TRES

590 27 0
                                    


The First Princess


SPEAKING OF ASUNGOT.

Ngayon nya lang naalalang may mga kapatid pala si Maeve.

Anak naman talaga ng tokwa, oo!

Pero ayaw nyang mag-panic, wala syang choice kundi mabuhay sa mundong ito.

She will live this life, now.

Nasa magka-ibang kwarto ang lahat ng prinsesa para maiwasan ang pag-iyak nila ng sabay.

Mabuti na rin na ganoon para maisagawa nya ang plano nya. Ang pag-aralan lahat ng spells na naaalala nyang gamit ni Maeve.

Bilang isa sa mga na-spoil sa series, alam nyang alam na ngayon ng mga anak ng tokwang magulang ni Maeve na fire elemental sya.

Kaya siya inihiwalay sa lahat ng kapatid nya.

Pero mas okay lang rin ito kasi mapagtutuunan nya ng pansin ang pagsasanay sa mahika ni Maeve.

Pero bukas na sya mag-iisip. Matutulog muna sya.

KINABUKASAN.

Nagising siya sa iyang kumosyon.

May umiiyak at galit na mga boses.

Napakunot-noo sya. Anong mayroon?! Aga-aga may drama agad sa sa harap pa mismo ng kuna nya?

"Your Majesty, please?" Iyak nang boses na kilalang-kilala nya. Sa nakalipas na apat na araw ay ang babae ang nag-aalaga sa kanya.

Mas nag-aalala pa nga ito kaysa sa tunay nyang ina.

"That child is a curse! As long as she's not yet known to the public we will hide her to prevent the humiliation to the Royal Family!" Rinig nyang saad ng isang boses lalaki na sa pakiwari nya ay ang hari.

"This will be for the better." Saad naman ng isang boses babae.

"How can you say that?! She's your child!"

A sound of a slap resonated in the whole room.

"Who gives you the right to raise your voice on me?! You lowly shit!" The woman's voice shouted hysterically.

Baliw!

Anak ng tokwa!

Mukhang mga anak pa ata ng demunyu itong mga magulang ni Maeve.

Pagminamalas nga naman sya. Pati ba naman sa ikalawang buhay nya, siraulo rin mga magulang nya?

Napabuntong-hininga nalang sya.

"I'm s-sorry... Your Majesty."

"Next time... Know your place. You're nothing but a lowlife piece of shit." Saad ulit ng nanay nya.

"I will send that child on the northern part of the palace the moment she turned three months old." Anang boses lalaki.

Sunod nyang narinig ang papalayong yabag ng mga ito.

Walanghiya!
Napailing nalang sya. Bahala sila, basta matutulog ulit sya para gising sya mamayang mga madaling araw.

Humikab sya at muling nagpasakop sa antok.

KINAGABIHAN...

Nang tulog na ang lahat ay pinilit nyang alalahanin ang mga chant ni Maeve...

Kailangan nya munang matuto ng simpleng pagsindi ng ilaw.

Hindi sya marunong magsalita kaya sa isip nya nalang sasabihin ang inkantasyon.

Sana lang gumana.

Pumikit sya at huminga nang malalim bago sinambit sa isipan nya ang mga katagang iyon.

'Elementum ignis, velit mi audies... Lux illa lucerna illic.' (Element of fire, my wish you shall hear... Light that candle over there)

Matapos nyang banggitin ay tinitigan nya ng mariin at itinuro ang isang kandila sa sulok ng kwarto.

Maya-maya pa ay nagliyab ito na naging dahilan upang maaninag ang nakangiting mukha ng isang sanggol na nakahiga sa kuna.

'This is so nice!'

Hindi nya inakalang gagana agad sa unang subok nya.

Maeve is strong. Kailangan nya lang ng proper na training.

'Ignis, deus gehennae. Capre lucem creare metum.' (Fire, God of Hell. Seize that light to create fear)

I will show them what the First Princess can do.

WAKING UP AS A VILLAINESS Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon