KABANATA V: FRIEND REQUEST

16 2 0
                                    

KENDRIX'S POV

"Can we be friends?"

Ang mga simpleng salitang iyon ay paulit-ulit na tumatalbog-talbog sa aking isipan. Mula sa aking pagdating sa bahay hanggang sa aking paglalaba ng hapon ay iyon padin ang tanging naging laman ng aking ulo. Pilit kong iwinawaksi sa aking isipan ang mga iyon dahil unang-una pa lang ay ayaw ko ng magkaroon ng kahit na anong koneksiyon sa mga tipo ng lalaking kagaya ni Anthony. Iyong mga tipo ng lalaki na nagpapahirap sa mga buhay ng tulad naming gusto lang mabuhay ng malaya at totoo sa aming sarili. Totoo 'yon. Simula pa noong bata ako ay palagi na akong tinutukso dahil sa aking taglay na kalambotan at tila mas pinangunahan pa nila ako sa pagtuklas ng aking sarili. Hindi naging madali para sa akin ang lahat na siyang nag-udyok sa akin upang magtago sa loob ng kloseta.

Kinagabihan ay hindi padin nawawala sa aking isipan ang tinanong ni Anthony sa'kin bago ako umalis sa kanila. Para na tuloy akong na LSS sa boses niya. Bigla ko tuloy naisip na mali talaga siguro ang desisyon kong sumama sa kaniya. Siguro kong hindi lang talaga ako nanakawan ay hindi mangyayari ang mga ito.

"Argh!!! Can we be friends?" napasigaw na lang ako sa inis tapos ginaya ko kung gaano ka konyo niya sinabi ang mga salitang iyon. "Akala mo naman talaga madali lang sabihin iyon pagkatapos ng lahat ng mga kagagohan niya sa'kin."

Para mawala ang aking inis ay naisipan ko nalang mag scroll sa aking fb. Sigurado akong may makikita nanaman akong bagong mga meme galing kay Erika. Pero imbes na maibsan ang aking nararamdamang inis ay mas lalo pa akong nainis ng buksan ko ang notification tab ko.

ACE ANTHONY MARSHALL II sent you a friend request.

"Ay, putangina." 'di ko na napigilang mapamura sa aking nakita. "Fuck you, Anthony, fuck you!!!"

At hindi pa pala doon sa friend request nagtatapos ang lahat dahil mas nainis pa ako lalo ng buksan ko ang aking messenger at nakita ko ang kaniyang message request. Hindi ko na binuksan ang kaniyang message dahil wala akong balak magkaroon ng kahit anomang koneksiyon sa mga katulad niyang gago at bully. Alam kong may utang pa ako sa kaniya pero kapag nabayaran ko na 'yon sa darating Lunes ay wala na akong paki alam sa kaniya.

Mabilis na dumating ang araw ng Lunes at muli nanaman kaming nagkita nila Erika at Nicole sa skwelahan. Sa lunch break namin ay kumain kami sa may cafeteria at dito na nagsimulang pagkwentohan nila Nicole at Erika ang mga nangyari noong nakaraang Biyernes ng gabi.

"Hoy, ikaw Nicole ha! Type mo ba 'yong si Reggie?" panimulang tanong ni Erika kay Nicole.

"Huh? H-hindi ah. Anong pinagsasabi mo diyan, Erika?" medyo tarantang sagot ni Nicole at alam kong napansin din iyon ni Erika.

"Hmmm, huwag nga ako, Nicole. Alam kong gusto mo rin magkaroon ng jowang mayaman at may sariling sasakyan para kung sakaling magkalover's quarrel kayo ay mapapa stop the car ka." pang-aasar ni Erika na sinamahan pa niya ng mapang-asar at may pagkataklesang tawa.

"Hay naku, Erika. Baka ikaw ang may gusto niyan. Ibahin mo ako at saka may hindi ka pa sinasabi sa amin ni Ken 'no." panunumbat naman ni Nicole.

"Hoy, ano 'yon Erika?" agad kong tanong. Base sa reaksiyon sa mukha ni Erika ay mukhang mayroon nga siyang hindi sinasabi sa amin.

"Wala kaya." mariing pagtatanggi ni Erika.

Tumingin sa akin si Nicole at ngumiti. "Alam mo ba, Ken—"

"Nicole, shhhhh." Agad-agad naman sinubukang pigilan ni Erika si Nicole sa pamamagitan ng pagtakip sa bibig nito.

"Ay, teka, teka lang." inawat ko silang dalawa. "Mukhang alam ko na yan, Erika."

"Ano?" tanong ni Erika.

Sasabihin ko na sana kung ano ang tumatakbo sa isipan ko ng biglang may nagsalita mula sa aking likod.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 16, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ravaged by the Heartbreak PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon