Chapter 19

355 3 0
                                    

*****

Nakita ko si Grethel na naglalakad sa lobby ng bahay. Huminga muna ako ng malalim bago siya habulin. Nang maabutan ko siya ay hinila ko agad ang pulsuhan niya hindi naman siya pumalag at nagpatianod lang kaya dinala ko siya sa kusina.

Nagpalinga-linga pa ako sa paligid upang tingnan kung may tao ba 'o wala. Nang masiguro kong wala ay tumingin ako kay Grethel. Bakas ang pagkabigla sa mukha niya.

"Please, I don't want this engagement. Kausapin mo naman sina Daddy at tito." Nagmamakaawa kong sabi. Lumamlam naman ang mukha niya at napabuntong hininga.

"Thanks! I got it!" Parang natutuwa niya pang wika kaya kumunot ang noo ko.

"What?... I got it?" Naguguluhan na tanong ko. Tumango naman siya at ngumiti.

"I don't want to marry you also. We're just a friend not a lover." Diretsahan nitong tanong kaya nakahinga na 'rin ako ng maluwag sa wakas.

"I have also a girlfriend and... I don't want to hurt her." Ngumiti ako ng malapad sa narinig ko. Perfect. He wouldn't want this engagement too.

"So you have a plan, now?" Taas kilay na tanong ko. Binitawan ko na 'rin ang kamay niya.

"From now on, nothing... but I think it. Marami namang paraan di'ba?" Makahulugan niyang tanong. Ngumiti naman ako sa kaniya at tumango.

We both don't like this arrange marriage. I'd hope that this time our parents' will support our decision.

"But, this time. I can disobey my parents' babawiin nila ang lahat sa 'kin." Makahulugan nitong wika. Gumuho ang mundo ko sa aking narinig. Mayroon na sana akong pag-asa na makatakas sa lungga na 'to naging bato pa.

"Why?" Tanong ko agad at saka nanghila ng upuan sa dining table at umupo.

"They will-. Hello tito," naputol ang sasabihin niya at napunta kay Daddy ang atensiyon naming dalawa.

"Oh, mabuti't nakapag-usap na ka 'yo." Mukhang natutuwa pa si Daddy ng naabutan niyang nag-uusap kami ni Grethel. Pilit naman akong ngumiti.

"Tito, we cancel our engagement."

"Daddy, hindi na namin itutuloy ang engagement namin." Sabay naming wika ni Grethel. Nagkatinginan pa kami sandali at saka nagpilit ako ng ngiti.

Kitang-kita ko kung paano nalukot ang mukha ni Daddy. Napabuntong hininga ito at parang hindi niya alam ang gagawin. Ilang beses na 'rin siyang napahaplos sa kaniyang buhok. Mukhang hindi niya inaasahan na maging si Grethel ay tutol 'rin.

"Dad, see." I gestured. "Hindi nga 'rin gusto ni Grethel ang engagement na mangyayari. Huwag mo na kami pang pahirapan. We both don't like this engagement."

"Tito, I'd hope you should understand us. We only a friends not a lover. And please po, don't tell my parents' about this. Huwag niyong ipaalam sa kanila na tutol 'rin ako. I'm strangled tito, pleased." Pagmamakaawa ni Grethel.

"Dad, I am your daughter, please... kahit ngayon man 'lang ay maiparamdam mo sa 'kin na anak mo 'ko." Punong pagmamakaawa na wika ko. Ilang minuto pa kaming nakatayo ng biglang sumulpot si Mommy sa likuran ni Daddy.

"Tama na, honey. Let them. Lalong lalo na si Grethel. They didn't love each other kaya huwag mo ng ipinilit pa," wika ni Mommy at hinaplos ang likod ni Daddy.

Napabuntong hininga naman si Daddy at napailing.

"Fine." Pagsuko ni Daddy. Tinaas pa ang dalawang kamay nito kaya napatalon ako sa tuwa. Naglakad na paalis si Daddy at kami na 'lang ni Grethel at Mommy ang naiwan. Malapad ang ngiti ko at gano'n 'din si Mommy.

SenyoritaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon