"ANG GWAPO talaga nang pagsinta mo, day." Pinalo pa ni Donna ang braso niya nang lapitan siya nito. Nagkakagulo pa ang ilang estudyante kanina dahil pumasok sa loob nang campus ang kotse ni Noah, ayaw na niya sanang papasukin pa ito, pero nagpilit ito para kaunti na lang umano ang lakarin niya.
Kaya hayun pinutakti siya nang mga ingitera at marites niyang school mates. Buti nga tinantanan na siya kaya nakalapit na si Donna sa kanya.
"Alam mo ba inday Maggie, 'yon palang guy sa bar, anak nang politician, kaya pala mayabang, pero grabe na phobia ako sa kanya. Buti na lang to the rescue ang pagsinta mo."
"Hay huwag mo nang ipaalala, sumasakit lang ang brain cells ko sa mayabang na 'yon. Sana makulong siya sa ginagawa niya. Adik pa ata 'yon." Naiiling na turan niya. Kaya hindi na siya babalik sa bar na 'yon.
"So, ano may nangyari na ba?"
"Oo, kiniss ko s'ya." Walang gatol na saad niya. "Diving kiss ang tawag doon." Pangiti-ngiting usal niya.
"Wow ha! Kiss lang? Korny mo." Pambubuksa nito.
"Anong gusto mo reypin ko si Prof. Tama na muna 'yon, one step at a time lang."
"Kung sabagay," anang nito sabay tango. "baka isipin pa niya manyak ka." nakangising asong turan nito. ""
"Pero paano ka nga ba na-inlove sa kanya, I mean his bit old for you."
"Dahil kainlove- inlove si Professor, laging mukha at amoy mabango. Tapos sabi ba niya kahapon lumaki raw akong maganda. " Kinikilig na kuwento niya dito.
"Mags," kapwa sila napalingon sa bagong dating na si Marlon ngiting ngiti pa ito nang lumapit sa kanila. "Flowers for you." Nagulat pa siya nang ilapag nito sa table niya ang bulaklak na itinatago pala nito sa likod. "Ako mismo ang pumuli nang bulaklak para sa'yo. Kaya kasing ganda mo sila." Dagdag pa nito sabay kindat. Napatingin naman sa kanila ang mga kaklase nilang naroon. Ang iba ay nakangiti, pero ang ilan naman ay naka-ismid sa kanya. Lalo na si Lara nagmamagandang classmate niya na kalaban niya lagi sa pagkamuse, pero obviously laging talo ito sa beauty niya.
Nagawa pa niyang ngitian ito nang masalubong ang titig nila. Halata namang type nito si Marlon. Pero sorry na lang ito dahil hindi ito maka-ungos sa kanya.
Namamalditahan lang talaga siya dito, dahil everytime na magsasalubong ang mata nila madalas siyang ismiran nito. Kaya nag-eenjoy tuloy siyang lalong asarin ito.
"Ah...ang sweet mo talaga, Marlon. Thanks sa flowers." Sinadya pa niyang lalong lambingan ang boses niya. Wala lang trip lang niyang asarin si Lara. Pero nagulat siya nang maglakad ito palapit sa kanila.
"Kalandian ba 'yan, young ang old pinapatos mo. Feeling mo lahat nang guwapo sa'yo." Nakaismid na turan nito sabay taas ang kilay.
"Hay naku, Marlon sa susunod kasi, dalawang bouquet ang dalhin mo, bigyan mo rin si Lara. Mukhang naiingit eh." Pang-iinis niya dito.
BINABASA MO ANG
Temptation: Make you Mine
RandomWalang ibang nais si Maggie kundi ang pag-ibig nang lalaking nagpatibok kanyang puso, ngunit nang magtapat siya nang pag-ibig niya dito, he rejected her. His reason she was too young for her--- pero ang spoiled na dalagang katulad niya ay hindi gan...