14

40.2K 834 580
                                    


As the twins and I arrived at the harbor, we boarded their cruise ship where we would be spending the rest of our remaining hours before the sun set. The cruise belongs to their family, and it's my first time to step foot here. First off, the reception area. Pagpasok namin sa loob, pakiramdam ko ay nasa isang five star hotel ako. The ship was luxuriously huge and had enough space for everyone. Nalulula ako sa ganda at laki nito, at hindi ko maiwasang magbigay ng komento sa bawat area na dinadaanan namin. Mukhang kulang ang dalawang oras para libutin ang kabuoan ng barko.

Next, dinala ako nila Naz at Ruru sa entertainment lounge kung saan makikita doon ang iba't-ibang klaseng entertainment leisures na pwedeng gawin ng mga guests. On the left side was the casino area; on the right side was the sports area; on the other side was the gaming area; and the last one was the cinema hub. Parang mall na ang dating ng buong floor na'to, it's insanely amazing.

Next, dinala ulit ako nila Naz at Ruru sa pinaka-ibabaw ng cruise ship kung saan matatagpuan ang water park. We skipped some parts of the ship because of the limited time we have. Mas nagtagal kami dito sa ibabaw dahil mas nag-eenjoy ako sa mga tanawin rito. The weather was so nice and the wind in my hair feels refreshing. I could see the whole Sanctuary Island from up here, dito ko lang din na-discover na madami pang lugar ang hindi ko pa napupuntahan sa isla.

From afar, I saw a lot of tall infrastructures and some other tourist spots. May natanaw rin akong amusement park at golf course. I badly want to go there soon, pero nalilito ako kung sino sa mga Islanders ang yayain ko. I wanted to go with Dane para makabawi kami sa dapat lakad namin ngayong araw, but I also wanted to go with Eden because she's more fun to be with. However, gusto ko rin makasama ang kambal para mas makilala pa sila ng husto. And lastly, gusto ko ring makasama si Saint para awayin siya ng malala.

I'm still embarrassed about what happened earlier inside my cabin, that demon just saw me pleasuring myself. Gusto ko siyang makita para awayin ng paulit-ulit dahil sa pag-invade niya sa privacy ko. Tama ba namang lagyan ng spy camera ang cabin ko?

Di bale, may araw din ang Saint na yan sakin. I swear to god, aawayin ko yan.

Anyways, I enjoyed my time here on the cruise ship and I enjoyed hanging out with Nazareth & Jerusalem as well. Parehong makulit ang dalawa at pareho din silang madaldal. They are the human version of their golden retriever dogs. Nakakatuwang isiping iba't-iba ang personality ng mga islanders ko.

If Dane is the epitome of coolness, then Eden is the sweetest green flag soul. If Naz and Ruru are like a ray of sunshine with cute golden retriever energy, then Saint is.......ewan ko sa letcheng 'yon.

"Sister Angel, if you don't mind, anong gagawin mo mamayang gabi?" biglang tanong sakin ni Nazareth. Nasa tabi ko ito habang nakatanaw din sa direksyong tinitignan ko.

"I'm meeting up with someone later." honest na sagot ko.

"Hmm, yang someone na yan, isa din ba yan sa mga nag-imbita sayo dito sa Isla?" tanong naman ni Jerusalem. Nasa kabilang side ko ito.

"Yes, and I already made a promise to her."

Sumimangot si Nazareth. "Sayang, yayayain ka sana namin mamaya sa live music band sa kabilang resort. Siguradong mag-eenjoy ka 'don."

Natawa ako at mahinang tinapik ang balikat ni Naz. "There's always a next time, Naz. Don't worry, makakabawi rin kayo sakin."

Napangiti si Jerusalem sabay akbay sa akin. "Thank you for spending your short time with us, sister Angel. Pero sana next time, makakasama ka pa namin ng matagal."

Natawa ulit ako at amused na kinurot ang magkabilang pisngi ni Ruru. Ang cute talaga ng magkapatid na 'to.

Madami pa kaming naging kwentohang tatlo at puro 'yon mga random na bagay. Panay ang tawa ko kasi pareho silang may pabaong biro. Both are funny and humorous.

Sanctuary Island  (ɢxɢ / ɪɴᴛᴇʀꜱᴇx) ✔️ REPUBLISHED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon