Sleep well. Mi Vida!....
"Aray!" dahil sa panaginip na yon ay nahulog sa kinahihigaan niya si Trisha at napahawak sa sintido. "Ano nga ulit ang napanaginipan ko?"
Tumingin siya sa kisame at napaisip pero di naman niya maalala kung ano ang eksaktong napanaginipan niya. Siguradonsiya sa lalaki ang may wika non pero di Niya masyadong naintindihan. Umiling na lang siya at nahiga muli sa kama para matulog ulit.
"Tulog na self! Dala lang ng pagod ito!" Bumuntong-hininga siya at muling pumikit para pilitin ang sariling makatulog dahil may importante pa siyang gagawin bukas.
KINABUKASAN ay maagang nagising ulit si Trisha at nagluto ang agahan niya. Ito na ang umpisa ng paghanap niya sa heir ng MMC. Pero ngayon mag-uumpisa na siya ay naisip niya kung saan nga ba siya magsisimula? Ang tanging pinanghahawakan niya lang ay ang impormasyon na ipinadala sa kanya at wala nang kasunod pa.
Nang matapos siya ay lumabas na siya ng apartment at pumunta sa bahay Nina Layla upang makapag tanong kung paano siya makakapunta sa Imaga Island.
"Magandang umaga Layla!" Bati niya sa dalaga ng makasalubong niya sa daan.
"Magandang umaga din ate Trisha!" ganting bati nito. "Pupuntahan ko si kuya para gisingin. Nga pala bakit parang bihis ka te? May lakad ka Po?"
"Oo may pupuntahan akong Isla. Alam mo ba kung ano ang sasakyan papuntang Imaga Island?" Tanong ni Trisha.
"Doon ka po pupunta ate?" tumango siya. "Wait hintayin mo si kuya ate para mas mapadali ang pagpunta mo don." Hindi na siya nakapag-react pa dahil biglang tumakbo si Layla.
Makalipas ang ilang minuto ay kasama na ni Layla si Hambosungit pagbalik nito.
"Ito ate Trisha si kuya pwedi ka niyang samahan papunta sa isla kasi pupunta din siya doon." Ani Layla.
"Diba nakakahiya sayo Mr. Hamb... I mean okay lang bang makisabay sayo papunta don?" Mabuti na lang di niya naituloy ang tawag niya sana dito.
"Ayos lang naman." Nakataas ang kilay na sagot nito.
"Sige mag-iingat po kayo sa byahe!" Wika ni Layla.
"Nasaan sina Tatay para makapag-paalam kami sa kanila?" Tanong nito kay Layla.
"Maaga silang pumunta sa taniman kuya!"
Tumango na lang ang lalaki hinatid naman sila sa lavas ng gate Layla dahil nakaparada dito ang owner jeep type ni Hambosungit.
"Sige dito kana maupo!" At binuksan nito ang pinto para makasakay si Trisha.
Natigilan naman saglit ang dalaga dahil maginoo din naman pala ito. Nagpasalamat siya ng makasakay na siya.
NANG marating nila ang pier ay agad silang kumuha Ng ticket para makapasok sa pier at tinungo ang mga bangkang patungo sa Imaga Island.
"Magandang umaga mga pre!" bati Ng lalaki sa mga pahenante ng bangka. Hinintay niya na matapos itong makipag-usap dahil ito lang naman ang may kakayahang kausapin at maintindihan ang mga ito dahil siya walang maintindihan sa salitang Waray.
Makalipas ang ilang sandali ay nakita niyang tumango ito sa taong kausap at lumapat sa kanya.
"Sila ba ang bangkang papunta sa isla?" agad kong tanong ng makalapit ito.
"Mukhang hindi ka makakapunta ng isla ngayon." sagot nito sa kanya at umiling.
"Bakit naman?" nakalabi kong sagot.
BINABASA MO ANG
Convince Me To Unloved You
Narrativa generaleTHIS STORY IS A WORK OF FICTION. I don't own the photo above. Credits to the rightful owner Trisha Nobleza is close to the Madrigal Milestone Corporation CEO kaya inutusan siyang hanapin at pakiusapan ang tagapagmana nito upang makapag retire na ang...