Chapter 15

73.5K 1.2K 47
                                    



Jillian Fuentes



Parang wala ako sa sarili ko ngayon. Kanina pa ako tulala, iniisip kung bakit ako ipinagtabuyan ni Anne, akala ko pa naman masaya siya kapag kasama ako. Nasasaktan ako, dahil mukhang hindi siya masaya na nakikita ako o lumalapit sa kanya.

Gusto kong matulog pa pero ayaw tumigil ng utak ko sa pagiisip sa kanya. Kanina pa ako nakaupo rito sa gilid ng kama. Nagising ako nang maaga pero wala akong ganang kumilos. Napapaisip pa ako kung papasok ba ako sa klase o hindi? May laro pa naman kami mamaya.

Pero wala akong choice dahil kapag hindi ako naglaro. Maaapektuhan ang team.

Napapailing na lang ako. Grabe ang epekto sa akin nong ginawa ni Anne na pagtataboy sa akin. Pakiramdam ko nawala lahat ng sigla at lakas ng katawan ko.

Nagprepare na ako and then after one hour ay papunta na ako ng school. Medyo late ako konti pero ayos lang hahabol na lang ako.

Pagpasok ko ng class room umupo agad ako rito sa first row. Nasa second row si Anne, mabuti nang dito ako umupo para maiwasan ko siyang titigan at ayokong makita niya na apektado ako sa ginawa niya.

Maghapon akong tulala, maghapon na malungkot ang pakiramdam ko. Wala akong kinakausap, kahit sila Jean at Jo hindi ko iniimik, mas pinili ko ang mapag-isa.

Ngayon naman papunta na kami sa sports arena para sa laro namin.

"Jill, okay ka lang ba?" tanong ni Jo, andito na kami.

"Yup." seryosong tugon ko. Tinapik niya ako sa balikat, napayuko ako dahil ayokong mapansin niya sa mga mata ko na may pinagdadaanan ako.

Naghanda na kami at isa-isa na kaming tinatawag para sa first six.

Ang daming pumapalakpak kapag ako ang tinatawag pero parang hindi yon ang kailangan ko. Napalingon ako sa mga audience at nahagip agad ng mga mata ko si Anne. Nasa second row sila ng mga kaklase namin. Nakatingin din siya sa akin pero umiwas agad ako ng tingin sa kanya.

Nagsimula na ang laro. Hindi ako makatalon. Wala talaga ako sa sarili ko at parang wala akong lakas.

"Jill!"si Jo ulit. Napatingin ako sa kanya.

"Jill focus! May problema ba?"

Umiling ako.

Lamang na pala yong kalaban. Nakatingin lang ako sa bola pero ayaw gumalaw ng katawan ko.

"Jill yong bola!!"

Huli na nong marealized ko na sa akin papunta yong bola, ni hindi ko nagawang i-toss, o kahit umilag man lang. Naramdaman ko na lang na tumama nang malakas sa mukha ko yong bola. Pero hindi ako bumagsak, nakatayo pa rin ako.

Sapol ang mukha ko!

Biglang tumahimik ang crowd. Napansin kong tawanan yong mga kalaban namin parang tuwang tuwa sa nangyari. Isa sa kanila ang umismid pa na para ba niyang sinasabi na deserve ko ang matamaan ng bola.

"Jill, ayos ka lang?"si Captain.

Alam ko nagaalala na ang mga kasama ko.

"Sinong nagspike ng bola?" tanong ko, ganon ako kawala sa sarili ko.

"Si number six." sabi nila.

Tiningnan ko yong number six. Ah, siya yong tuwang-tuwa nong matamaan yong mukha ko.

"Okay let's start the game!"sigaw ko.

Ngayon palang magsisimula ang totoong laban! Ngayon gising na ako. Humanda sa akin yang number six na yan! Pero salamat sa kanya, nabuhay ang dugo ko.

Forbidden Flower (Jillian Fuentes Book 1) GXG ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon