Chapter 1 - He Said, She Said

97 5 2
                                    

(A/N: This is not a FanFiction of a "very special love", "you changed my life", and/or 'it takes a man and a woman", nicknames of the characters were conceptualized before the actual names came out, scenes, places and themes are either the product of the author's imagination or are used fictitiously, and any resemblance to the JLC-Sarah G. movie is entirely coincidental. LATE ko nang narealize na names ng characters nila JLC at Sarah G. yung nagamit ko pero anyway ayoko nang baguhin.)

Ako si Leida Andrea Sanchez, Lianne, Layda sa mga kaibigan ko; my nephews and nieces call me mama pretty and He calls me Lia. 26 years old na ako. I own a financial consultancy firm for 6 years na, medyo matagal na rin pero hindi naman ako naiinip, kasi I love my job lalo na yung suweldo dito which enabled me to buy my own condo unit, my own car, almost anything my family and I wanted. The mere thought of what and where I am and what I have now had me counting my blessings again, I am thankful for everything that I have, especially sa pamilya ko na namimiss ko na kasi 2 weeks na kong di nakakapunta sa bahay nila mommy... yes I live independently since I decided to leave home after graduation paano ba naman, persistent masyado sila mom and dad, masyadong kinarir ang paghahanap ng lalaking para sa akin, dahil gusto na daw nila na magkababy ako.

A Baby.

Just the thought of it made my heart thump loudly and excitedly against my chest.

Nagtataka siguro kayo kung bakit ganoon na lang ang reaction ko sa isiping yun.

Kung iniisip ninyong siguro'y gusto kong magkaroon ng baby; ay hindi kayo nagkakamali.

Oo gusto kong magkaroon ng baby. Maraming rason kung bakit gusto kong maging ina at magkaroon ng anak gusto niyo bang malaman kung anu-ano ang mga yun?

1. Matagal na akong kinukulit ng mga magulang kong magkaroon ng anak. Gustung-gusto nilang magkaroon ng apo. hindi naman dahil wala pa silang matawag na sariling apo, (dahil meron nang anak yung dalawang kapatid ko na sumunod sa akin). Ganun din yung mga kapatid ko (sabagay s'an pa ba sila magmamana diba?), paulit-ulit akong sinasabihan na kulang daw yung kalaro ng mga anak nila kesyo daw maayos xxjfmxx na yung buhay ko, may stable na trabaho at sariling bahay baka daw naman puwedeng magsettle-down na ako, para mabigyan ko sila ng apo (at pamangkin, as for my brothers and sister). Sa kakakulit nila sa akin, pakiramdam ko ay nahawa na rin ako sa kanila, gusto ko na rin magkaroon ng baby.

**kung di ko pa alam baka maniwala akong yun nga talaga ang rason nila, kaso alam kong takot lang silang tumanda akong dalaga at maiwan akong mag-isa pagdating ng araw. Na malabong mangyari dahil may plano ako.

2. Mahilig at magiliw ako sa mga bata. Maraming nagsasabi na I have a way with kids; hindi ko din alam eh, pero whenever I see kids, something within myself, pushes me to: play with them, read to them, and take good care of them. Doing such activities bring me a sense of fulfillment, contentment and happiness.

3. GUSTO KO NG RESPONSIBILIDAD. At nalulungkot akong napakaraming mga babae't lalaki sa panahon ngayon na umaayaw sa responsibilidad ng pagkakaroon ng anak (pero magkasama, at nasiyahan naman sila nung ginagawa nila yung sexual ACT).

4. Malakas ang pakiramdam at paniniwala kong yun ang makakakumpleto sa buhay ko.

Plantsado na ang buong plano, ang kailangan ko na lang ay pumili ng karapatdapat maging ama ng magiging anak ko; but, there's a catch kailangan ko yung lalaking handa akong tulungan pero hindi magtatangkang hingin ang kamay ko para magpakasal. Dahil ayaw kong magpakasal, no don't get me wrong hindi naman sa wala akong paniniwala sa kasal, dangan nga lang ang pagkakaroon siguro ng romantic commitment ang pinakahuli sa nanaisin ko sa ngayon, naniniwala akong hindi rason para magpakasal na nabuntis o nakabuntis ka. Dahil ang kasal ay isang sagradong bagay, dapat sigurado ng mga magsisisuong sa seremonyang ito na mahal nila ang isa't-isa para hindi naman maging kahihiya sa batas ng Diyos at sa batas ng tao, ang mga binitiwan ninyong vows. Pero ganunpaman bukas ako sa usapin ng joint custody kung gugustuhin ng magiging ama ng magiging anak ko.

Balesin Series 2: My Cherie Amour {ON-HOLD}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon