The Prey 1

288 7 0
                                    

Puti ang buhok na parang nyebe. Maputi ang mala porselanang balat. Maamo ang mukha.

Nakakahalina ang bango na tanging mga werewolf lang ang mga nakakaamoy.

Ngunit sa kabila ng ganda nila ay sinong mag-aakalang isa lamang silang mga pagkain?

Ang papel nila ay mabuhay at magparami upang maging pagkain.

Ang tawag sa kanila ay mga nymph. Isa sila sa pinakamahinang nilalang sa mundong ibabaw.

Isa ang mga nymph sa itinuring na pinakaimportanteng bagay sa mundo ng mga werewolf.

Upang maka survive ang mga werewolf ay kailangan may nabubuhay na mga nymph walang pangalan ang mga nymph dahil hindi sila tumatagal at isa lamang silang pagkain.

Maliban sa kilala lang sila sa tawag na nymph ay wala nang ibang tawag sa kanila.






----- NYMPH -----

Snow Season *





Nanginginig ako.

Ang nyebe sa labas ng pet shop ang siyang dahilan.

Winter na naman. Ngunit sino ba ang may pakialam kung mamatay kami sa ginaw?

Walang saplot, nakatali ang kamay at paa habang nakaupo sa malamig na sahig.

Nagmarka ang tali sa aking pulsuhan at binti. Habang nanginginig at pinagmamasdan ang mga kulay puting nyebe na nahuhulog mula sa kalangitan.

Kung hindi man ako maibili ngayon ng may ari ng pet shop ay maaring mamatay na lang ako sa ginaw ngayon.

Iniinda ko ang malaking sugat sa aking likod. Dulot ng makailang hampas ng pamalo doon.

Ang kasalanan ko lamang ay hindi ako kumakain dahil hindi ko magawang hawakan ang pagkain tungo sa aking bibig.

May malaking sugat ang aking palad.

Kung kaya't mahihirapan ako kahit sa pagsubo.

“Ano bang hanap mo? Mayroon kaming mga murang nymph dito. Ano bang kasarian ng gusto mo? Lalaki ba? Babae? Pinakamagandang nymph ba?”ani may ari ng pet shop.

Pumasok ang isang may edad na lalaki. Mukhang nasa edad 50 na.

Istrikto ang mukha. Hindi mamahalin ang suot na damit. At may suot na sumbrerong banig.

Sa unang tingin. Alam mo agad na isa lamang tagasilbi o magsasaka.

Nag-aalaga at nagpaparami ng nymph ang mga pet owners para ikalakal sa mga werewolf na naghahanap ng sariwang karne.

Isa ang pagbebenta ng nymph sa pangunahing hanap buhay ng mga taga Gentes.

“Para sa palasyo ang hinahanap ko,”ani Lalaki.

Namilog ang mata ng pet owner. “Karangalan kong magbenta ng nymph para sa alpha!”

“Kung anong mairerekomenda mong nymph na may mataas na kalidad ang kukunin ko.”

“Ora mismo! Ihahanda ko ang mga 'yon,”ani pet owner na agad tumalima upang gawin ang gusto ng customer.

Napatingin ako sa lagayan ng tubig ng lalaking customer. Tiyak na may laman na tubig iyon.

Ang kahoy na lalagyan niya ng tubig ay nakatali lang sa kaniyang tagiliran na siyang kadalasan na ginagawa ng mga taga-rito.

Napalunok ako.

The PreyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon