Chapter 33

16K 433 97
                                    

NAGISING ako na parang nakatali ang kamay  at paa ko. Agad kong iminulat ang mga mata ko kahit pa nga ang sakit ng ulo ko. Nanlaki ang mata ko dahil madilim na ang paligid. Hindi ko alam kung nasaan ako pero ang nakikita ko lang ay mga puno at sobrang tahimik ng lugar. 

Tumingin ako sa may unahan ng makita ko ang kaibigan kong si Tin na nakahandusay at walang malay. "Tin! Kristine! Gising baya uy!" Tawag ko sakanya at sinusubukan na gumapang kahit pa nga nakatali ang buo kong katawan. Nahihirapan talaga ako sa kalisod ani uy! Naunsa na ba intwn ni. Gagala man lang sana kami ng dalawa kong kaibigan pero bakit man kami napunta sa ganitong sitwasyon uy!

Kahilakon na talaga ako sa kahadlok at nag-aalala din ako kay Tin dahil wala parin siyang malay. Sa tabi din niya ay may isang pala kaya naisip ko na baka hinampas na ang ulo ng kaibigan ko kaya hindi siya  nagigising. Nahadlok na talaga ako sa sitwasyon namin uy! Sana talaga mahanap ako ni sir Andrei ba.. sana abutan pa niya ako ng buhay. Basin mamatay na ako dito. 

"Tin.. Gising, Tin. Nasa delikado tayo ba!!" Sigaw ko na naman sa kaibigan ko pero hindi siya talaga siya gumalaw. Hindi ko makita ang mukha niya dahil natatakpan ng mahaba niyang buhok. Kaya hindi ko makita kong may sugat ba siya o wala. Sana talaga ay walang nangyari sakanya uy! Hindi ko pa naman alam kung buhay pa ba si Bianca. Nawalan pala ako ng malay kanina dahil siguro do’n sa nasinghot ko ba na makalipong.

Sinubukan kong gumapang para puntahan si Tin dahill nag-aalala talaga ako sakanya. Namatay na din yata ang isa kong kaibigan. Naunsa naman tawn ni uy! 

"Tin.. gising na please.." saad ko pa habang gumagapang papunta sakanya. Hirap na hirap ako pero kailangan ko talaga siyang lapitan at baka sakaling pwede ko siyang gisingin sa pamamagitan ng pag yugyug. 

Konti na talaga ay makakalapit na ako sakanya. Sobrang hirap dahil ang dalawang kamay ko ay nakatali sa likod ko habang nag paa ko ay nakatali din. Buti nga yung bibig ko ay walang naka busal kaya nakakapagsalita pa ako. 

Wala na akong pakialam kung madumihan man ang suot kong damit. Napatigil pa ako sa pag gapang dahil biglang kumirot ang tiyan ko. Sobrang sakit no’n na ngayon ko lang naramdaman sa akong kinabuhi. Masakit talaga siya kaya nalukot ang mukha ko. Hindi ko mahaplos ang tiyan ko dahil sa nakatali ang dalawa kong kamay. Halos mapasigaw ako dahil ang sakit talaga. Mas lalo pang sumakit ang tagiliran ko at sinakop na yun pati ang balakang ko. Huminga ako ng malalim  at baka mawala ang sakit. Pero hindi talaga, mas lalong gumrabe ang sakit. 

Napahiga ako at tumulo ang luha ko habang nakatingin kay Tin na wala paring malay. Ito na yata ang katapusan namin tatlo. Sayang lang kasi hindi ako nakapag paalam kay sir bilat ko. Hindi ko man lang nasabi na mahal ko siya uy! Sana pala sinabi ko kanina bago ako lumabas ng kotse niya. Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari. Nasa ulhi talaga ang pagbasol uy! Bisitahin ko nalang si sir Andrei kapag namatay ako ba. Hindi man siguro yun matatakutin sa multo. 

Napasigaw ulit ako dahil sobrang sakit na naman ng tiyan ko. Pero kailangan kong bumangon dahil kailangan kong gisingin si Tin. Kahit isa man lang samin ang mabuhay ba dito. Hindi ko alam kung anong nangyayari at hindi ko din alam kung sino ang may gawa nito. 

Gumapang ulit ako papunta kay Tin. Konti nalang talaga makakalapit na ako sakanya. Magigising ko na siya. 

Ilang pagitan nalang namin ay naabot ko din ang paa ni Tin. Nanghihina ako sa sakit ng tiyan ko kaya niyugyog ko ang paa ni Tin. "Tin.. gising!" Saad ko habang namimilipit sa sakit ng tiyan. Mura ko og kalibangon nga hindi. Siguro dahil sa nangyayari samin dito ba. 

Niyugyog ko ulit ang paa ni Tin ng dalawang beses hanggang sa narinig ko na may tumawa. Mahina lang yun pero narinig ko parin. Tumigil ako sa pagyugyog ng paa ni Tin ng bigla siyang gumalaw at bumangon. 

Assassin Series 11: Andrei Montero Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon