Kinagabihan, habang nakahiga sa kama, balisa ako at pinagpawisan. Pabaling-baling ulo ko sa unan dahil pakiramdam ko may gumagapos sakin na mahigpit na bagay. Sinubokan kong kumuwala, ngunit sa ginawa ko ay mas lalong sumikip ang pag gapos ng sino man sa akin.Para akong paralisa. Nasasakal ako at nahihirapang huminga. Pilit kong iminumulat ang mga mata ko ngunit hindi ko magawa. My mind is active but my body was paralyzed. Pwersahan kong iginalaw ang katawan ko habang pilit ring ibinuka ang dalawang mata. At nang sa wakas nagawa ko ng magmulat, laking gulat ko nang mapagtantong isang malaking ahas ang nakapulupot sa aking katawan.
I stand rooted on the spot. Wala nako sa kama ngayon kundi nakatayo na. How did it happened? Malaki ang ahas sa harapan ko at kulay itim ito. Ang dalawang mata nito ay nakatitig sakin na para bang isa akong masarap na pagkain.
I was lost, and completely not in the right state of mind. Hindi ko ma-comprehend ang pangyayari. Gusto kong sumigaw at humingi ng tulong, pero tila nabara sa lalamunan ko aking boses. I took a step back, trying to escaped from the snake's deadly grip. Pero nang lumingon ako sa likuran ko, napagtanto kong nasa ibabaw ako ng malaking Mansanas nakatayo.
Diyos ko lord, ano ba ito?
"Angel." wika ng ahas, napaka-demonyo ng dating ng boses nito habang hinigpitan lalo ang pag gapos sa katawan ko. Unti-unti nitong inilapit ang mukha sakin at akma na sanang tutuklawin nang biglang magising ang buong diwa ko at napabangon sa kama.
Habol ko ang sariling hininga habang sapo ang dibdib. Mabilis kong binuksan ang ilaw ng lampshade at napatingin sa buong paligid.
I felt relief knowing it was just a dream.
"Thank god." inabot ko ang basong may lamang tubig at saka yun ininom.
What was that all about? Parang totoo yung nasa panaginip ko at ngayon lang ako nakaranas ng ganon. Usually hindi ko binibigyan ng kahulogan ang mga ganitong klaseng bagay dahil hindi naman lahat ng nasa panaginip ay nagkaroon ng reflection sa totoong buhay. Pero iba itong nangyayari sakin ngayon at hindi ko maiwasang matakot.
Experts said dreaming a snake can symbolize danger and fear. It can be a warning sign that something dangerous might enter into someone's life. Or, it could symbolically represent an unknown force within a person attempting to break free from its cocoon. Bakit nga ba ako nakapanaginip ng ganon? Sign ba ito para sa akin? Tungkol naman saan??
Umalis ako sa kama at nagtungo sa balcony para lumanghap ng hangin.
Nagkaroon ako ng anxiety sa napanaginipan ko.
I read a lot of spiritual theology books that has something to do with dreams. According to the book of faith, a snake in a dream can represent transformation, rebirth, or the shedding in someone's outdated habits and beliefs. Sometimes, dreaming a snake can represent temptation, desires, sexual energy or intimacy. In addition, snake dreams can also indicate something unpredictable in a person's life. Ang daming theories & meanings tungkol dito at hindi ko alam kung alin sa mga ito ang tutugma sa akin.I'm overthinking. First, my rosary got broken. Second, a snake appeared in my dreams.
Oh god, ano bang ibig sabihin neto? Am I a sinful woman now?
Palakad-lakad ako sa balcony habang nag-ooverthink. What did I do for me to experience these kind of things? Mabait akong tao, mabuti akong anak. Wala akong naging atraso sa mga tao sa paligid ko. Ano bang nagawa ko para makaranas ng ganito? We are told that God will punish the wicked, that sinful men and women will reap what they sow. Kung may naging kasalanan man ako sa panginoon, I never expected my punishment will come this soon.
I went back to my bedroom and faced my altar. Lumuhod sa harapan ng crucifix at nagdasal.
I'm sorry, Lord, for something that I have done. You know my heart's desire, you know every detail of my life. Please clean my soul, so I will not continue to do the things that do not line up with your word.
Protect me from evil, protect me from temptation, protect me from doing any forbidding stuff. Your love is greater than anything else. May your holy spirit guide me now and forever. In Jesus name, Amen.
BINABASA MO ANG
Sanctuary Island (ɢxɢ / ɪɴᴛᴇʀꜱᴇx) ✔️ REPUBLISHED
Romance~ COMPLETED/Editing ~ Angel and the five Demons, rawr