Zchayne"Tama na Cee! Wag mo na akong lokohin! Tangina naman! Alam naman natin pareho na ginamit mo lang ako eh. Ang gago ko lang at nagpagamit ako sayo!" hindi ko na napigilan ang luha ko. T*nginang love yan.
"Zee, nagkakamali ka. Mahal kita. Mahal na mahal kita. Nagsasabi ako ng totoo." sabi nya.
"Cee, tama na! Ginusto mo lang maging tayo kasi ginamit mo ang katawan ko. Tangina talaga Cee!! Bestfriend kita! Shinota mo ko at ang masakit pa nun, binaboy mo ako!" hindi ko na kayang makita sya kaya tumalikod na ako at tumakbo nang bigla akong madapa at magising sa katotohanan.
.
.
.
.
.
"What the f*ck?! 7:45 na!" 8:30 ang first class ko at susunduin ako ng bestfriend ko na si Cee. Nakakaloka ang panaginip ko! Errr!Nagmadali na akong maligo at magbihis. Hindi ko na kailangan magmake-up dahil natural na maganda ako. Rosy cheeks din ako. Konting tapik lang sa pisngi, okay na.
"Zee! Nandito na yung sundo mo!" sigaw ng Mommy ko.
"Opo. Matatapos na po." sigaw ko pabalik.
Nang matapos ako magbihis, lumabas na agad ako ng kwarto at pumunta sa kusina para magpaalam sa aking mahal na Mommy. Inom muna ako ng tubig bago nagpaalam.
"Bye Ma. Alis na po kami." sabi ko after uminom ng tubig at nagkiss na ako sa Mommy ko.
"Ingat kayo ha. Ito na ang baon mo." sabi ng mapagmahal kong ina.
"Wag na po. May natira pa pong 5,000.00 sa kinita ko sa summer job." sabi ko. Magtitipid ako hangga't kaya ko para di mahirapan ang Mommy ko.
"Meron pa naman akong maibibigay sayo eh. Itabi mo na muna yan." pilit nyang inaabot ang 200.00
"Ma, ikaw ang wag makulit. Okay lang. Hihingi po ako pag kailangan ko na. Promise po." I gave her a reassuring smile.
"Hay naku! Sige na nga. Salamat anak ha. Swerte ko sayo." nagsmile din ang Mommy ko.
"I know Mom. Hahaha! Joke! Sige na po. Mahuhuli na po kami ni Cee. Bye." lumabas na ako ng kusina nang bigla kong makasalubong si Mr. Exel David Duskarth (amo namin at nagpapaaral sa akin) kaya naman bigla akong napatigil.
"Good morning po Sir Exel!" bati ko.
"Magandang umaga din sayo Zee! Aalis ka na ba?" tanong nya.
"Opo." sagot ko.
"Ganun ba? Sige! Basta sabihan mo ako kung may kailangan kang bilhin para sa pag-aaral mo." sabi nya.
"Naku! Nakakahiya na nga po kasi kayo na ang nagpapaaral sakin." napatungo nalang ako kasi medyo nahihiya na talaga ako.
"Ano ka ba? Wala yun! Parang pamilya na ang turing ko sa inyo. Kaya kapag may problema, nandito lang ako." ngumiti sya.
"Maraming maraming salamat po Sir Exel! Napakabait nyo po." nakangiti kong sagot. Hindi ko kasi mapigilan ang saya na nararamdaman ko. Kakaiba si Sir. Napakabait nya kahit sobrang yaman nya.
"Wala yun. Sige na. Naghihintay na si Cee sa labas. Ingat kayo." sagot nya.
"Sige po. Alis na po ako. Salamat po ulit." tumungo na ako at tumakbo palabas.
Pagbukas ko ng pinto ay nakita ko na ang bestfriend kong gwapo, hot, matangkad, matalino at mayaman. Oo, mayaman sila. Kaya pala maaga sya dahil excited ang mokong na ipakita ang bagong kotse nya. Yabang ni loko! May black na Mustang.
BINABASA MO ANG
The Princess in Despair
Teen FictionThis story is all about the girl that cannot move on with the bad past that she experienced. Since that day, she never believe in love and the only thing that she wanted to have is money. Can someone mend her broken heart or it will be just broken...