Chapter 25

93.9K 1.3K 174
                                    

Jillian Fuentes



"Good morning, Jillian." yong boses na yon. Napaka-lambing at ang sarap sa pandinig. Napangiti ako at bahagyang napamulat. "...bangon na."

Napakurap-kurap ako.

"Hay sa wakas nagising din!"

"Babe, bakit nandito ka?!" napaupo ako rito sa gilid ng kama.

"Jillian, may amnesia ka ba? Magkasama tayo kagabi galing tayo sa probinya ng kapatid mo."

"Oo nga pala. Nanaginip kasi ako babe hinatid daw kita sa apartment mo."

"Sus."

Napangiti tuloy ako saka humalik sa labi niya.

"Totoo babe napanaginipan kita."

Niyakap ko yong unan niya na kinuha ko sa apartment niya noon. Nakaligo na siya at nakabihis.

"Maligo ka na, Jillian."

"Gusto mo bang mamasyal ulit tayo?"

Linggo naman ngayon kaya okay lang kung lumabas kami.

"Pwede, sa park tayo mamasyal." Akalain mo marunong na siyang magyaya ngayon. Dati madalas panay kidnap ang ginagawa ko sa kanya sumama lang siya sa akin.

"Sige babe maliligo lang ako." Tumayo ako at pumasok na ako ng banyo. Tumapat na ko sa shower.

Kapag naaalala ko yong kapatid ko napapangiti ako. Paano parehas sila ng babe ko. Masungit! Ang dami kong tanong sa kanya kahapon pero wala ata siyang sinagot ni isa. Kay Pam ko pa nahiningi yong number niya. Ipinakilala din niya sa akin yong ibang kabanda niya kahapon. Magkahawig daw kami ni Wendy sabi nila.

Pagkatapos ko maligo nagbihis na ako.

"Tara na babe."

Pagdating namin ng park ay bumili kami ng icecream at kinain ito habang naglalakad. Sana tumulo yong kinakain niya para madilaan ko ulit yong leeg niya.

"Jillian, umupo muna tayo."

Mukhang pagod na siya.

"Sure, halika." Dito kami sa damuhan umupo sa may ilalim ng punong kahoy. Buti na lang hindi mainit ang panahon.

Habang nagpapahinga kami ay text siya ng text. Bigla tuloy ako napaisip. Paano kaya yon? Naipakilala ko na siya kay Dad bilang GF ko. Ako kaya? Maipapakilala din kaya niya ako sa family niya bilang GF niya?

Bumuntong hininga na lang ako.

Sa totoo lang hindi namin napaguusapan kung ano ba ang mga plano namin para sa aming dalawa. Pero umaasa ako na balang araw magawa rin niya akong ipakilala sa pamilya niya.

...

Mabilis dumaan ang araw.

Nandito kami sa classroom, isang subject na lang ay uwian na. Napapansin ko napapadalas ang pagti-text ng babe ko. Baka mamaya may lumalandi na sa kanya.

Natapos na ang lahat ng klase namin at naglalakad na kami palabas ng gate.

"Jillian, sa Friday after class pupunta ako ng airport dadating kasi sina Tito galing America yong nagpapaaral sa akin."

Tito pala niya ang nagpapaaral sa kanya, ang bait naman nila.

"Ganon ba? Eh di, ihatid na kita."

Hindi siya sumagot agad.

"Kaso may laro kayo non, eh."

Napakunot noo ako. Oo nga pala!

"Sino ang kasama mo na pupunta?"

Forbidden Flower (Jillian Fuentes Book 1) GXG ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon