Chapter 2

17 0 0
                                    

Cee

Woooh! Ganda ng gising ko! Bukod sa may bago akong kotse, makikita ko na ulit ang bestfriend kong maganda. Namimiss ko na kasi yung loka-loka na yun.

Agad kong bumangon at bumaba para kumain ng almusal.

"Good morning Dad!" bati ko sa kanya. Aga nya nagising ah.

"Good morning din! Maganda ata ang gising ng anak ko ah." sabi nya habang nakangiti.

"Syempre po. Ganda po kasi ng bago kong kotse. Thanks Dad! You're the best." lumapit ako sa kanya at hinalikan sya sa pisngi.

"You're welcome. Sige na! Kumain ka na at baka malate ka pa." sagot nya. "Mauna na ako ha. Ang dami ko pang tatapusin kasi iniwan ko yung trabaho ko kahapon." dagdag nya at tumayo na.

"Sige po Dad. Ingat po." sabi ko at umalis na nga sya.

Pagkatapos ko kumain ay naghanda na ako para sunduin ang bestfriend ko. Di na ako masyadong nag-ayos kasi gwapo naman ako.

Paalis na ako nang bigla akong tinawag ni Yaya Vher. Si Yaya Vher lang naman ang kasamabahay namin for 40 years. Mahal ko yun. Family na ang tingin namin sa kanya.

"Cee! Anong gagawin ko dito?" tanong nya at mukhang alam ko na kung ano ang tinutukoy nya.

"Yaya, aalis na po ako. Ikaw na pong bahala dyan. Gusto mo po ipamigay mo nalang. Nagmamadali po ako eh." sabi ko habang papalapit sa kanya.

"Sayang naman to Anak." si Yaya talaga. Natutuwa ako kapag tinatawag nya ako ng Anak. Sya kasi ang lagi kong kasama. Sya din ang Yaya ni Dad nung bata pa ito.

"Sorry Ya. Kasi susunduin ko pa si Zee. Baka malate kami at alam mo naman yun. Ayaw ng naghihintay." sabi ko.

"Sinasabi ko na nga ba eh." sabi nya at tiningnan nya ako ng nakakaloko. "Sus! Ang alaga ko! Inlove na inlove." umiiling-iling pa sya habang nakangiti.

"Yaya naman! Hindi nuh! Alam mo na bestfrienda lang po kami ni Zee at isa pa, ayoko naman po sa isang amazona. Hahaha!" sagot ko sa kanya habang nakuha ng tubig.

"Action speaks louder than words. Deny pa!" sabi nya at talagang tinitigan pa ako.

"Hay naku Yaya. Ikaw talaga. Alis na po ako ha." paalam ko sa kanya at niyakap sya.

"Ingat ka ha." sigaw nya.

"Opo." sagot ko pabalik at agad agad na akong sumakay sa kotse.

Habang nagddrive, para akong kinakabahan na parang sobrang excited ko. Bakit kaya? Bahala na nga.

8:00 AM na nang makarating ako sa bahay nila Zee. Hindi talaga kila Zee to. Namamasukan lang yung mommy ni Zee bilang kasambahay kila Mr. Duskarth. Ang sabi ni Zee, napakabait daw nito.

Naputol ang iniisip ko nung biglang lumabas si Zee. Ang ganda nya talaga. Bagay kami. Pogi ako, maganda sya. Pareho din kaming matalino.

"Good morning bes!" bati ko sa kanya at tinanggal ko ang shades ko.

"Good morning din! Pasensya ka na. Tinanghali ako ng gising."sabi nya. Ganda ng bestfriend ko.

"Alam ko. Tara na! Malalate na tayo. Mamaya mo na ako pagpantasyahan." sabi ko. Hahaha! Nag-iba expression nya.

"Ang kapal mo!" sabi nya. Ang sarap nya asarin. Natutuwa ako.

Nang makarating kami sa school, dali dali kaming pumunta sa room. Pareho kami ng course at isang sem nalang. Pareho din kaming malalate na at sakto! Kasabay namin ang prof namin.

"Good morning Class! Please sit down first. You can sit anywhere. If you wanted to sit with your friends, it's okay." Sabi ng prof namin. Mukha syang mabait. Maganda sya pero tinatago nya ang ganda nya gamit ang makapal na salamin nya.

"Alright! So, let me introduce myself. I am Shalagne Haltford. I will be your adviser for your last sem. If you have any problems or question for your grades, projects, requirements, etc., you can just approach me. If it's for your other professors, I can ask them for you guys. Are we clear?" sabi nya. Feeling ko, she's caring. Love it!

"Yes!" sagot nila. Para syang strict na hindi na parang cool. Ewan ko ba.

"Okay! Since it's our first day, we're going to have the getting to know each other portion. What's new right?" sabi ni Ms. Shalagne. Ang ganda nya din. Mukhang gaganahan ako pumasok ah.

"Each of you need to give the following: Name, Age, # of your past girlfriend/boyfriend and Relationship Status and the reason behind that status. Alright? Let's start!" sabi nya. Woohoo! It's my time to shine.

Nagstart na at naexcite naman ako. Ewan ko ba dito sa katabi ko kung bakit parang ayaw nya.

"Mamaya mo na ako pagpantasyahan kapag nasa harap na ako." sabi ko. Tinititigan nya kasi ako. Naiilang ako sa hindi malaman na dahilan.

"Sira ulo ka! Ang kapal mo!" sabi nya at inirapan ako. Wohoo! Mas okay pa ng masungit sya. Di ako naiilang.

"Okay lang naman sakin kahit totoo. You don't need to deny it." sagot ko sabay kindat. Hahaha!

"Okay. Sabi mo eh. May point ka naman." sagot nya kaya bigla akong naguluhan.

"Ang saya pala ng ganito. Hindi ko kailangan magpigil. You know what? I like you. I really do." sabi nya habang nakatitig sakin at hinawakan nya pa ang kamay ko.

Bakit ganito?? Ano tong nararamdaman ko? Bakit parang hindi ako makahinga?

Yu-yung mukha nya nalapit. Hindi ko alam ang gagawin ko.

"It not funny bestfriend! You're freaking me out!" pasigaw na sabi ko sa kanya at nilayo ko ang mukha nya.

Lakas trip nito!

"I thought it's okay? I've never felt this way. I'm so happy." sabi nya at nilapit nya pa lalo yung mukha nya!

Ang ganda ng bestfriend ko.

Like, what the?!! Ano tong iniisip ko? Bahala na nga! Pipikit nalang ako.

"Hahaha! Wag kang OA at pwede bang dumilat ka na?! Ang panget mo. Hahaha! That's so not true! Hahaha!" sabi nya.

Badtrip! Bakit ba ako nagpauto dito sa lokong babaeng to? Asar!

"It's not funny Zee!" sabi ko at napa-pout nalang ako.

"Sino ba kasing nag---" hindi nya natuloy ang sinasabi kasi biglang bumukas ng malakas ang pinto at pumasok ang isang lalaki.

Sino naman to? Angas lang. Akala mo kung sino.

"Looks like magkakaproblema ako ah." sabi ni Ms. Shalagne.

"Wag ka na magparinig Miss. I'm sorry if I'm late. Okay?" sagot nya at bigla dyang tumingin kay Ms. Shalagne. Medyo bastos to ah. Late na nga sya, sya pa galit.

Nakita kong tumingin sya sa kamay namin ni Zee. Hawak nya pa din kasi ang kamay ko. Sanay naman ako na magkahawak kami ng kamay pero sa hindi malaman na dahilan, binitawan ni Zee ang kamay ko.

"Tss!" reaction nung bagong dating. Ano bang problema nya?

Ano ding problema ko? Bakit ayoko dun sa bagong dating?

Ano ba tong nararamdaman ko? Bakit ganito? Bakit kanina hindi ako makahinga na parang sasabog ang puso ko nung akala kong hahalikan ako ng bestfriend ko?
.
.
.
.
.
.
.
.
.

Eh bakit ngayon, parang nasasaktan ako nang makita ko kung paano nya tingnan yung lalaking yun?

-----------

Sorry for slow update.

The Princess in DespairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon