Nilibot ko ang paligid ko , isang hindi pamilyar na lugar ...Mga taong hindi ko kilala.....
at eksena't pangyayari na ilang beses ko ng nabasa .
Hindi dapat ako nandito ....
Dahil ang lahat ng ito , ay isa lamang kathang isip ng tao .
Paanong ba ako napunta dito ???.
-------------Unang Pahina--------------
Luna's pov
Kadadating ko lang ng bahay galing sa bahay ng kaibigan ko doon lang kasi ako nakakaramdam ng katahimikan sa twing hindi ko nagugustuhan ang nangyayari sa loob mismo ng bahay ko.
Pagpasok palang sa kwarto ko bumungad na kaagad saakin si lucy ang bunso kong kapatid na umiiyak sa gilid ng kama . Binuhat ko siya para patahanin at kumuha ng tuwalya para punasan ang sipon na kumakalat sa buong mukha niya dahil sa kaiiyak.
"Ate . mama at tito away away ulit " sabi niya habang nahikbi.
Tinapik ko lang ang ulo niya tska pinahiga sa kama para patulugin .
Wala ng bago sa mga nangyayari mas mas maninibago pa nga ako kung sa buong araw hindi sila mag aaway.Nang makatulog na siya doon lang ako nakapag palit ng damit . Pagkalabas ko ng kwarto nakita ko si mama na naghahanda ng hapunan , nakangiti siyang tumingin saakin na parang walang nangyari.
"Oh ? Nakauwi kana pala? Nasa kwarto mo ba si lucy ? Hinahanap ko kasi siya kanina . Tska Pagkatapos pala nito tawagin muna ang kapatid mo para makakain na tayo ."
Hindi ko siya pinansin at tuloy tuloy lang akong pumunta sa ref para kumuha ng malamig na tubig.
Habang pinagmamasdan ko si mama napansin kong may mga panibago na namang siyang pasa at mukhang hindi ko na kailangan tanungin kong saan niya nakuha yun."Ano yan mark of love?"
Puna ko sa pasa niya sa kaliwang braso."Ayy yan ba , nadulas kasi ako kanina sa banyo ang likot kasi ni lucy paliguan kaya ayon "
Kita ko kung papaano niya tinatakpan ng manggas ng damit niya ang pasa niya sa kaliwang braso.
"Sinungaling"
Bumalik ako sa kwarto . kinuha ang headphone at sinuot ito saka humiga sa tabi ni lucy.
Ilang oras ang nakalipas naramdaman kong may kumakalabit sa braso ko. Pagdilat ko si mama karga karga na si lucy.
"Luna bangon na diyan kakain na tayo ."
Hindi ko siya pinansin bagkus ay tinalikuran ko lang siya at bumalik sa pagkakatulog .
"Tumayo kana diyan , hindi masarap ang pagkain kapag malamig na ."
Sabi niya bago tuluyang lumabas ng kwarto ko .
Dahan dahan akong umupo , Humikab saglit saka tumayo . Pumunta ako sa kusina kung nasaan sila mama pansin kong nakataob ang isang plato sa lamesa mukhang hindi siya kakain dito.
"Pinag overtime ang tito niyo kaya hindi siya makakauwi ng maaga."
Umupo ako katapat si lucy magsasandok na sana ako ng kanin ng mapansin kong paborito ng ng lalaki yun ang niluto niya pero hindi niya alam na bawal saakin yun dahil allergy ako sa hipon.
" Busog pa pala ako ."
Tumayo ako saka dumiretso sa ref para maghanap na pwedeng kainin , mabuti nalang nag iistock si mama ng prutas kaya yun nalang ang kinain ko .
YOU ARE READING
Mahiwagang Libro
FanfictionThis story is full grammatical error . Hindi mawawala sa isang pamilya ang pagkakaroon ng hindi pagkakaunawaan . Madalas mas malapit pa tayo sa mga hindi natin kadugo kesa sa pamilya natin . Sa daming problemang dumadating satin napapaisip nalang t...