Episode 8

15 4 0
                                        

Lumabas ako ng kuwarto. Di ako makatulog dahil sa maliit na away namin ni Zero. I feel guilty.

Naabutan ko syang nakasalampak sa sahig, sa harap ng sofa. Nag-iihip ng iba't ibang kulay na lobo.

Napairap ako at bumulong. "Anu ba namang klaseng surprise yan. Alam mo na bago ka pa i-surprise."

Lumapit ako at umupo sa sofa. Kumuha ako ng isang throw pillow at nilagay sa ibabaw ng mga hita ko.

Nginitian nya ako at nagtuloy sa pag-ihip ng lobo. Parang tatatlo pa lang yata ang nahahanginan nya.

Pinuno ko ng hangin ang baga ko. "Um, Zero, about dun sa kanina." Naiilang kong bungad. "Ano, um, pasensya ka na kung nasigawan kita."

Huminto sya sa pag-ihip at ibinuhol ang lobo. "Okay lang, Peps. Hindi rin kasi kita dapat pinilit na mag-share. Kasalanan ko." Ngiti pa nya.

Tumango lang ako at ngumiti rin.

Initsa nya ang tatlong magkakaibang kulay na lobo at sumigaw. "Surprise!!"

Pabiro akong umirap. "Ba yan. Yan na yung surprise mo?"

Swinwipe nya ang smart swatch sa kaliwang wrist nya. Dahan-dahang lumantad ang mga naka-invisible na lobo sa buong sala. Marami. Iba't ibang kulay. Marahang lilitaw at mawawala.

Napasapo ako ng bibig. Nagulat talaga ako sa ganda ng mga yon.

Tumayo sya at nakangiting tumingin sa akin. "Nagustuhan mo ba?"

Hindi ako nakapagsalita at napatango na lang din at ngumiti.

***

Nakahiga kami sa sahig. Nakatulala sa kisame habang pinagmamasdan ang mga lobong lilitaw-aalis sa paligid.

"After nung graduation, umalis si Nanay. Nagpunta sya ng probinsya. Hindi na raw sya babalik... Basta na lang nya kami iniwan ni Tatay."

Tahimik lang na nakikinig sa akin si Zero.

"Sinundan namin sya ni Tatay. Nakaangkas ako sa motor nya..."

Nagpaling si Zero ng tingin sa akin.

"Mabilis yung takbo namin sa intersection, hindi ni Tatay napansin yung nag-beating na taxi." Nagpahid ako ng kaunting luha sa mga mata ko.

"Kaya galit ako sa mga abusado sa daan... pero mas galit ako kay Nanay. Kung di nya iniwan si Tatay, buhay pa sana sya." Dito na tuluyang bumagsak ang mga luha ako. Napahikbi na lang ako. Habang pinapahid ng likurang palad ang mga mata ko. "Mahal na mahal ko si Tatay, e."

Bumangon ng upo si Zero. Tulala lang sya habang sinasalat ang luhang bumabagsak rin mula sa pisngi nya.

"B-Bakit ganito ang nararamdaman ko...?" Nanginginig pa ang mga kamay nya habang pinagmamasdan ang pinahid na luha roon.

***

Nakangisi akong sinalubong nina Allan Durias at Jason Viray.

"Nakana, gumaganda ka ata ngayon, Pepay," sarkastikong bungad ni Durias na sinegundahan pa ng tawa ni Viray.

Inirapan ko sila. "Oy, tigil-tigilan nyo ang pambu-bwiset sakin, a," salitan kong duro sa kanilang dalawa. "Wala ako sa mood makipagbiruan sa inyo."

Nilampasan ko silang nakasimangot, dumiretso ako sa paglalakad at naupo sa desk ko.

Narinig kong ang saway ni Jacob. "Tigilan nyo na si Pepay."

Yumuko sina Viray at Durias. "Yes, Cap."

Lumapit sa akin si Jacob at naupo sa ibabaw ng desk ko. "Maga yung mata mo. Pinaiyak ka ba nun?" Nguso nya kay Zero na nagmo-mop sa isang sulok.

Pepay Meets Future PapaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon