Chapter 7

44 3 0
                                    

ILANG ulit nagpabaling-baling nang ulo si  Maggie sa kama. Hindi kasi siya dalawin nang antok. Masaya, excited siya. Noah gave her, her first true kiss.  Nayakap niya ang unan dala nang kilig na na nagpapalakas nang kabog ang dibdib niya.


Baliw na  nga siguro siya sa pag-ibig niya para kay Noah, but so what. She wanted him 'yon ang mahalaga. Muli siyang dumapa. Pero ilang saglit lang ay muli niyang tumihaya. Saka mariing napapikit at muling nagmulat.


"Kung natupad na ang first kiss ko, nalapit na ring matupad na maging kami ni Prof Noah." Kausap niya sa madilim na kisame na tila ba nakikinig 'yon.  Tanging ang ilaw mula sa labas lang ang nagsisilbing liwanag nang silid niya.


Napahikab siya nang makadama na rin siya nang antok sa wakas. Ngunit ang antok niya ay nilipad nang pagkabasag nang kung anong bagay na ikinagulat niya. Napabangon siya,  subalit isang bato ang muling tumama sa bintana niya.  Kasunod nang muling pagkabasag nang salamin. Dahilan upang mapatili siya. Muntik na kasi siyang tamaan nang pabilog na kulay puting bagay na 'yon.


Ilang sandali pa ay nagliwanag ang silid niya. At ang nag-aalalang si Noah ang nakita niya. Kaya napatakbo siya dito. 


"What happened here?"


"May nagbato sa bintana." Nahihintakutang sabi niya.  Noah check on her at nang masigurong ayos lang siya ay saka ito nakahinga  nang maluwag.  Hinila siya nito sa isang tabi, saka ito nanglakad patungo sa basag na bintana.   Natigilan 'ito nang may kung anong dinampot sa sahig. 


"Anong nangyari?" Ang inaantok na tanong ni Manang Cecil. 


"Linisin n'yo na lang ito bukas Manang,"  turan ni Noah dito, may kung  anong isinilid sa bulsa nito.  Hindi nakaligtas sa mata niya ang pagtangis nang bagang nito. 


"Sino naman kaya ang gagawa nang kalukuhang 'yan sa ganitong oras? Nasaktan ka ba hija." Baling ng ginang sa kanya.


"Ayos lang po ako, nagulat lang ako." Hindi niya maiwasang makadama nang matakot. May phobia siya sa mga ganung bagay. Dahil nangyari na rin ang ganun sa bahay nila noon. Bago nangyari ang aksidente sa ina niya.


"Threats ba 'yon?" Panic na tanong niya kay Noah.


"Hindi, may mga batang wala lang sigurong magawa." Anito nang makalapit sa kanya. Alam niyang hindi nagsasabi nang totoo si Noah. "Let's go. Huwag ka nang matulog muna dito. Ipapaayos ko ang bintana bukas." Anang nito saka siya inakay palabas nang silid. Sumunod naman si Manang Cecil sa kanila.


"Ayusin ko ho ba ang isang kuwarto sa kabila?"


"Huwag na, ako nang bahala kay Maggie. Matulog na ho ulit kayo." Taboy nito sa ginang. Saka hinapit ni Noah ang baywang niya patungo sa silid nito.


Kung hindi siya natatakot kanina, siguradong magwawala siya sa saya.   Noah lead her to his bed, saka siya  binigyan nang isang basong tubig.  Kinakabahan pa rin siya pero nang manoot sa ilong niya ang amoy sa silid ni Noah tila nilipad  nang hangin ang takot siya napalitan nang labis na pag-aalala.

Temptation: Make you MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon