Pang Apat na pahina

0 0 0
                                    

Luna's pov

Hindi ko alam kung saan ako pupunta ngayon.  Hindi ko maintindihan dapat mamamatay na ako kasi nasagasaan ako ng truck . Pero ... Pero bakit nandito ako , buhay.

Lumapit ako sa dalawang babae saka nagtanong.

"Saan po ba dito sakayan  papuntang Makati ? "

Taka nila akong tinignan saka sumagot .

"Makati ??"
Nagtinginan muna sila bago sumagot .

"Miss walang ganung lugar dito."

"Paanong wala ii nasa pilipinas pa din naman tayo diba?"

Pinilit kong tumawa at kita ko na pati sila nagtataka sa mga tinatanong ko.

"Anong pilipinas ?."

Napasin kong may binulong ang kasama niyang babae sa kanya.

"Ah siya ba yun ? Hindi kaya nawalang ng alaala ."
Bulong ng kasama niya .

Umalis sila at tuluyan akong iniwan sa tabi.  Hindi ko alam ang lugar na sinabi nila

Naglakad ako papuntang playground at nagbabakasakaling nandun ang kapatid ko. 

"Lucy ???? Nasan kana ?? Lumabas kana diyan nandito na si ate."

Naiiyak na naman ako.  Hindi ko kasi kaya na mawalay saakin ng matagal ang kapatid ko.  Ngayon pa nga lang parang gusto ko nalang mamatay .

Pumunta ako sa swing tsaka umiyak .
Ilang oras na akong nakaupo at naghihintay ng maramdaman ko na parang gusto ng pumikit ng mga mata ko .

------------

Yuri's pov

Matapos ang aksidente kay luna . Mas lalong napatagal ang paghahanap kay lucy . Dahil Yung mga pulis until now hindi pa din matukoy ang dahilan ng pagkawala ni lucy . Kaya yung kaso unting unting nasasantabi .

"Tito? Uwi na po kayo , ako na po ang magbabantay sa kanya."

Halata sa mukha ni tito yung pagod , puyat at pag aalala .  hindi pa kasi nagigising si luna , doctors said na theres possibility na coma na ang kababagsakan niya dahil sa extremely damaged na natamo ng brain niya sa pagkakabangga.

"Wala kana bang klase?"
Tanong niya saakin .

"Tapos na po at bukas weekend kaya okay lng kahit dito na po ako magpalipas ng ilang araw ."

"Salamat yuri ah . Siguro kung hindi dahil sayo baka mawala saakin yung mga anak ko. "

Nakita ko ang bahagyang pagtulo ng luha ni tito pero agad niya itong pinunasan para hindi ko makita . 

"Oh siya ikaw na bahala kay luna , balitaan muna lang ako kapag may nagbago sa status niya. "

Tinapik ni tito ang balikat ko saka tuluyang umalis.

"Luna , gumising kana diyan ang dami munang projects, assignment at thesis na kailangan habulin . Bahala ka hindi kita tutulungan gawin ang mga yun . Tatawanan lang kita kapag napagalitan ka ni tanda ."

Natawa ako habang patuloy na kinukwento ang mga nangyari buong araw na para bang nakikinig yung  kausap ako.
Habang inaayos ko ang ilang gamit ko , napansin ko ang isang bagay na pamilyar saakin .

Ang libro ......

Ito yung tinutukoy ni luna na may naramdaman daw siyang kakaiba . Sinubukan kong basahin , okay naman ang unang talata yung storya kakaiba parang totoo na nangyari at mga character na may kanya kanyang role sa storya . Ang pumukaw saakin ng atensyon ang 2 character na kaparehong kaparehong pangalan ng taong malapit saakin .

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 02, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Mahiwagang LibroWhere stories live. Discover now