KABANATA III: The Heartbreak Prince

10 3 0
                                    

KENDRIX'S POV


Sa labing-walong taon kong nabubuhay dito sa mundong ibabaw ay tanging ngayon lamang ako nakaramdam ng kakaibang kaba na may halong pagka-lito. Hindi lang 'yon, siguro ay may halo ding itong excitement na tila noong kabataan ko lang naramdaman. Hindi ko masabi sa aking sarili kung ano talaga ito pero basta ang alam ko ay hinalikan ako ni Anthony. Hindi ako makapaniwala doon. Ace Anthony Marshall, the notorious heartbreak prince just kissed me. At hindi lang iyon, that was supposed to be my first kiss and he just took it like it's a piece of cake. Kahit na may tama na ako ng alak ay alam na alam ko parin ang lahat ng nangyari.

Habang naglalakad ako pabalik sa bar ay hindi ko maiwasang mapa-isip kung bakit iyon nagawa sa'kin ng lalaking kina-iinisan ko.

Sinadiya ba niya akong sundan kanina?

Sinadiya ba niya akong halikan?

Ganoon lang ba siya tuwing lasing?

Nagsimula ng mapuno ng mga katanongan ang aking isipan at lahat ng iyon ay tila nagsanib puwersa para maging isang ipo-ipo na ang layunin ay gulohin ang aking utak. Hindi ako 'yong tipo ng tao na kagaya ni Nicole. Hindi ako nag-ooverthink lalo na sa ganitong sitwasyon pero tila sa mga oras na 'to ay nagsisimula na akong mapa-isip.

"Saan ka nagpunta?" tanong agad sa akin ni Erika nang makabalik ako sa table namin.

"Ah, w-wala. Nag er, nagyosi lang." taranta kong sagot. Hindi ko parin mawaglit sa aking isipan kung paano ako halikan ni Anthony kanina. Oo, that's my first ever kiss at masasabi ko naman na nagustohan ko iyon. Ang hindi ko lang talaga matanggap sa aking sarili ay kung bakit ko hinayaan iyon lalo na at hinalikan ko rin siya pabalik. Nadala lang ako pero hindi ko naman talaga intensiyon 'yon.

"Huh? Weeeh? Hindi ka naman nagyoyosi ah. Kailan ka pa nagsimulang mag-yosi, Kendrix?" Napadaosdos si Erika papalapit sabay amoy sa akin. "Naku, naku, naku. Liar!"

"Kasisimula ko lang, ano ka ba. Medyo na-iistress na kasi ako eh." dagdag ko pa para lang tantanan niya ako.

"Eh nasaan 'yong salamin mo?" pagtuturo ni Erika sa aking mga mata.

Fuck, napamura na lang ako sa aking isipan. Naalala ko, tinanggal pala ni Anthony 'yon kanina. Malamang nasa kaniya parin 'yon. "Nilagay ko sa bag ko, hindi mo ba nakita?"

"Kendrix, nasaan na si Anthony?" biglaang tanong ni Zeus na hindi marunong humanap ng magandang tiyempo sa pagpasok sa usapan. Muli ay napamura ako ng pangalawang beses sa aking isipan.

"Malay ko diyan sa kaibigan mo." sagot ko. "Hindi ko naman alaga yan para alam ko kung nasaan."

"Huh? Eh diba sinundan ka niya kanina sa labas?" dagdag pang tanong ni Zeus na aking ikina-inis. Buti na lang ay wala na si Erika sa aking tabi dahil tila mas importante sa kaniya ang paglalandi kay Kyle. I mean, gwapo rin naman si Kyle. Medyo kulang lang siya sa appeal pero si Erika 'to eh. Lahat naman ng gwapo, type ni Erika kahit na wala silang masyadong personality o appeal.

Sasagotin ko na sana ang tanong ni Zeus ng biglang dumating si Anthony at nakita kong hawak-hawak niya ang aking salamin.

"Oh par, andiyan ka na pala. Saan ka nagpunta?" tanong ni Zeus kay Anthony.

Napatingin saglit si Anthony sa akin pero mabilis naman niyang inalis ang kaniyang tingin sa akin. "Wala, nagyosi lang par." sagot ni Anthony. Parehas pa talaga kami ng sagot ha. Alam naman naming dalawa na pareho kaming hindi nagyosi.

"Shot mo na, par." inabotan ni Zeus si Anthony ng alak tapos nilagok niya ito na parang uhaw na uhaw sa alak.

Sa pagpapatuloy ng gabi ay naging awkward ang eksena sa pagitan namin ni Anthony. Mostly, ako ang nakakaramdam nun. Nahihiya akong kausapin siya para kunin ang aking salamin pero buti nalang ay siya na mismo ang naglakas loob na iabot sa akin 'yon sa ilalim ng lamesa.

Ravaged by the Heartbreak PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon