Chapter 9

25.7K 591 145
                                    

MAAGA AKO nagising at agad akong bumangon sa kama para makapag luto ng almusal. Maglilinis pa ako mamaya at maglalaba din dahil tambak na ang labahan ni sir Andrei. 

Pumasok muna ako ng banyo para makaligo dahil naiinitan ako. Namamasa din panty ko kaya akala ko kanina umihi ako sa kama. Naalala ko nalang bigla na nanaginip nga pala ako. Sa panaginip ko kasi nando'n si sir Andrei. Tapos ginugupitan yung buhok ko sa bilat at may ginawa pa siya na ayaw ko sanang maalala. Yun lang naalala ko sa panaginip ko kaya hindi ko malaman kung bakit basa yung panty ko. 

Nag buhos ako ng tubig gamit ang tabo na ginawa ko. Hindi kasi ako marunong gamitin ang nasa banyo dito, meron din 'to sa kwarto ni sir Andrei pero hindi ko na siya tinanong kung ano yun. Kaya gripo ang ginagamit ko. Hindi alam ni sir Andrei na dinala ko dito sa banyo ko ang balde na nasa laundry area tapos yung tabo ko kumuha lang ako ng baonan na plastic.

Dali-dali akong nag buhos ng katawan at agad nag sabon. Pakanta-kanta pa ako ng dandansoy habang sinasabunan ang katawan ko. 

Nag buhos ulit ako ng tubig saka ako nag shampoo. Yung shampoo na binili ni sir Andrei sa 'kin laging natigas ang buhok ko. Nabali tuloy yung ngipin ng suklay ko sa sobrang tigas. 

Natapos akong maligo at agad lumabas ng banyo habang naka tapis. Ngunit, agad akong napahinto ng makita ko si sir Andrei sa loob ng kwarto ko. Nakaupo pa talaga siya sa kama na para bang hinihintay ako. Dios ko day! Bakit naman nandito si sir Andrei uy, naalala ko tuloy ako damgo. Perti man niya tila-tila sa ako bilat pagkatapos niyang gupitan ang buhok do'n. 

Napahawak ako sa t'walya na naka tapis sa katawan ko at balak sanang umatras pabalik sa banyo. Ngunit sumenyas si sir Andrei sa 'kin na lumapit ako sakanya. 

Hindi ko alam kung lalapit ba ako, wala pa naman akong suot na panty baka masilip niya yung bilat ko na na naka ngiti.

"Come here, Maricel." Tawag niya
sa 'kin ng hindi ako kumilos. 

"B-Bakit po sir? B-Bakit ka po nandito sa kwarto ko sir?" Nauutal kong tanong sakanya.

"Lapit ka muna," sabi niya kaya napabuga ako ng hangin.

Dahan-dahan akong naglakad papunta sakanya habang ang puso ko ay pinasok yata ng mga rebelde at nagkakagulo sa loob ng puso ko. Napalunok pa ako ng laway dahil sa uri ng titig sa 'kin ni sir Andrei. 

Nakarating ako sa harap niya habang siya naman ay titig na titig sa 'kin. Napakamot ako sa likod ng ulo ko habang ang isa kong kamay ay naka hawak parin sa t'walya at baka malaglag.

"S-Sir.. pwedeng lumabas ka muna. Magbihis pa ko sir ba. Lalabas naman ako agad din sir, magluluto ako agad ng almusal sir kung nagugutom ka na." Sabi ko sakanya.

"Hindi ako nagugutom," sagot ni sir saka inabot ang kamay ko. Nagulat pa ako sa ginawa niya kaya nanlaki ang mga mata ko. Inilapat niya ang likod ng palad ko sa nuo niya kaya naramdaman kong mainit siya. 

"Mainit ka sir Andrei. Nilalagnat ka sir ba," sabi ko saka hinila ang kamay ko dahil may kakaiba akong naramdaman.

"Sa tingin mo.. may lagnat ako?" Tanong niya kaya tumango ako. 

"Opo sir, inom ka po gamot sir. Ay hindi pala sir, kumain ka muna pala bago ka uminom ng gamot sir. Dapat may manok sa kapitbahay sir para gawin nating tinola. Mabisa yun sir ba pag may lagnat, higupan mo lang ng mainit na sabaw para pag pawisan ka sir. Kaso sir wala man manok sa kapitbahay niyo sir uy. Wala din malunggay sir. Saan kaya ako makakakuha no'n." Mahaba kong sabi. 

"May manok naman dyan sa ref. Hindi mo na kailangan ng manok sa kapitbahay," sagot niya kaya tumango ako. 

"Sige po, sir. Mamaya maghahanap po ako ng malunggay, sir." Sabi ko saka akmang aalis sa harap niya para sana mag bihis. Nilalamig na kasi ang bilat ko.

Assassin Series 11: Andrei Montero Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon