Jillian Fuentes
Nanunood ako ng movie pero ang isip ko ay na'kay Anne. Bakit ba ang sungit niya sakin?
Gusto ko lang naman siyang kausapin, kaso paano? Lagi niya akong iniiwasan.
Di ko naman pwedeng sabihin sa kanya na kaya tumawa si Jean ay dahil nahuli niya akong nakatitig sa kanya. Baka lalo lang niya akong kainisan. Siya lang ang nag-iisang tao na tinatanggihan ako!
Lumabas muna ako ng bahay, paano di ako makatulog. Sa bahay nila Jean ako nagpunta kaso wala siya. Dumiretso na lang ako sa isang accoustic bar na paborito kong tambayan.
Tinext ko si Jo.
["Jo asan ka?"]
["Bakit miss mo ba ko?"]
["Tse! punta ka tito sa 'Bamboo' wala akong kasama, kailangan ko ng kausap."]
["Ayoko baka reypin mo ko!"]
["Gago! Di kita type! lol"]
["Joke lang, wait mo ko!"]
After 30mins dumating din si Jo. Nakadalawang shot na ako ng Tequila. Parang ang gaan ng ulo ko. Mahina akong uminom kaya madali akong tamaan. Ayoko kasi maapektuhan yong paglalaro ko kaya hindi ako basta nag-iinom. Anyway, hindi naman kami maglalasing, konting inom lang.
"Tsk tsk nabasted ka?" bungad agad ni Jo pagdating niya.
"Nope di naman ako nanliligaw. Ni-reject lang." saglit, parang ganon din yon.
"Who? oh wait i'll guess! Is it Anne?"
Hindi ako umimik. Para akong tanga. Ganito ba talaga? Ngayon ko lang naranasang ma-reject.
"Ayaw niya akong kausapin." saad ko sabay kagat sa lower lip ko.
"Para kang batang nagsusumbong. Don't waste your time Jill, If she doesn't like you then hayaan mo na lang, tsk tsk tsk mukhang tinamaan ka nga."
Napapailing na lang ako. Alam kasi nila kapag seryoso ako sa isang bagay katulad ngayon.
Nacha-challenge tuloy ako sa babaeng yon. Ayoko sa lahat nire-reject ako!
_____________________________________
Anne Del Rio
Katatapos ng huling klase ko at naglalakad na ako pauwi. Walking distance lang mula school hanggang apartment at mga 15 minutes na lakad.
Habang naglalakad ako ay may bumusina na sasakyan sa likuran ko at agad akong gumilid.
Grabe naman kung makabusina! Lumingon ako at nakita ko ang kotse na nakasunod sakin.
Feeling ata ng taong 'to sa kanya ang buong kalsada!
"Hi sunget." tinitigan kong mabuti kung sino ang taong may ari ng sasakyan at namukhaan ko agad.
Siya na naman! Walang iba kundi si Jillian.
Di ako makapaniwalang andito na naman 'to. Tinalikuran ko siya at naglakad na lang ulit ako.
"Ihahatid na kita." Hindi ko pa din siya pinapansin. Naglalakad ako at nakasunod pa rin ang kotse niya.
Napansin kong tumigil na yong sasakyan niya at nagulat na lang ako nong may humawak sa beywang ko.
"Kung ayaw mo akong pansinin, hindi talaga kita titigilan!"Halos kaladkarin niya ako papasok sa kotse niya.
"Jillian ano bang problema mo, kidnapping tong ginagawa mo!"
Natawa siya.
"Then sue me!"
Nang-aasar ba siya? Kung lalaki lang siya ang tawag sa kanya ay presko!
Wala na akong nagawa, nilagay na niya yong seatbelt sa bewang ko at habang nilalagay niya halos magkadikit na ang mukha namin.
"Saan mo ba ako dadalhin, Jillian?"
"You know what? Ikaw lang tumatawag sa akin ng Jillian, I love it!" saad niya saka siya ngumiti.
Bakit ganon? Parang nag-iinit ang mukha ko. Umiwas agad ako ng tingin sa kanya.
Nagba-blush ba ako? Oh no!
Sa totoo lang masarap umupo dito sa kotse niya, ang bango at very feminine ng scent.
Studyante pa lang siya pero luxury car na ang gamit niyang sasakyan.Mayaman nga talaga!
Wala kaming imikan hanggan sa makarating kami sa isang "Wow! Isang five star hotel" nasabi ko sa sarili ko.
Pagpasok namin dito sa entrance naka red carpet ito. May nagguide sa amin papunta sa isang napaka bonggang restaurant sa loob mismo ng hotel.
Ngayon lang ako nakapasok sa ganitong lugar. Parang awkward pa dahil naka skinny jeans lang ako at blouse na may print na sponge bob sa harapan. Favorite cartoon character ko kasi. Si Jillian kahit nakashort shorts at Sleeveless na blouse lang makikita mo talagang iba ang dating niya.
"Bat ang sama naman ng tingin mo sa akin? Kakain lang tayo para makabawi ako sa ano mang kasalanan ko."
Di ako sumagot, iniwas ko lang ang tingin ko sa kanya.
May sinerve sa amin na soup. Tinikman ko at nagustuhan ko ito dahil sobrang sarap.
Hindi ko pa rin iniimik si Jillian, hindi ko feel eh tsaka gutom pa ako. Next na sinerve sa amin ay isang slice ng meat konting patak ng sauce sa gilid at isang maliit na dahon.
Hindi ko talaga maintindihan, ganito ba talaga kumain ang mayayaman?
"Anne, sorry kung ano man ang kasalanan ko."
Parang sincere naman ang pagkasabi niya.
"Sige I'll forgive you on one condition."
"Ano yon?"
"Tantanan mo na ako."
"Aww!" sabi niya.
Ano kaya yon?
Pagkatapos naming kumain ay hinatid niya ako rito sa apartment. Alam na tuloy niya kung saan ako nakatira.
"Sunget, aalis na ako bukas ulit." sabi niya sa akin at ngumiti siya ng pagkatamis. Sa totoo lang cute siya! Pero tama bang tawagin nya akong sunget?
"Thanks sa dinner." sabi ko na lang.
"You're welcome." sabi nya at humalik siya sa pisngi ko. Natulala talaga ako.
Oh hindi! Ramdam kong uminit na naman ang mukha ko.
Tumakbo na ako papasok ng apartment at sumandal ako dito sa pinto.
Bakit ganito?
Ang weird ng pakiramdam ko.
.....
BINABASA MO ANG
Forbidden Flower (Jillian Fuentes Book 1) GXG ✔
Romance[Completed] Mature content | SPG | R-18 | GL Story Meet Jillian the famous Varsity Player lahat halos ng student sa Campus at ibang Universities pangarap maging malapit sa kanya. Kilala siya for being popular, beautiful and rich girl and Anne the t...