Namilog ang mata ko. Nasa panganib ako! Kita ko sa anyo ng isang ito na kumakain siya ng Nymph hindi siya tulad ng mga mababait na werewolf na nakakasalamuha ko.
“T-Timoth-” Hindi ko na nagawang makasigaw dahil isang higpit lang ng braso niya sa katawan ko nahimatay na ako.
Para akong isang babasaging bagay na inipit at dinurog gamit ng matigas na bagay.
Isang nymph, walang kalaban laban na nymph na tanging papel lang sa mundo ay ang maging pagkain. Nagsimula nang magbago ang pananaw ko sa buhay dahil sa mga nakilala kong werewolf na kahit kailan, hindi ako sinaktan.
Kaya lang kung kailan nagsisimula nang mamulat ang mata ko sa totoong mundo ay tila saka naman ito magwawakas.
Nagising ako sa isang madilim na lugar. Masakit ang ulo ko. At tila kay lamig ng kaliwang braso ko. Doon ko napansin na nagdurugo ang braso ko. Hindi ko na ito maigalaw dahil walang lakas. Nabalian ba ako?
Tumingala ako, wala akong masiyadong maaninag. Napakadilim ng paligid. Hindi ko rin halos maihakbang ang binti ko dahil sa sugat doon.
Nangapa ako sa paligid hanggang sa may maaninag na akong liwanag. May liwanag! Nagmadali akong humakbang palapit kaya lang natigilan ako nang maabutan ang limang babaeng nymph na nakabulagta sa sahig.
Lahat siya ay wala nang buhay at may mga malalaking marka ng kalmot sa dibdib. Butas ang mga dibdib at mulat ang mga mata na nakabulagta sa sahig.
Doon nagtatapos ang buhay nila. Kaming lahat ay hindi na bago sa ganitong bagay. Hindi kami nakakaramdam ng takot sa kamatayan. Para sa amin, iyon ang katapusan ng paghihirap namin.
Wala kaming inaasahan sa buhay namin. Isisilang kaming nymph, mamamatay kaming nymph.
Lumapit ako sa pinto at hinawakan ang saradura niyon. Hindi ko alam kung papaano buksan iyon. Mang-mang ang mga tulad namin. Walang alam sa mundo. Kahit ang simpleng bagay, hindi pa namin alam.
"Just twist that you little bitch.” Isang malalim na bulong sa tainga ko ang biglang sumulpot sa likuran ko.
Hinawakan ng matigas at maugat na kamay ang maliit kong kamay upang turuang magbukas ng saradura. Nilingon ko siya nang bumukas iyon. Hindi ito ang lalaking nakasalubong ko sa gubat.
Tinulak niya ako kaya't nadapa ako palabas ng silid. Hindi ko na maigalaw ang isang braso ko kaya hindi ko nagawang tumuko sa sahig. Kaya't buong katawan ko ang bumulagta doon.
Napadaing ako sa sakit ng braso at katawan ko.
"Ito ang bago mo, di ba? Iniwan ko dahil presko pa. Tsaka siya ang mas maganda sa lahat ng nymph na nakita ko. Kapag nagsawa ka na, ibigay mo sa akin. Parang gusto ko muna siyang paglaruan.” Ang kausap ng lalaki ay ang lalaking nakaupo sa sofa. Nakasuot ng silk na itim na roba at bukas ang bandang dibdib.
Ang lalaking iyon ang lalaking nakasalubong ko sa gubat. Siya ang nagdala sa akin dito.
Nang mag-angat siya ng tingin ay sumalubong sa akin ang mala ginto niyang mga mata. Tila natural na sa kaniya ang dilim at bigat ng awra niya.
Sumilay ang mapaglaro niyang ngisi. Ngisi na tila walang magandang gagawin. “You silly, crackhead.”
“Pinaglinis mo lang pala ako sa storage mo. Kapag inabot na ng ilang araw iyong mga nymph mo saka mo lang ako tinatawag.” Umingos iyong nasa likuran ko at yamot na naglakad tungo sa sofa at pinulot ang puting tela saka pinampunas sa kamay na puno ng dugo.
Tumingin ako sa paligid. Wala akong pakialam sa mga gagawin nila. Kung ano man ang pag-uusapan nila ay labas na ako doon. Gaya ng karaniwang nymph, hihintayin ko na lang kung kailan niya ako patayin katulad ng ginawa nila sa mga kauri ko sa silid na pinanggalingan ko.
Kahit masakit ang katawan, hindi ko maiwasang hindi mamangha sa lugar na ito. Wala ito sa bahay ni Uncle Fidel.
Napangiwi ako nang maramdaman ang pananakit ng katawan.
“Gonna go. May pasok pa ako.” Paalam no'ng isa at tumalima sa pinto.
Hindi umimik iyong isang werewolf. Naglaho ang kulay gintong kulay ng kaniyang mga mata. Bumalik iyon sa abuhin. Tila dalawa ang klase ng mata mayroon siya. Ang Alpha lang ang naalala kong may kulay gintong kulay ng mata.
Gumapang ako palapit sa kaniya. Umangat ang kilay niya nang humawak ako sa pantalon niya at ginawang suporta iyon para makatayo kahit papaano.
Nanatili ang mga mata niya sa akin. Tila nanghahamon ang uri ng pagkakatitig niyon. Tumingin siya sa katawan ko. Wala akong kahit anong saplot. Ang kanang kamay ko ang ginamit ko para kunin ang kamay niya. Hinayaan niya akong gawin iyon.
Alam kong isang hampas niya lang sa akin ay titilapon ako sa malayo. Malalakas ang mga werewolf. Wala kami sa kalingkingan ng lakas nila. Ngunit kung balak niya man akong saktan. Mas mabuti pang tapusin niya na lang ako. Iyon lang ang hiling ko.
Itinapat ko ang kamay niya sa leeg ko. Nanatiling blangko at walang emosyon ang mga mata ko. Katulad ng isang walang kalaban laban na hayop na wala nang pakialam sa kamatayan.
“Patay a-ako. P-Patay mo a-ako.” Nahihirapan akong banggitin iyon pero sinisikap kong buohin ang salitang iyon.
Hindi siya nagsalita. Nanatiling nakatitig siya sa akin. Tila nakatitig siya sa walang kwentang nilalang.
Hindi niya ba ako naiintindihan? Bakit ganiyan pa rin siya makatingin?
Pinakita ko sa kaniya ang daliri niya. Kanina nakita kong may lumabas na matulis na kuko sa kamay noong kasama niya kanina dito. Tinuro ko iyon.
“D-Dito, kuko, tusok mo dito,” ani ko at tinapat ulit sa leeg ko. Tila ako pa ang nagtuturo sa kaniya kung papaano ako patayin.
Tila ganoon naman talaga.
“Patay ako, patay ako...”
Ang kaninang blangko at walang buhay niyang mata ay tila may kakaibang kislap at may kalakip ng dilim iyon. Sumilay ang nakakaloko niyang ngisi.
Hinila niya ang buhok ko dahilan para mapatingala ako. Napasinghap ako sa gulat dahil sa biglaan niya iyong ginawa. Sunod niyon ay kinabig niya ang bewang ko dahilan para mapaupo ako sa hita niya.
Inilapit niya ang mukha sa aking leeg. Nilanghap niya ang amoy sa leeg ko. Hindi ako gumalaw. Tila isang tuta na sumusunod lang sa ano mang gusto niyang gawin sa akin.
“Sa lahat ng nymph na nakita ko. Ang amoy mo ang pinakanagustuhan ko.” Inangat niya ang palad na may dugo ko at inamoy iyon. Nagkulay dilaw ang mga mata niya nang ibinalik ang tingin sa akin. “Now tell me, how could I end your life when you're this delicious?”
Wala akong maintindihan sa mga sinasabi niya. Nakapaskil ang blangkong mga mata habang nakatitig ako sa kaniya. At habang tumatagal ay tila natutuwa siyang pagmasdan lang ako ng ganiyan. Kaakibat ng tuwa ang dilim sa awrang iyon.
Tinaas niya ang kulay puti kong buhok. Kumikinang ang buhok na iyon sa malaki at matigas niyang kamay. Kakaibang bagay na mayroon kami na wala ang mga werewolf.
“Nymphs are insanely beautiful. But you're extraordinary.” Hinawi niya ang buhok na nakatabing sa mukha ko. “Those blue eyes...”
Pinagmasdan niya ang mga mata ko. Itinaas niya ang hintuturo upang hawakan ang ibabang labi ko.
“I feel like I want to...”
Napadaing ako nang hawakan niya ng mahigpit ang binti ko. Napakapit ako sa balikat niya dahil sa sakit. Umiiyak na ako nang tigilan niya iyon. Nakakapanghina ang sakit.
“I feel like I want to see you in pain...” Bulong niya sa tainga ko. “I love keeping beautiful things and crushed them with my bare hands.”
Humihingal at nanghihina sa sakit at mga natamong injury. Nakasubsob ang ulo ko sa balikat niya at halos hindi na maiangat sa panghihina. Pinikit ko ang mga mata ko nang makaramdam ng pamimigat doon. Namalayan ko na lang na binuhat niya ako at hindi ko na alam kung saan niya ako dinala.
BINABASA MO ANG
The Prey
General FictionHindi lahat ng babae ay tinuturing na biyaya ang kagandahan. Iba ang dalagang nymph. Ang dalagang nymph na simula't sapol ay laman na ng pagnanasa ng mga halimaw na nais siyang makuha at kitilin. Ang ganda niya ay isinusumpa niya. Dahil sa kagandah...