, e."

Napasapo ng bibig si Durias. "Nagseselos ka lang yata, Cap?"

Pepay Meets Future PapaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon