KABANATA I: The Heartbreak Prince

23 3 1
                                    

KENDRIX'S POV


"Baklaaaaaaaaa!" Isang sabayan at malakas na pagsigaw ang lumabas mula sa bibig ng mga bestfriend kong sina Erika at Nicole habang mabilis na tumatakbo papunta sa aking kinatatayuan.

Ito ang una naming pagkikita-kitang tatlo matapos ang halos isang linggong bakasyon mula sa skwela. Oo, alam kong iilang araw lang ang bakasyon na iyon pero tila ba parang isang taon kaming hindi nagkikita-kita. Siguro dahil super close kaming tatlo kaya ganoon na lang ang aking tuwa ng makita ko silang naka-ngiting tumatakbo papalapit sa'kin. Tanging silang dalawa lang ang nakakaintindi at nakakaunawa sa aking tunay na pagkatao. Marahil ay kasama narin iyon sa rason kung bakit masaya akong makita silang muli.

"Hoy, kumusta na kayo mga sister?! Na-miss ko kayo ng bongga." Saad ko matapos naming magbeso-besong tatlo.

"Heto, meshekep paren. Ehehehe!" Malanding sagot ni Erika na ipit na ipit ang boses, tipong nagpapa-cute. Hinawi pa niya ang kaniyang mahabang buhok sabay dila at kindat.

"Gaga ka talaga, Erika. Napaka-pokpok mo talaga kahit kailan." Napa-ismid na lamang si Nicole para pigilan ang kaniyang tawa.

"Hay naku, huwag ako, Nicole. Ikaw nga putok na putok yang red lipstick mo eh." Pagpupuna ni Erika sa labi ni Nicole.

"Eh ikaw nga yang blush on mo pulang-pula. Para na kayong pinag-biyak na bunga ni Sassa Gurl." Sagot naman ni Nicole pabalik.

"Hahahaha." Napatawa na lang ako ng malakas dahil may kaunting katotohanan ang pag-iinsulto nilang dalawa sa isa't-isa pero ganoon pa man, wala namang bahid na sama ng loob iyon. Sadiyang ganiyan lang kaming tatlong magbabarkada. Sanay na kaming ini-insulto ang bawat isa. Friendly banter lang kung baga.

"Hoy, bakit naman lakas mo makatawa diyan Kendrix? Totoo ba, pulang-pula ba iyong blush on ko?" Tanong ni Erika sabay naglabas ito ng salamin mula sa kaniyang bag.

Simula grade 6 ay kaming tatlo na nila Erika at Nicole ang magbabarkada. Tanda ko pa noon, hindi ko pa tanggap sa aking sarili na bakla ako. Pilit ko pang ipinagkakalandakan sa buong mundo na hindi ako bakla kahit na halata naman ito sa aking mga galaw. Lahat ng mga kalalakihan noon ay palagi akong ina-asar na bayot at iyakin dahil sa taglay kong kalambotan. Lapitin ako ng mga bully noon pero nag-iba bigla ang ihip ng hangin mula ng makilala ko sina Erika at Nicole. Umiiyak ako noon dahil inagawan ako ng pera na pambili ko sana ng aking kakainin sa reses. Pinatahan nila ako at binigyan din ng kanilang mga sariling baon. Sa isang pagkakataon ay ipinagtanggol pa nila ako mula sa mga lalaking nambubully sa'kin. Simula noon ay kaming tatlo na ang magkakasama sa lahat ng bagay. Naging magkaibigan kami at dahil palaban silang dalawa ay halos takot nading lumapit ang bully ko noon sa'kin. Sabi nga nila, the best team comes in three.

Sa aming tatlo, si Erika Bawas ang pinaka-outgoing at pinaka-maingay. O' diba, ang baho ng apelyido ni Erika pero kung anong ikina-baho ng tunog ng apilyedo niya ay iyon naman ang ikina-bongga ng personality niya at siya rin ang ikina-talas ng kaniyang mata sa pananamit. Babaeng bakla si Erika kaya siguro iyon ang rason kung bakit madalas siyang mapagkamalang bakla dahil sa pananalita niya. Bukod sa kaniyang bonggang personality ay sadiyang may taglay siyang charisma na nakakatulong sa kaniyang appeal.

Si Nicole Villanueva naman ang pinaka-lapitin ng boys sa amin. Maganda si Nicole, makinis at maputi ang kaniyang balat at kahit hindi na siya mag-lagay ng make-up ay maganda parin siya. Iyon nga lang, sa sobrang puti niya ay para na siyang espasol kaya naman lagi siyang may suot na pulang lipstick para hindi siya mapagkamalang patay. Matangkad at balingkinitan din siya kaya naman madalas siya ang muse at madalas ay pinipilit din namin siyang sumali sa mga pageant. Ayon nga lang, lagi siyang runner-up dahil laging kulang ang kaniyang sagot sa Q and A portion. Bukod sa taglay niyang kagandahan ay magaling din siyang maglaro ng volleyball.

Ravaged by the Heartbreak PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon