Pangalawang pahina

0 0 0
                                    

Luna's pov

Nagising ako ng madaling araw ng may nakikita akong liwanag na nanggagaling mismo sa study table ko . Hindi ko nalang pinansin baka cellphone ko lang yun . Pero maya maya bigla nalang itong nalaglag dahilan para mapabangon sa kama at kinuha ang cellphone ko na nahulog sa sahig.

Kinapa ko ang sahig pero wala naman doon ang phone ko.  Kaya binuksan ko ang ilaw ng kwarto para magkaroon ng liwanag ng makita ko kung ano ang bumagsak agad ko itong dinampot para ibalik sa lamesa .

"Akala ko naman kung ano. "

Lumabas ako ng kwarto dahil hirap na akong bumalik sa tulog at dumiretso sa kusina para uminom ng malamig na tubig . Pabalik na sana ako ng kwarto na masilayan kong nakauwang ang kwarto ni mama sisilip na sana ako ng marinig ko ang boses ni mama

"Bakit gising ka ? Maaga ba pasok mo?"

Dala dala niya ang isang basong tubig habang nagpupungas pungas pa ng mata.

"Hindi. Uminom lang din ako ng tubig ."

"Matulog kana ulit at tigilan ang kakalaptop may pasok kapa mamaya ."

Taka ko siyang tinignan saka nagtanong.

"Anong sinasabi mo ii pagkadating na pagkadating namin ni lucy natulog ka agad kami."

"Paanong ... Samantalang kanina ko pa nakikita na maliwanag diyan sa kwarto mo , akala ko nakababad ka na naman sa laptop mo."

WEIRD.. pero sa pagkakasabi ni mama nakaramdam ako ng kilabot kaya ng bumalik ako sa kwarto ko , hinayaan ko nalang na nakabukas ang ilaw.  Honestly, hindi talaga ako sanay na natutulog na bukas ang ilaw pero this time hinayaan ko nalang na nakabukas ito at tinignan ko bagay na dinampot ko sa lamesa .

Ang libro ....

Paboritong libro namin ni lucy , ito din kasi yung lagi kong binabasa sa kanya bago siya matulog.

Kung iba ang natatanungin bakit hindi pang nursery rhymes or story book ang binabasa ko sa kanya . Hindi ko din alam , May mga part sa story na may pagkakacommon sa buhay ko kaya siguro nahumaling ako sa  librong yun . Madalas pa nga napapasabi nalang ako sa sarili ko na sana ako nalang yung bida sa story . hindi ko nga maintindihan bakit pati kapatid ko nahumaling ii hindi pa naman siya gaano nakakabasa nun .

Kinuha ko ito at tahimik na binasa ang unang page ng libro. 

"Teka ...  Bakit parang iba na ang nasa libro ? "

Agad kong tinignan ang iba pang pahina , may mga blangko ang ibang page . May ibang story naman na biglang nag iba ng scenes at may character na nadagdag.

May mali .. may kakaibang nangyari sa libro.

Alam ko ang lahat ng nakapaloob sa librong ito dahil ilang beses ko na siyang nabasa kaya alam na alam ko kung may nag iba o nawala. 

Kinilabutan ako , kaya binalik ko ang libro sa study table at mabilis na humiga .

"Ano yun? Bakit iba ang pakiramdam ko?"
Sabi ko habang nakahawak ang kamay ko sa dibdib.

Pinilit ko nalang matulog kahit sa totoo lang natatakot ako .

--------

Nagising ako ng makita ko si lucy hawak hawak ang libro at dahan dahan niya itong pinalipat lipat ng pahina , napabalikwas ako sa pagkakahiga at agad na kinuha sa kanya ang libro . Nilayo ko yun  at agad na kinarga siya palabas ng kwarto .

"Oh mabuti gising kana , kanina kapa ginigising ng kapatid mo. Kumain ka muna bago pumasok ."

Nilapag ko siya at umupo sa tapat niya . Nilagyan ko ng hotdog at kunting kanin ang plato niya . Nilagay naman ni mama sa mesa ang gatas na tinimpla niya para saamin .

Mahiwagang LibroWhere stories live. Discover now