CHAPTER X - Denial Princess'

2.5K 82 20
                                    



Bakit mas mahirap aminin ang totoo sa sarili kaysa sa ibang tao?


***

***

***


"GOOD MORNING!"

            Bahagyang iminulat ni Dianne ang mga mata ng marinig ang boses ni Stefanie. Hindi nga siya nagkamali ng makita ang mukha ng kaibigan na nakangiti ang mga labi. Nakakagaan talaga sa pakiramdam ang makita ang magandang mukha nito. Ngunit ilang saglit lang rin ay muli siyang napapikit ng maramdaman ang sakit na sanhi ng mga nangyari kagabi. Sakit na pilit niyang itinago.

            "Dianne... Tulog ka pa rin ba?" Bahagyang dumagan si Stefanie sa nakadapang si Dianne. "Ang sweet niya 'no... Super nag-enjoy talaga ako kagabi. Feeling ko parang... Parang ibang kilig factor na talaga ang nararamdaman ko... Parang gusto ko na talaga siya... Uyy  Dianne, hindi ka naman nakikinig eh. Tulog ka pa ba talaga?"

            'Hindi ko naman kailangan marinig pa eh. Dahil nararamdaman ko... Ramdam na ramdam ko...' sa isip ni Dianne.

            "Dianne..."

            Napasinghap siya ng maramdaman ang yakap ni Stefanie mula sa likuran niya. Ang sarap sa pakriamdam. 'Yung tipong hinihiling niya na sana biglang tumigil ang oras. Para mas maramdaman niya ang init sarap ng mga yakap ni Stefanie. Sana hindi na matapos ang oras na iyon sa kanilang dalawa. Tila nagising siya sa isang msayang panaginip ng tumunog ang cellphone niya sa may katabing maliit na lamesa  ng kama niya.

            Kumilos naman si Stefanie at inabot ang cellphone na tumutunog. "Si Marco..."

            Bumangon na siya at kinuha ang cellphone mula sa kamay ni Stefanie.  "Good morning Marco!" nakangiting bati niya. Hindi siya sigurado kung anong nararamdaman  niya para kay Marco kagaya na lamang ng nararamdaman niya kay Stefanie. Para kasing ginawang boy version ni Stefanie si Marco. Napapangiti siya sa mga simpleng ginagawa nito na pinipilit niyang itago. Isa lang ang alam niya, isa sa mga ito ang mas espesyal sa kanya, kung sino man iyon ay hindi pa siya sigurado.


***


"SO, anong status ninyo?" tanongni Katrina sa nilapitang si Stefanie at Dianne.

            "Status?" kunwa'y balik tanong ni Dianne na nakataas ang isang kilay dahil alam niya ang tinutukoy  ni Katrina.

            "Sus! Kunwari pa 'to. Eh buong weekend raw kayong magkasama nina Jayvie at Marco ah."

            "Paano ninyo nalaman?" Napatunghay si Dianne mula sa binabasang pocketbook ng marinig ang sinabing  iyon ni Myca.

            "Eh nakita raw kayo ni Alvin sa E.K. last Saturday, tapos kagabi nakita naman kayong apat ni Ricky  sa coffee shop."

            "Hindi rin masyadong tsismoso ang mga lalaking 'yun ano?! Daig pa ang puwet ng manok ang mga bibig ah!" inis na sabi ni Dianne. Ang mga kaklase nila an gang tinutukoy ni Katrina.

            "Hayaan mo na," natatawang sabi ni Stef. Inaasahan na niya na silang dalawa ang magiging paksa sa classroom dahil silang apat  nina Jayvie at Marco ang madalas na magkakasama.

            "So, kayo na nga?" muling nakangiting tanong ni Arlene.

            "Hindi 'no!" tugon ni Dianne.

Chained DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon