CHAPTER XXXI - The Choice

621 24 1
                                    


Kaba. Excitement. Lito. Magkakahalo na ang nararamdaman ni Marco ngayon habang naghihintay sa pagbaba ni Dianne. Pumayag ito sa gusto niyang mangyari kapalit ng paghihiwalay nila. Bumuntong hininga siya sa naisip. Kaya ba talaga ni Dianne na ibigay ang sarili sa kanya? Pero siya? Kaya na ba niyang ibigay ang kalayaang hinihingi nito mula sa kanya at sa relasyon nilang dalawa?

"Nand'yan na siya..." ani Yaya Meding.

Napatayo si Marco kasunod ang pagtingala sa may punong hagdan kung nasaan si Dianne na dahan-dahang bumababa.

Napalunok siya ng laway habang nakasunod ang tingin sa pababang si Dianne. Napakaganda nito sa suot na gown na matingkad ang kulay na maroon. Lalong pumuti ang kutis ng dalaga. Hindi makapal ang make up sa mukha pero lumabas ang natural na ganda ng mukha. Nakalugay din ang buhok nito na bahagyang kinulot ang dulo. Napaka-perpekto para sa gabing ito. Muli siyang napalunok ng laway nang makalapit na ito sa kanya. "You look drop-dead gorgeous."

Nagbuga ng malalim na buntong hininga si Dianne. Taas ang isang kilay bago sumagot. "So, tititigan mo na lang ba ako buong gabi?"

Ngumiti siya. Ito ang gustung-gusto niya kay Dianne. 'Yung tinatarayan siya. Pinapahirapan. At ito lang ang nag-iisang babaeng nakagagawa sa kanya ng gano'n.

"Hindi pa ba tayo aalis?" muling tanong ni Dianne.

"Let's go, baby..."

Pagkatapos nilang magpaalam kay Yaya Meding ay naglakad na sila palabas ng bahay at sumakay ng kotse. May ilang minuto rin silang tahimik hanggang sa siya na ang unang nagsalita. "Are you sure you wanna do it?"

"Do I have a choice? Nagpromise ka naman 'di ba na... Na this is the last time and only chance para tanggapin mo ang pakikipaghiwalay ko sa 'yo." Diretso ang tingin ni Dianne sa harapan. Seryoso ang mukha. "Ikaw ba? Are you sure, you're ready to set me free?"

Ngumiti siya. Mapait na ngiti bago napailing habang nagda-drive. "You still have time to think. Mag-stay ka sa akin o ibibigay mo ang sarili mo. Actually, okay lang naman sa akin na alam mo 'yun... Hindi kita makuha. Basta alam ko na sa akin ka pa rin."

Naningkit ang mga mata ni Dianne. "Nababaliw ka na talaga."

Napaismik siya bago saglit na nakagat ang mga labi. Nasasaktan ba siya dahil sa sinabi ni Dianne? O nasasaktan siya dahil totoo 'yun? Bumitaw siya ng malalim na buntong hininga bago sumagot. "Maybe yes..." Inihinto niya ang kotse nang maging kulay pula ang traffic light bago ang pedestrial lane. Sinalubong niya ang mga tingin ni Dianne. Ang magandang mukha ng babaeng mahal niya. "Nababaliw na ako sa pagmamahal ko sa iyo."

Chained DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon