CHAPTER III - Kaba

4.6K 148 10
                                    

“ANG GANDA NIYA ‘NO? Hindi ko lang talaga lubos maisip kung bakit hanggang ngayon, wala pa rin siyang boyfriend na pinapakilala sa amin.”

            Bahagyang napalingon si Tefi sa nagda-drive na nobyo. Sa loob ng halos dalawang oras yata na pag-uusap nila nina Danne at Karl sa loob ng Starbucks kanina, ni isa sa mga wedding plan ay wala siyang naintindihan.

            “Wala siyang boyfriend?” tanong niya.

            “As far as I know, wala talaga. Iyon nga paulit-ulit na kinukwento ni tita Belen sa akin, lalo na noong huling beses na magkausap kami sa phone. Ihanap ko na daw ng boyfriend si Danne at baka tumandang dalaga. Ayaw naman daw niya no’n kasi sayang daw  ang magandang lahi nila,” natatawang kwento nit Karl.   

            “Her mom…” halos pabulong na saad niya.

            “How did you know?”

            “N-nabanggit mo na siya dati,” tugon niya.

            “Oo nga pala. And back to Danne, the last time na magkakwentuhan nga kami ni tita Belen about her, ang sabi niya never nga daw ito nagpakilala ng boyfriend sa kanila ni tito. May mga oras na nagsasabi ito na lalabas para sa isang date pero hindi naman nila nakilala kung sino.”

            Mga tango lang ang itiungon niya sa patuloy na pagke-kwento ng binata.

            “Ang weird ‘no. Minsan nga iniisip ko na baka lesbian na siya.”

            Muli siyang napalingon dito. “P-paano mo naman nasabi iyon?”

            Tumuloy na inihimpil ni Karl ang kotse sa tapat ng bahay nila  bago siya nilingon. “Hey, I’m just kidding,” anitong hinawakan ang baba niya. “I know na hindi niya sasayangin ang ganda niya para lang maging lesbian. At isa pa, hindi yata ako makakapayag na maging lesbian ang pinakasexy at favorite kong pinsan.”

            Hindi niya alam kung bakit tila may kabang namuo sa dibdib niya dahil sa huling sinabi ni Karl.   

            “Hey babe, are you okey?”    

            Mainit na palad ni Karl na kumulong sa kanang pisngi niya ang tila nagpagising sa natulala niyang diwa. “Y-yes… Napagod lang talaga siguro ako ngayong,” aniya at inayos na ang hawak na bag.

            “Are you sure okey ka lang? Kanina ka pa kasi tahimik sa Starbucks.”

            “Oo naman babe. Puyat lang ako. Remember, more than 24 hours na akong gising,” nakangiting tugon niya.

            “Yeah right. Sige, hindi na lang ako papasok para makapagpahinga ka na kaagad.”

            “Okey, ikaw ang bahala. Sige babe, papasok na ako ha.” Naramdaman niya ang kamay ni Karl na pumigil sa braso niya ng akamang bababa na siya ng kotse.        Muli niyang ibinaling ang mga tingin dito.

            “I love you, babe.” Inilapit nito ang mukha at saglit na hinagkan ang mga labi ni Tefi.

            Ilang segundo rin ang lumipas bago niya nakapa ang mga salitang dati lang ay mabilis niyang naitutugon sa nobyo. “I love you too…”

****

***

TAHIMIK na isinarado ni Tefi ang pinto ng makapasok sa loob ng kwarto niya. Tumuloy siyang umupo sa sulok ng kama niya bago nagbitaw ng isang malalim na buntong hininga. Ilang saglit pa bago siya muling kumilos at may kinuhang kahon mula sa ilalim ng kama niya.

            Sadyang napakaliit ng mundo para sa kanya. Para sa kanilang lahat. Sinimulan niyang ilabas ang mga larawan mula sa loob ng kahon.

            Pakiramdam niya ay hindi na niya mapigilan ang ilang parte ng mga alaalang sumasariwa sa isipan niya. Napapikit na lamang siya upang kahit paano ay maibsan ang naghahalong emosyong nararamdaman niya.

            ‘Bakit ngayon pa?’

 

 

****

****

****

****

please don’t forget to VOTE, COMMENT  and SHARE …

THANK YOU Guys! ^_^

IloveYouALL! :) ^__^

 

Chained DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon