"Mr. Ronan! Congratulations, makaka graduate ka na.. Salamat naman at nakapag-pasa ka ng thesis on time." naka-ngiting sinabi ng kanilang guro. Tinapik nito ang braso ni Kenrich at umalis.
Sumigaw naman ng pahabol si Kenrich sa kanyang guro at ngumiti. "Ma'am, salamat po! :)" tumalon talon ito na parang bata at niyakap ang kanyang kaibigan na si Katherine.
"Kathy! I have a good news!" naka-ngiti nitong sinabi. "Ano yun?" hinila ni Kenrich si Katherine sa isang bench at umupo. Ihinarap ni Kenrich ang mukha ni Katherine sa kanya.
"Ano ba kasi yun?" kumamot sa ulo si Katherine. Tatayo na sana ito kaso pinigilan ni Kenrich at tumawa. "Ay ewan ko sayo. Baliw!" tumawa din naman si Katherine at tuloy tuloy na naglakad.
"Katherine! Saglit lang, oh sige na nga.. Ito na!" tumayo ng diretso si Kenrich; tumingin ito sa mata ng babae na parang seryosong seryoso ang sasabihin.. "Ano? Mag tititigan na lang ba tayo?" nagsalubong ang kilay ni Katherine na parang naiinis na kay Kenrich.
"Eh kasi, makakagraduate na daw ako! Sabi ni Ma'am!" naka-ngiti nitong sinabi kay Katherine; hindi nagalaw si Katherine sa gulat at saya.. "Hoy? Walang ka react-reaction?" sumimangot si Kenrich na parang ang alam nya ay walang paki-alam si Katherine.
"Talaga?!?! Yes! Makakagraduate na din ang best friend ko!!!" sumigaw si Katherine na malakas at rinig ng buong campus.. Pagkatapos sabihin yun ay, napa-tigil sya dahil lahat ng tao ay nakatingin sa kanya. Nagtinginan naman si Katherine at Kenrich sabay tawa.
"Ikaw kasi eh! Napaka-ingay mo.. Akala ko pa naman wala kang ka react-reaction! Hmpf." hinila ni Kenrich si Katherine papunta sa room at doon nila pinagpatuloy ang kwentuhan nila.
~ ~
Alas cinquo na ng hapon ay uwian na ang mga 4th year highschool.. Nagpaalam na ang huli nilang guro at umalis. nag-bell na ang alarm nilang nagsasabing awas na sila. Tumayo ang lahat ng estudyante at ang natira na lamang sa loob ng room ay sina Katherine at Kenrich..
Naka-upo pa rin si Katherine sa kanyang upuan na tila'y may hinahanap sa kanyang bag. "Oh My God! Where is it?" patuloy pa rin ang paghahanap nya sa kanyang bag, kinalkal na nya ang buong bag pero wala pa rin.
"Kathy? Bakit, anong problema?" pinuntahan ni Kenrich si Katherine at nagtataka.. Hinawakan ni Kenrich ang likod ni Katherine at hinimas himas iyon.. "Don't worry, mahahanap mo rin yon. Teka, ano bang nawawala Kathy?" tiningnan ni Kenrich si Katherine ng deretso.
"Nawawala Cellphone ko :( my gosh.. How can I contact my driver!" patuloy pa rin ang paghahanap ni Katherine na para bang napapaiyak na. Dahil ang cellphone na iyon ay bigay pa ng kanyang Daddy bago pa mamatay ito. "Don't worry. I'll allow you to use my phone. Or else ihahatid na lang kita sa bahay mo."
Tumayo si Katherine at naghanap sa buong room nila at hinahanap ang kanyang telepono na ang tatak ay iPhone 4s. "Kathy." tumayo si Kenrich at pinigilan si Katherine sa paghahanap ng kanyang telepono. "Stop finding your cellphone. Hindi mo na yan mahahanap, malay mo nahulog mo kung saan dito sa school natin."
Patuloy pa rin ang paghahanap ni Katherine dahil mahalaga ito para sa kanya dahil ito na lamang ang pamana nito at ang kotse na ginagamit nya. "Edi hahanapin ko! Problema ba yun? Hindi mo kasi alam kung bakit mahalaga yun sa akin! Pamana pa iyon ng Daddy sa akin bago pa sya mamatay! Yun na nga lang ang alaala ko sa kanya eh. Tapos ikaw pa ang kaibigan ko, ang hahadlang sa kasiyahan ko? Ano ba yan! Kenrich, leave me alone if you don't want to help."
BINABASA MO ANG
The Charming Princess (CHARDAWN-ON HOLD)
FanfictionThey say LOVE is blind. Ang tanong totoo ba yun? Eh kung ang Love at first sight nga, kaunti lang ang naniniwala. Paano kung ang pinapangarap mong tao ay dadating sayo ng walang oras? You will accept him/her? Kahit mahirap ang sitwasyon nyong dalaw...