UNO

956 27 0
                                    


The First Arrival



MAINIT AT NAKAKASILAW ANG LIWANAG NA TUMATAMA SA MUKHA NYA.

Gusto nyang sigawan si Sham, bakit nakalimutan na naman nitong sarhan ang bintana ng kwarto nya?! Hindi ba nito alam na ginabi sya—...

Waittt...

Parang video na nagplay sa utak nya ang nangyari noong nakaraang gabi, HD pa.

Hindi sya nakauwi. Dahil habang papatawid sya ay nasagasaan sya ng bwesit na truck!

Animal!

Anak ng tokwa!

Dahan-dahan nyang ibinuka ang mata at sinangga ang sikat ng araw gamit ang kamay nya.

Hindi ba naisip ni Sham na ayaw nya na may nakakapasok na sinag ng araw sa kwarto nya?

Nang tuluyan na syang makapag-adjust sa sinag ng araw ay tuluyan na nyang tinitigan ang buong paligid.

Ang gara naman ng hospital na ito. May pa-chandelier pa...

Pa-arko rin ang kisame na may mga imahe ng kerubin at mga anghel.

Akmang babangon na sya ng parang ang bigat ng katawan nya at ulo nya.

Nang iangat nya ang kamay ay halos himatayin sya.

'What the fudge?'

Bakit parang lumiit ang kamay nya?

Sinubukan nya ulit bumangon pero ang bigat ng katawan nya, particularly ng ulo nya na hindi nya magawang mabuhat para makaupo.

Last time she checked hindi naman ganito kahirap umupo.

Rinig nyang pumihit pabukas ang pintuan.

Maya-maya pa ay may mga tunog ng sapatos na syang naririnig papunta sa direksyon nya.

Kaagad nyang binuka ang bibig upang tawagin sya Sham na tulungan syang bumangon.

Pero..

"Warghhhh!"

Napakunot-noo sya.
May bata! May bata sa kwarto nya!

'Sham! Mapapatay talaga kita!'

Nanggigigil sya! Anong pumasok sa kokote ng kaibigan nya at nagdala ng bata sa kwarto nya sa ospital?! Alam naman nito na allergic sya sa mga sanggol!

"Oh my! The first princess is awake!" Nakangiting bungad sa kanya ng isang hindi nya kilalang mukha.

Mas lalo syang nagulihan.

"Warghhhh, uwahhh, broarrhhh!" (What the fuck are you saying?! What first princess?!)

At halos himatayin sya ng marinig ulit ang boses na iyon.
Hindi iyon boses ng sanggol! Boses nya iyon! Boses nya!!!




WAKING UP AS A VILLAINESS Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon