Chapter 9

48 2 0
                                    


"NOAH," Napalingon si Noah  na naroon sa sofa habang nanonood nang documentary sa malaking smart TV na naroon. Manumula ang mukha nito noon niya napansin ang bote nang beer sa lamesita sa tapat nito.


"Oh, akala ko bukas ka pa darating?" Formal na saad nito saka dinampot ang bote nang beer.  Pansin niyang kaseryusohan sa mukha nito. Well he was always like that, walang nakapagtataka doon. Pero may kung anong kakaiba siyang papansin dito na hindi niya magawang tukuyin.


"Where's my daughter."


"Baka tulog na, gusto mong uminum?" Aluk nito.


"Hindi puwede, maaga ako bukas. Nag-aalala lang ako sa binalita mo kagabi. Is he alright?"Tanong niya dito saka kaupo sa pang-isahang sofa na naroon.


"She was scared, pero mukhang okay naman na siya. May kaso akong hawak ngayon kaya kailagan ko nang  additional bodyguard para sa kanya. I might not be always around for her. Mabuti nang sigurado. Just make sure to make them look discrete and keep there distance."


"Oo sige."


"Why don't you check on her?"


"Hindi na, gusto ko lang masigurong okay lang siya. Alam kong nandito ka para bantayan siya, but I'm still worried  about her. She's all I have." Hindi niya maitago ang pag-aalala. Kinailangan niyang ipagkatiwala kay Noah  ang anak niya para maprotektahan niya ang anak niya. At si Noah lang ang maari niyang pagkatiwalaan. Just as how he trusted him. Ngunit lihim siyang napalunok at pinagmasdan ito.   "Pagpapadala ako nang tao sa'yo bukas."  Inilapag niya ng dala niyang paper bag para sa anak. "Pakibigay sa kanya." Tumango lang ito.


"Dito ka ba matutulog?"


"No, dalawa lang ang kuwarto dito. Besides dadaan ako sa bahay. Tapos babalik na ako nang Palawan. Aalis na rin ako late na. Good night."


"Matutuwa si Maggie kung makikita ka niya." Anang nito.


"Magtatampo lang 'yon kung alam niyang iiwan ko naman siya. Masyado na akong maraming atraso sa anak ko." Aniya sabay buntong hininga. Kung hindi lang sa pangako niya sa abuelo ni Noah. 


"Okay. Mag-ingat ka."


"Sigurado ka bang ayaw mong pa-imbestigahan ang nagpadala nang threat sa'yo?"  Napahinto pa siya nang nasa may pinto na siya upang muling kombinsihin ito.


"Alam ko na kung sino. Huwag mo nang  alalahahin 'yon. I'll kill that fucking bastard." Mahina subalit mariing usal nito.


Napatango na lang siya saka nagpaalam. Kung may dapat siyang katakutan ay 'yon ay kung anong kayang gawin ni Noah. Dahil hindi niya kayang basahin ang iniisip nito.  At natatakot rin siya sa maaring mangyari kapag namalan nito ang sekreto  nalaman niyan gustong imbestigahan nito.


NAKAHINGA nang maluwag si Noah nang tuluyang makaalis si Morris sa condo. Mabuti  na lang at tinawagan siya nang security nang condo para sabihing dumating si Morris. Alam na niyang dadalaw ito kay Maggie dahil tinawagan siya nito sa phone kaninang tanghali. Kaya hindi niya inaasahang darating ito ngayon.   Siguradong malaking problema kung naabutan sila nito nang anak nito sa kama. Kahit magkaibigan sila, baka mapatay siya ni Morris.

Temptation: Make you MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon