DIEZ

466 28 0
                                    


The First Years in Wars

She spent her tenth and eleventh birthday at the military camp. Noong una ay mahigpit pa masyado ang mga nakatataas sa kanya pero dahil sa ipinakita nyang galing ay halos sya ang manguna sa lahat ng mga pagsasanay nila.
Hindi naman sya nangangambang makasalubong ang isa sa mga anak ng hari dahil nasisiguro nyang homeschooled ang mga ito.

Nang sumapit ang ika-labing dalawang kaarawan nya ay pinarangalan sya bilang nangunguna sa kaniyang klase. Matapos ito ay agad naman syang pinadala sa isang gyera sa silangang bahagi ng kaharian.

Lumipas ang limang taon ay isa na sya sa pinakatanyag na pangalan sa industriya ng pakikipaglaban, kasama na rito ang ilang mga parangal, karangalan at mga kayamanang natanggap nya sa paglipas ng panahon.

Kilala na sya bilang heneral ng "The Knights Order of Sepulchre". The most feared Order of Knights in the Whole Continient.

Pero maliban sa Order of Knights na pinamumunuan nya ay may isa pang Order na kinakatakutan ng lahat.

Ang 'The Dark Knights of the Basilisk Order', kumpara sa kanila ay ni isa ay wala pang nakakakita sa mukha ng mga knights sa Order na ito.

They are known for being brutal assassins and a fraternity.

Ito ang kinakakaba nya. Walang ganitong nangyari sa series adaptation. Walang nag-i-exist na fraternity sa original.

Ito ang huling gerang papasukin nya. Pang labing-isa at kasama nya ang lalaking kinahuhumalingan ng totoong Maeve. Pero wala na syang pakialam, gagawin nya lahat ng gusto nya na hindi naabala ang buong plot. Hindi naman siguro maapektuhan ang plot kung mawalan ng isang major villainess ang kwento diba?

Napabuntong-hininga sya ng maramdaman ang pagdating ng ilang mga bagong kawal mula sa palasyo kasama sa mga ito ang kilalang prinsepe ng kabilang kaharian.

Crown Prince Silas Hildebrand.
The obsessive male lead.

Sinalubong ito ng Commander ng Order.

Nang makalapit ang mga ito ay tinanguan nya ang lalaki na nagpagulat dito.

'Hah! Anong akala nya? Luluhod ako? Mas mataas ang rangko ko sa kanya at kung social standing ang pagbabasehan, pareho kaming galing sa maharlikang pamilya.' napairap sya sa kapreskohan ng lalaki.

"I am Prince Silas of Gallahad." Pagpapakilala nito sa sarili.

"I know, Prince. Alaric De'Beauchamp, General of the Knights Order of Sepulchre."

Gulat naman ang lahat sa iniasta nya. Pero wala syang pakialam.

"How about you plan your strategy for now and start attacking tomorrow?" Nakataas ang kilay na tanong nya rito.

"You! How dare you talk to the prince like that?!"

"I am the General of this war. I have all the rights to kick anyone out because of incompetence, if your prince is strong and intelligent enough just like he claimed to be, when he volunteered to help in this war just to get the hand of the princess, then he will do as I say or he will have no choice but to leave this camp." Aniya at nagmartsa palayo.

NATAPOS ang gyera sa loob lamang ng tatlong buwan.

May naging ambag naman ang prinsepe kahit paano. Aaminin nyang malakas at may talento ito, matalino rin.
Kaya hinayaan na nyang makuha nito ang mga parangal na para sa kanya. Pero alam nya, ng mga kawal na kasama nila sa labanan at ng mga sibilyan na iniligtas nila na sya talaga ang namuno sa labanan.

Binayaran sya ng hari at ang mga kasama nya sa Order pati na rin ang lahat ng kawal.
Hindi pwedeng ang prinsepe lang ang magtamasa ng karangyaan.
Hiniling nya sa hari na ibigay sa prinsepe lahat ng karangalan basta lahat ng yaman ay paghahati-hatian ng lahat ng kasali sa labanan.
Pumayag ito dahil kung hindi.

Asahan na nitong mabubunyag kinabukasan na may isang prinsesa itong tinatago sa kanlurang bahagi ng palasyo.

WAKING UP AS A VILLAINESS Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon