Matapos ang araw na magkita kami.. dumaan ang isang araw na hindi ko siya nasilayan.. paglipas ng araw na iyon.. napagisipan namin na.. gawin ng opisyal ang relasyon namin.. lagyan na ng label simula nung magkita kami.. kinabukasan magkikita sana ulit kami, ngunit may pasok ako non pano ko siya pupuntahan?? Gumawa ako ng excuse para puntahan siya na hindi na ako kakain sa bahay dahil strict parents ako at napakalapit ng bahay namin sa school.. alam niyo ba ang excuse na ginawa ko? Ang excuse na yon ay may tinatapos akong proyekto sa skwelahan kaya hindi ako uuwi ng tanghalian kaya nagchat ako sakanya..
Me: kita ulit tayo?
Boy: hindi ako pwede umalis ng bahay..
Me: pano pala yon.. (puno ng panghihinayang na tanong ko sakanya na tila nagpapakyut at nanghihinayang)
Boy: punta ka nalang dito sa bahay
(Nagsend ng lokasyon*)
Me: oki sunduin moko sa labas haNatuto akong magsinungaling sa mga magulang ko para mapuntahan siya ARAW ARAW.
Me: dito nako sa labas.. san kayo dito?
Boy: palabas na po(Niyakap niya ako at inakbayan papasok ng gate ng bahay nila)
Naupo kami sa terrace.. at nagkwentuhan.. makaraan ang ilang minuto..
Natigil ang usapan namin at natulala ako at tila hindi ko makita ang langit.. bigla akong nagulat dahil bigla niya akong hinalikan..at hinawakan niya ang mukha ko at dahan dahang dinampi ang labi niya sa mga labi ko..
Ito ang first kiss ko!!! Antagal kong inantay ang pagkakataong maranasan magkaroon ng hahalik sa labi ko.. sa paghalik na yon ang isang kamay niya ay yumakap sa likuran ko at ang isa ay nasa ibaba ng mukha ko na siyang naging daan sa mainit na tagpo ng aming mga labi.
Nagtuloy tuloy ang tagpong iyon.. sa sobrang tagal ng eksenang ito ay pareho kaming naghahabol ng hininga.. ako ang siyang unang tumigil at huminga..
"Bakit ka tumigil? Masarap ba? Sabi ko naman sa iyo diba babawi ako" sambit ng lalaki.
Hindi ako kumibo at tinitigan ko lang siya sa mata at muli niyang inawang ang mga labi niya at nabuo muli ang mga pangyayari.. napahawak na din ang isang kamay ko sa kanyang batok na tila naghahangad ng mas malalim niyang mga halik. Ilang minuto ang nakalipas.. naupo kami at bumalik sa pwesto kung ano ang upo namin ng una. Hinawakan niya ang kamay ko na tila ayaw niyang bitawan sa pagkakakapit.
"Alam mo ba ang ganda ng langit dito.. buti pa dito at sariwa at maaliwalas ang hangin" sambit ko..
"Oo nga e pero pinagpawisan padin tayo"
Sabay na tawanan ang umalingawngaw sa balkonahe ng bahay..Kinagabihan ng makauwi ako ay chinat niya ako..
Boy: mahal?
Me: po?
Boy: first time mo pala yon?
Me: opo
Boy: grabe first mo pala yon pano mo nagawa? Siguro may experience kana?
Me: gaga ikaw nga first ko pano ako magkakaexperience?Sabay tawag sa videocall na siya din naming tinatawanan ang mga pangyayari.
Ngunit may problema sa isipan ko.. Hindi pa ako kilala ng mga kamag anak niya kung kaya hindi pa ako nagmamano at nagpapakilala.
Kelan nga ba ako magpapakilala? Kelan kaya nila ako makikilala?