KABANATA IV: The Heartbreak Prince

8 2 0
                                    

KENDRIX'S POV

Isang malakas na tunog ang nagmula sa aking selpon na siyang gumising sa akin mula sa pagkakatulog. Pagmulat ko ng aking mga mata ay agad kong napansin ang isang braso ni Anthony na nakayakap sa aking katawan habang siya naman ay mahimbing na natutulog sa aking tabi. Tila sarap na sarap ang gago dahil may kasamang mga mahihinang hilik ang kaniyang bawat paghinga. Gagalaw na sana ako pero dito ko na lang naramdaman na hindi lang pala ang braso niya ang nakadantay sa aking katawan kundi pati rin ang isa niyang binti.

"Gago 'to, ginawa ba naman akong teddy bear." sabi ko sa aking sarili. Huli na ng malaman ko sa aking sarili na nakatitig na pala ako sa kaniyang tulog na hitsura. Kitang-kita ko ng malapitan ang kaniyang mga mahahabang pilik-mata. Hindi ko mapigilang mapangiti hindi dahil gwapo siya kundi dahil sa tinulongan niya ako kagabi kahit na dalawang beses na niya akong kamuntikang bugbogin. Siguro kung talagang umuwi siya ay baka inabot na ako ng umaga sa paglalakad pauwi at baka sa mga puntong ito ay sinesermonan na ako ni mama.

Habang nakatitig ako kay Anthony ay unti-unting kumakabog ang aking dibdib sa hindi ko malamang dahilan. Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag sa aking sarili ang aking nararamdaman. Alam kong may poot at inis padin akong nararamdaman sa kaniya ngunit tila may kahalo itong pasasalamat.

Napukaw ang aking atensiyon ng dahil sa muling pagtunog ng aking selpon. Agad ko itong inabot ang nakita kong tumatawag si ate. Hindi ko ito sinagot pero napansin kong nakakailang tawag na pala siya simula kanina at may kasama pang mga message.

KAYLA: San ka, Ken? Hinahanap ka na ni mama.

Toluyan ng nagising ang akin diwa lalo na ng makita ko ang oras. Mag-aalas nuebe na pala at kailangan ko ng umuwi bago pa magising itong mokong na si Anthony. Dahan-dahan kong tinanggal ang kaniyang braso at binti na nakapolupot sa aking katawan bago ako tumayo. Agad-agad kong hinubad ang mga damit na pinahiram niya sa'kin kagabi at nagpalit na ako ng aking damit. Medyo may amoy na ng pawis at usok ang aking damit kaya talagang kailangan ko ng umuwi para makapagligo at makapagpafresh na. Bago ko lisanin ang kwarto ni Anthony ay muli ko siyang tinitigan ng mabuti. Kahit naman pala gago, basagulero at bully 'tong mokong na ay may tinatago parin naman pala siyang magandang ugali. Hindi ko nga lang alam kung totoong ugali niya. Pero ngayon pa lang ay sasabihin ko na. Ito na ang huling pagkakataon na magkakaroon ako ng koneksiyon sa kaniya. Salamat sa'yo Anthony pero wala akong balak makipag-kaibigan sa'yo.

Dahan-dahan akong naglakad palabas ng kwarto ni Anthony. Medyo maingay pa 'yong pinto ng aking buksan buti nalang ay hindi siya nagising dahil kung nagising siya ay hindi ko alam kung ano ang aking sasabihin. Ngayon na wala na ang tama ng alak sa aking katawan ay bumalik ang aking pagkamahiyain. Natatawa ako sa sarili ko habang tahimik na tumatakas. Pakiramdam ko tuloy para akong nakipaghook-up tapos ito 'yong point na tatakas ako dahil ayaw kong mahuli.

Pagkababa ko ng hagdan ay medyo nalutang ako dahil hindi ko alam kung saan ako lalabas. Sa front door ba o sa likod kung saan kami pumasok kaninang madaling araw. Napatigil ako bigla ng may marinig akong tunog na tila galing sa isang takong ng isang sapatos.

"Ace, thank goodn—wait, you're not Ace." sumulpot galing sa likod ang isang babae na nakasuot ng pink na power suit. Hindi ko alam kung ate ba ito ni Anthony o nanay niya. Siguro naman hindi niya ito nanay dahil mukha naman siyang bata para maging nanay niya. Ang kaso lang ay mukha din siyang matanda para maging ate niya.

"Ah, H-hi po?!" ngumiti ako ng pilit kahit na ramdam ko ang pagka-ilang. Buong akala ko ay makakaalis ako ng walang problema.

"I'm sorry, who are you?" tanong ng babae ng naka-kunot noo. Ang tindig ng babae ay nakaka-intimidate. Una dahil mukha siyang propesyonal, pangalawa ay may accent siya na parang british o kaya australian accent at pangatlo ay tila may mataas siyang pinagaralan.

Ravaged by the Heartbreak PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon