GINAMOT ako ni Salem dahil narin sa pakiusap ni Ruwi. Hindi ako mapakali at gusto ko ng sumunod sa mga kaibigan ko na tumutulong sa paghanap kay Maricel.
"Tapos na ba?" Tanong ko kay Salem.
"Malapit na, buddy. Kalma ka lang. Sige ka.. papangit ka niyan. Magiging katulad na ang mukha mo kay Raizen." Sagot ng gago. Nagawa ba niyang mag joke sa sitwasyon ko. Kita na nga niyang hindi na maipinta ang mukha ko pag-aalala kay Maricel.
Nasa loob kami ng sasakyan habang ang nagmamaneho ay tauhan ni boss Lucian. Papunta kami sa lugar kung nasaan ang mga kaibigan ko ngayon. Maging si Ruwi at boss Lucian ay tumulong na din. Habang si Atticus at Lord ay ginagawa ang paraan para malocate ang kinaroroonan ni Maricel.
Tumutulong na din ang Siege sa paghahanap. Si Hades naman ay pinipilit paaminin si Verena. Hindi na makapagsalita ang babae dahil pinutol ni Ruwi ang dila kaya si Hades ay may hawak na ballpen at papel kanina.
Mabuti nalang at may tumulong
sa 'kin para hanapin ang inday ot*n ko. Hindi ako magpapahinga hangga’t hindi siya nahahanap.Isang oras ang lumipas ay nakarating kami kung nasa'n sila Ruwi. Iginilid ng nagmamaneho ang sasakyan at hindi ako nagpapapigil kay Salem na bumaba ng kotse.
Naglakad agad ako papunta sa mga tauhan ni boss Lucian kahit pa nga madilim ang nilalakaran ko. Nasa gubat kami at hindi ko lubos maisip na dito dinala ni Verena si Maricel.
Agad kong nakita si Ruwi, Lucifier at Eros na may mga hawak na baril. Nasa likod din ni Ruwi ang asawa niyang si Lucian na seryoso ang mukha habang hawak si Ruwi sa bewang.
"Nagamot ka na ba?" Tanong pa ni Lucifier sa 'kin.
Tumango ako bilang sagot. "Bakit ganyan mga itsura ninyo?" Tanong ko dahil ang seryoso ng mga mukha nila.
Tumingin sa 'kin si Ruwi saka bumuntong hininga. "Nahanap na namin kung saan nilibing si Maricel, Andrei." Saad niya.
"Nasa'n na si Maricel? Kamusta na siya?" Tanong ko pa kay Ruwi habang pinagpapawisan. Hindi ko lubos maisip ang nangyari sa babaeng mahal ko.
"Wag ka sanang mabibigla.." sabi ni Ruwi na ikinabilis ng tibok ng puso ko. Ayaw kong mag-isip ng masama. Hindi ko kaya. Hindi ko yata kakayanin na hindi makita si Maricel.
"Wala si Maricel kung saan nilibing ni Verena. Para bang may naghukay no'n." Saad ni Ruwi habang seryosong nakatitig sa 'kin.
"Anong ibig mong sabihin, Ruwi? Wala so Maricel do'n sa ilalim ng lupa?" Tanong ko. Napabuga ng hangin si Ruwi kaya napagdesisyonan kong maglakad papunta sa sinasabi nilang pinaglibingan ni Verena.
Nakita ko pa ang mga tauhan ni boss Lucian at maging ang miyembro ng Siege na si Sweetheart ay nandito din. Nakita ko ang malalim na lupa na pinapalibutan ng mga tauhan ni boss Lucian.
"Dito nilibing si Maricel, bud." Saad pa sa 'kin ni Sweetheart ng makita niya ako.
"Pano niyo naman nalaman na dito? Paano pala kung gumawa lang ng ibang libingan ang hayop na babaeng yun at nililito lang tayo." Saad ko na halos isigaw na sa sobrang inis ko.
Naramdaman kong may tumapik sa balikat ko kaya lumingon ako. Nakita ko ang seryosong mukha ni Ruwi at inabot sa 'kin ang cellphone at ang ginamit na sling bag ni Maricel. May bahid yun na dugo kaya nanlumo ako.
"H-Hindi ‘to totoo Ruwi diba? Hindi naman patay si Maricel diba?" Tanong ko habang sa mahinang boses na alam kong siya lang ang makakarinig.
"Yun din ang gusto kong paniwalaan, Andrei. May nakita din na mga hibla ng buhok ni Maricel at pati dugo kaya nakapalibot ang mga tauhan ni Lucian upang suriin kung dito ba talaga nilibing si Maricel. Kasama namin si Percival na siyang nag te-test sa mga nakuha nila Sweetheart. At ang masasabi ko ay kay Maricel ang mga hibla ng buhok ang naiwan." Mahabang sabi ni Ruwi.
BINABASA MO ANG
Assassin Series 11: Andrei Montero
Romance|🔞R-18|⚠️Matured Content| ✅Complete| Si Andrei Montero ay isang seryosong lalaki at tanging negosyo at mga kaibigan lang niya ang importante sakanya. Ngunit, paano kung makikilala niya ang babaeng probinsyana na si Maricel Baleber na akala mo'y nan...