Luna's Pov
2 araw na ang nakalipas hindi pa din namin nakikita si lucy . Under investigation na din ang pamilya ng tatay ni lucy dahil siya ang main suspect sa pagkawala na lucy dahil nga sa testimony na na binigay ko sa prosecutor.
"Kumain kana , buong araw kanang walang kain."
Sabi ni papa ng iabot saakin ng tray na puno ng pagkain."Wala akong gana."
Tumagilid ako saka binalot ng kumot ang buong katawan saka tahimik na umiyak.
------------
Nagising ako sa ingay na nang gagaling sa labas ng kwarto , bumangon ako at naglakad palabas , nagulat ako ng makita ko ang tatay ni lucy nakikipag away kay papa . Sa sobrang galit ko hindi ko na nakontrol ang sarili ko lumapit ako sa kanya at sinampal siya ng ubod lakas . Paulit ulit ko siyang hinampas at ng mapagod ako tuluyan na akong napaupo sa sahig , hindi ko na namamalayan na umiiyak na naman ako .
"Saan mo dinala ang kapatid ko?"
Sabi ko sa pagitang ng aking pag iyak."Talagang ako ang pinag hihinalaan niyo na kumuha sa anak ko?"
Sabi niya habang nakatingin pa din ng masama kay papa."Walang hiya kang bata ka , ang lakas ng loob mong ipakulong ang anak ko samantalang kayo ang dapat ikulong dahil sa pagdadamot na ginagawa niyo sa apo ko."
Galit na sigaw saakin ng matandang babae.Tumayo ako ng tuwid at mata sa matang tinignan ang matanda bago magsalita.
"Apo ? Apo pala yung turing mo sa kapatid ko ?
Parang dati lang kung saktan niyo siya parang hindi tao tapos ngayon kung kailan na wala siya saka ka magpapaka LOLA sa kanya?."Bastos na kung bastos pero galit ako kung paano sila umasta ngayon na parang kami pa ang may kasalanan ng pagkawala ng kapatid ko .
"Kung sa tingin niyo tapos na ako sa inyo , nagkakamali kayo . Mas maiging magkita kita nalng tayo sa korte . "
Tinalikuran ko sila at pilit naglakad papunta sa kwarto ko at doon na ako tuluyang bumagsak sa sahig .Hindi ko na kaya , masyado ng matagal para saakin ang 2 araw what's more kung week , month or year pa ang itatagal bago makita si lucy . Mas lalong Hindi ko kakayanin kapag nangyari yun.
Pinilit kong tumayo para kunin ang phone ko at dinial ang # ni yuri.
"Yuri ........"
Hindi ko pa tuluyang nababangit ang sasabihin ko bigla nalang ako nakarinig ng harurot ng kotse .
Alam kong alam na niya ang ibig kong sabihin kaya inantay ko nalang siyang dumating sa bahay.
Ilang sandali ay narinig ko na ang boses niya kaya binuksan ko ang pinto at niyakap siya.
"Yuri........."
Tawag ko sa pangalan niya."Shhhhhh. Tahan na , makikita din natin siya kaya wag kang panghinaan ng loob ."ginantihan niya din ako ng yakap saka hinahaplos haplos ang buhok ko.
Ilang segundo din kaming nanatili sa pagkakayakap at naisipan naming sa terrence nalang tumabay . Dito tanaw mo ang ilang kabahayan , kahit paano sariwang hangin pa din ang malalanghap mo kaya masarap tumambay dito lalo na kung gusto mo mapag isa .
"Ano na bang balita sa paghahanap?
Panimula niya ."Hindi na natuloy ang pagiging person of interest ng tatay ni lucy dahil napatunayan daw nila na wala daw siyang kinalaman sa pagkawala ng kapatid ko . Kaya ayun , nahihirapan silang tukuyin kung kidnap ba or kung ano na .. "
dahan dahan akong Yumuko at kinagat ang labi ko dahil anytime papatak na ang luhang nagbabadya sa mata ko.
YOU ARE READING
Mahiwagang Libro
FanfictionThis story is full grammatical error . Hindi mawawala sa isang pamilya ang pagkakaroon ng hindi pagkakaunawaan . Madalas mas malapit pa tayo sa mga hindi natin kadugo kesa sa pamilya natin . Sa daming problemang dumadating satin napapaisip nalang t...