KABANATA II: The Heartbreak Prince

13 3 0
                                    

KENDRIX'S POV


Fever dream high in the quiet of the night
You know that I caught it
Bad, bad boy
Shiny toy with a price
You know that I bought it

Killing me slow, out the window
I'm always waiting for you to be waiting below
Devils roll the dice, angels roll their eyes
What doesn't kill me makes me want you more

Kasabay ng malakas na pagpatak ng tubig mula sa shower ay ang malakas ding pagtugtog ng musika na nangga-galing sa aking telepono. Maganda ang beat ng Cruel Summer na siyang kanta ni Taylor Swift. Sikretong paborito ko ang kantang iyon mula pa ng kaniyang unang ilabas kaya naman hindi ko mapigilang mapasayaw na lang at mapasing-along sa tinig ng musika.

Habang abala ako sa pagsising-along gamit ang sabon ng safeguard bilang isang mikropono ay nagulat na lamang ako ng biglang may dalawang kamay na humawak sa mga dibdib ko. Paglingon ko ay nanlaki ang aking mga mata ng makita so si Zeus na nakangiti sa akin. Ang pogi niyang nilalang lalo na kapag siya ay nakangiti. Bukod sa kaniyang mala-artistang ngiti ay may isa siyang dimple sa kanan na siyang nagdadagdag ng kakaibang appeal. Nanghihina na ang aking mga binti at para na akong matutunaw sa kaniyang mga ngiti.

"Z-Zeus? Anong ginagawa mo rito?" Taranta ko tanong sa kaniya. Sa halip na sagotin niya ang aking tanong ay nawala ang kaniyang nakakatunaw na ngiti at napalitan ito ng isang malagkit na titig. Walang ano-ano'y tinulak niya ang katawan ko hanggang sa dingding.

Tinaas niya ang kamay niya sa itaas ng ulo ko ng hindi inaalis ang kaniyang malagkit na pagtitig. Napatingin na lang ako sa kaniyang kili-kili na wala halos buhok hanggang sa mapadpad ang aking mga mata papunta sa kaniyang malaking dibdib. Napalunok nalang ako sa tagpo. Hinawakan niya ang aking baba at unti-unti ay tinaas ito upang titigan ang aking namumulang mukha. Dahan-dahan niyang nilapit ang kaniyang mukha at hindi ko na napigilang mapapikit habang hinihintay ang sa tingin ko ay ang pagdampi ng kaniyang mga labi sa aking labi.

"KEN-KEN!!!" Isang mala-kulog sa lakas na pagsigaw ang nagmula sa malaking bunganga ng ate ko ang bumulabog sa eksena. Dito ko nalang napagtanto na isa lang pa lang panaginip ang lahat. "Anong nginunguso-nguso mo diyan, Ken? Nanaginip ka nanamang may hinahalikang babae no?! Hahaha!" Tugon ng ate kong si Kayla na may kasamang mapang-asar na tawa. Sa lakas ng tawa niya ay nagising talaga ako.

"Ah? H-hindi ah." Napabalikwas na lang ako mula sa aking kama at agad na inabot ang aking selpon para tignan ang oras. "Eh, si ate naman, nakakainis. Alas singko pa lang eh. Di pa nga nagriring ang alarm ko eh."

"Naku, Ken-Ken, bumangon ka na diyan at may bisita si mama baka maunahan ka sa banyo. Matagal ka pa namang maligo. Nagjajakol ka siguro kaya ka matagal maligo." Pang-aasar nanaman ng ate ko. Hindi na niya ako matantanan sa pang-aasar. Ganito ang ate Kayla ko simula pa noong bata kami. Palaging ako ang napagdidiskitahan niya sa pang-aasar. Namiss ko tuloy bigla ang panganay namin na si ate Kolleen dahil siya lagi ang nagtatanggol sa'kin sa tuwing inaasar ako ni Kayla.

"Anong nagjajakol, hindi no. Baka ikaw nagpi—." Bago ko pa matapos ang aking sasabihin ay binatokan agad ako ni ate Kayla. "Aray ko naman, ate!"

"Sige, ano? Itutuloy mo ba ang sasabihin mo o itatapon ko tong selpon ko sa'yo?" Pagbabanta niya sa'kin.

"Tsk, makaligo na nga." Hindi ko na pinansin pa ang ate ko at hinablot ko nalang ang tuwalya ko at naglakad papuntang banyo.

Pagpasok ko sa banyo ay nakita ko ang malaking timba sa gilid katabi ng isang malaking drum at bigla na lang akong natawa sa sarili ko lalo pa ng maalala ko ang panaginip ko kanina. Wala nga pala kaming shower at tanging buhos-buhos lang ng tabo ang gamit namin. Pero kung iisipin ko, hanggang sa panaginip ko na lang ba talaga makakapiling ang aking crush na si Zeus?

Ravaged by the Heartbreak PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon