Zee
Ang sakit ng ulo at katawan ko. Para naman akong naglasing.
"Nak! Gising na! Baka dumating na ang bestfriend mo. Nakakahiya kung paghihintayin mo sya." sigaw ng mahal kong nanay.
"Opo. Babangon na po." sigaw ko pabalik.
Kinuha ko na ang twalya at sipilyo ko at dumeretso na ako sa banyo. Natawa ako sa sarili ko dahil para akong walang buhay. Ang putla ko at ang laki ng eyebags ko.
"Ano?! Masyadong affected? Tanga ka kasi! Minahal mo yung bestfriend mo!" sermon ko sa sarili ko. Baka sakaling matauhan ako.
"Hay. Makapag-ayos na nga lang. Baka malate pa ako. Di naman ako susunduin nun. Bahala sya." dagdag na sabi ko sa sarili ko.
Pagkatapos magbihis, dali-dali na akong bumaba para magpaalam sa akong ina.
"Ma! Alis na po ako. Di po lasi kami sabay ni Cee ngayon tsaka baka po ma-." napatigil akosa pagsasalita ng makita ko ang pamilyar na lalaki na yakap ang aking ina.
"Oh! Ayan ka na pala. Ito nga pala si Edd, anak ni Sir Exel. Edd, sya nga pala ang anak kong napakabait, si Cee." pakilala samin ng aking ina.
Hindi man lang ito nag Hi or ngumiti. Kinausap nalang nya ang aking ina at muling niyakap at ako, eto. Di pa rin makapaniwala na anak pala ni Sir Exel ang antipatikong classmate ko.
"Ay, Edd anak, pwede mo bang isabay si Cee. Pareho kayo ng pinapasukan diba?" tanong ng aking ina.
"Wag na Ma. Nakakahiya naman sa anak ni Sir Exel atsaka may da-."
"Okay lang po yun. Basta kayo Nanay Szha." putol ng lalaking antipatiko. Sabay ngiti ng pagkatamis-tamis sa nanay ko.
Ang gwapo nya. Mukha syang anghel.
"Salamat Edd anak ha! Ang bait bait mo pa din. Kaya miss na miss ka ni yaya eh. Akala ko di mo na ako dadalawin." sabi ng aking ina.
"Wala po yun Nanay. Sige po, mauna na kami. Baka po malate kami eh." sagot nya.
"Mag-iingat kayo ha! Anak, may pera ka pa ba?"
"Meron pa po. Salamat Ma! Alis na po kami" sagot ko bago tuluyan lumanas ng bahay.
Hindi kagaya ni Zee na binabalandra ang kotse, Montero lang ang gamit ng anak ni Sir Exel.
"Dito ka sa unahan. Ayoko magmukhang driver mo." sabi nya.
"Opo Sir." sabi ko na may pagka-sarcastic.
"Bilisan mo! Ang bagal!" bulyaw nya.
"Akala mo naman ang pogi. Nakaka-asar kasama."
"Anong sabi mo??" biglang tanong nya.
"Wala po Sir."
"Tss." sabay irap at nagdrive.
Hindi pa kami nakakalayo sa bahay nang bigla syang nagsalita.
"Asdfghj."
"Sorry po. Ano yun? Hindi ko po nadinig." sabi ko at mukha syang nairita.
"Asdfghj." sabi nya ulit:
"Pasensya na po talaga. Hindi ko po kasi masyadong madining. Ang hina po kasi ng bos-" napahinto ako sa pagsasalita dahil nagbreak ito ng malakas.
"Ano bang nasa isip mo at nag bre-" hindi ko natuloy ang sinasabi ko dahil ang lapit-lapit ng mukha nya paglingon ko sa kanya.
Napakaganda ng mata nya. Ang kinis ng mukha nya at ang bango ng hininga nya. Ang lakas ng tibok ng puso ko. Hindi ako makagalaw. Parang ayoko matapos ang mga oras na to kaso bigla syang nagsalita.
"Wag mo akong pagpantasyahan dahil hindj kita type. Lalo na ayoko ng bingi." sabi nya sabay ayos ng seatbelt ko.
Like, WTH?!! Ano to?? Wala agad pag-asa? Hindi agad kami pwede. Wait! Ano ba tong iniisip ko?! Hindi pwede to!
----------
Sorry. Super late na nga. Lame pa.
BINABASA MO ANG
The Princess in Despair
Teen FictionThis story is all about the girl that cannot move on with the bad past that she experienced. Since that day, she never believe in love and the only thing that she wanted to have is money. Can someone mend her broken heart or it will be just broken...