The Prey 3

187 12 8
                                    

Dahil sa nangyari ay tila tinatali na ako ni Uncle Fidel sa loob ng bahay

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Dahil sa nangyari ay tila tinatali na ako ni Uncle Fidel sa loob ng bahay. Ang usa na aking sinagip ay sumang-ayon si Uncle Fidel na manatili sa akin hanggang sa kaya na nitong bumalik sa gubat.

Dumating ang tag-init. Unti-unting natutunaw ang nyebe sa paligid. Apat na buwan ulit ang nagdaan.

Maraming bagay akong gustong matutunan. Mula sa pagluluto. Hanggang sa simpleng gawain sa bahay.

Sumusunod-sunod ako kay Uncle. At unti unti niya akong tinuturuan. Masasabi kong sa loob ng apat na buwan ay marami akong nalaman. At...

Hindi nasayang ang panahon ko.

......

Tumingala ako. Ang malamlam na init na nagmula sa araw ay tumama sa mukha ko.

Napahinto ako sa pagdampot ng panggatong. Tumutulong ako sa pagiipon ng panggatong.

Upang sa taglamig ay may magamit kami. Kahit papaano ay mapapainit namin ang maliit na sigaan.

Naramdaman ko ang pagalaw ng tali na nakatali sa paa ko. Inilagay ni Uncle iyon sa akin upang malaman niya kung lumalayo na ako o nasa malapit lang.

Hihilain niya iyon hudyat na dapat akong bumalik at huwag nang lumayo masiyado.

Tahimik na sinundan ko ang pulang tali.

Ngunit imbes na si Uncle Fidel ang abutan ko ay isang binatang hindi nalalayo ang edad sa akin ang may hawak ng tali.

Pagtataka ang nakapaskil sa mga mata ko.

“Ipinatawag si Tito Fidel sa mansyon. May kailangan siyang gawin kaya't ako ang inatasan niyang maghintay sa'yo dito.” Nakaawang ng bahagya ang mukha ng binata.

Agad itong kumilos para lapitan ako. At naglahad ng kamay sa akin.

Nagulat ako at napaatras. Napansin niya iyon kaya medyo nag-alangan siya.

Pahiya na binawi niya ang kamay. “Pasensiya na. Ako si Timothy Clinton. Ikaw?”

Sinisikap niyang hindi maging awkward ang pagitan naming dalawa.

Hindi ako nagsalita. Hindi ko alam kung anong tinatanong niya. Tsaka, ako? Walang pangalan ang mga nymph.

Tumangu-tango si Timothy. Napagtanto niyang wala nga palang pangalan ang mga nymph. Maliban sa tawag sa amin ay nymph.

“Oo nga pala.” Awkward na tumawa si Timothy.

Pinagmasdan niya ako bago niya naalalang dala niya ang maliit na kadena na ikakabit sa paa ko.

Wala si Uncle. Kaya maiiwan siyang mag-isa sa bahay.

Napatingin siya sa kadena na dapat ikakabit sa akin. Pero hindi niya iyon inilagay sa akin.

“Tara na?” ani Timothy.

Nagtataka na sumunod ako kay Timothy.

Malalim ang sugat ko noon sa binti. Kaya paika-ika pa akong naglakad. Napansin kong napapatingin si Timothy sa paa ko.

The PreyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon