ZchayneSino kaya yun? Ibang iba sy tumingin. Parang nakikita nya lahat. Parang binabasa nya yung ugali ng tao. Parang nakikita nya yung totoong nararamdaman mo.
"Zee." tawag sakin ng katabi ko.
"Oh?! Ano ba?! Ayaw kitang kausap! Pwede ba tigilan mo muna ako! Ano ba kasing sasabihin mo?!!" sabi ko at tumingin sa kanya. Huli na para bawiin yun.
Nagulat sya sa sagot ko at parang biglang nalungkot.
"Wala" sabi nya at tsaka sya umiwas ng tingin.
Hala! Ano ba tong nagawa ko sa bestfriend ko? Mabilis natapos ang klase namin nang hindi ko namamalayan kaya naman lunch na.
Hindi ako kinausap ni Cee. Ni-halos hindi nya ako tingnan at parang ayaw nyang mapadikit sakin.
"Cee! Sandali lang." tawag ko sa kanya nangg bigla syang tumayo at maglakad ng di ako pinapansin.
"Bakit?" tanong nya pero di nya ako nilingon. Bakas sa boses nya na hindi sya interesadong kausapin ako. Natatakot ako sa kanya.
"Ano, kasi... So-" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahili bigla syang nagsalita.
"Ang bagal mo. Kung wala kang sasabihing maganda, wag mong sayangin ang oras ko." sabi nya at bigla syang naglakad palayo.
Nasaktan ako. Ang sakit sakit. Kahit minsan hindi ako sinabihan ng ganun ng bestfriend ko. Hindi sya ganun.
Mabilis natapos ang araw at hindi ko na nakita si Cee. Hindi sya pumasok pagkatapos ng lunch namin. Dahil siguro ayaw nya akong makita. Haaaay.
Alam ng lahat na magbestfriend kami at halos hindi na kami mapaghiwalay kaya nagtataka na din ang iba kung bakit wala si Cee.
"Zee! Nasaan yung bestfriend mo?" tanong nitong babaeng halos ilabas lahat ng parte ng katawan nya.
"Hanapan ba ako ng nawawalang tao?" sagot ko sa kanya. Alam kong lalandiin nya ang bestfriend ko.
"Wow ha! Nagtanong lang ako. Masyado ka! Kaya ka siguro mag-isa kasi walang makatiis dyan sa ugali mo!" sigaw nya at tinulak ako bago maglakad palayo.
"Ang kapal naman ng mukha mong itulak ako!" sigaw ko at hinila ko ang buhok nya. Sinabunutan ko sya at bigla nya akong sinampal.
"Atleast ako pinapakita ko kung sino ako. Hindi kagaya mo! Nagpapanggap ka na mabait!" sigaw nya at tinulak nya ulit ako kaya natumba ako.
"Hindi mo ako kilala kaya wala kang karapatan sabihin yan!" sigaw ko nang makatayo ako at nung sasampalin ko sya, bigla ng may humawak sa kamay ko para pigilin ito.
"Ano bang nangyayari dito?" sabi ng lalaki na nakahawak sa kamay ko. Yung boses na yun. Sya nga.
"Cee." yan nalang ang nasabi ko.
Binitawan nya yung kamay ko at lumapit dun sa babaeng parang gusto nang maghubad sa harap nya.
Yung tingin nya sa babae, iba. Yung tingin na may pag-aalala na baka napano na yung babae.
"Ayos ka lang ba Shaz? May masakit ba sayo?" tanong ni Cee dun sa babae.
"Wala naman." sagot nito at ngumiti kay Cee. B*tch!
"Good!" sabi ni Cee at ngumiti pabalik sa babae.
Ang sakit. Cee, sakin ka naman mag-alala. Ako dapat ang nilalapitan mo. Nasasaktan ako.
BINABASA MO ANG
The Princess in Despair
Teen FictionThis story is all about the girl that cannot move on with the bad past that she experienced. Since that day, she never believe in love and the only thing that she wanted to have is money. Can someone mend her broken heart or it will be just broken...