Chapter 8

65 2 0
                                    

NAGULAT si Maggie nang biglang pakawalan siya ni Noah. Kapwa sila nang hahabol nang paghinga. Pero nalito siya dahil bigla itong tumigil. Ibinaba nito ang laylayan nang bestida niyang halos nahantad na sa mata nito ang ibabang bahagi nang katawan niya. Hindi man lang niya namalayan 'yon. 


"Magbihis ka na, may pasok ka pa." Iyon lang at umalis na ito. Para siyang nahulog mula sa kasiyahang nararamdaman niya at bumagsak sa sahig.


Natampal niya ang noo dala ang frustration na umataki sa kanya. Did he just left her kung kailan handa na siyang magpakalunod sa kaligayahang dala nito. Nag-antay muna siya nang ilang sandali bago nang pasyang bumangon sa kama. Magbabanyo sana siya, pero nakasara 'yon. Hula niya si Noah ang naroon, dahil dinig niya ang lagaslas nang tubig  sa shower.


Kaya bumalik na lang siya sa silid niya. Bigla kasi siyang inataki nang hiya. Saka nag-antay sa may pinto ng kuwarto. Nang marinig niya ang yabag ni Noah kasunod ang pgsara nang pinto ay saka siya lumabas at dumiretso sa banyo.


Naiwan pa doon ang amoy nito. Nagmadali siyang naligo upang kalmahin ang sarili niya. Ang init kasi nang pakiramdam niya.


Naging tahimik sila habang nasa kotse sila. Nagbilin lang itong antayin niya nito pag-uwi.


Pero dahil maagang natapos ang klase nila ni Donna  nang hapong 'yon kaya nagka-ayaan na lagn silang lumabas.


"Alam mo kanina ko pa napapansin na wala ka sa sarili mo, problema mo?"


"Friendship, look at me, hindi ba ako attractive ha?"


"Gaga, kung sa preference ko hindi no, lalaki rin ang type ko, day." 


"Hindi naman 'yon ang ibig kong sabihin I mean, bakit ako iniwan ni Noah kanina. Hay nakakafrustrate lang kasing isiping---ano ba 'yan."


"Ano bang ganap mo kasi? Huwag mong sabihing sineseduce mo si Prof tapos deneadma ka?"


"Parang ganun na nga," makangusong sagot niya na ikinatawa nito, kaya nainis niya at binato niya ito nang maning kinakain nila. "makatawa ka 'd'yan. Kainis ka." Sikmat niya dito.


"Ito naman joke lang, so anong level... nakita mo na 'yong---?" kusa nitong binitin ang sasabihin. Kaya tumango niya.


"Malandi ka, boring kong nakita mo lang."


"HIniwakan ko." Baliwalang saad niya na ikinanganga naman nito.


"Ay malandi ka talaga, day." Pinalo pa nito ang braso niya. 


"Turo mo 'yon, huwag kang  judgemental d'yan." Napatuwid siya nang upo saka bahagyang lumapit dito. " Sabi mo mga five to seven lang   'yong ano nang lalaki eh."


"Eh sa 'yon pa lang nakita ko eh. Teka meaning--malaki?" Tumango tango siya, Donna's eyes filled with excitement. " Kung sabagay malaking tao naman kasi 'yong  pagsinta mo. Kaya for sure malaki ang kayamanan niya."

Temptation: Make you MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon