The Prey 2

218 7 2
                                    

Isa sa nakatuka sa imbakan ng pagkain si Uncle Fidel. Ang lalaking nakabili sa akin. Kaya siya ang bumili ng lahat ng kailangan bilhin sa araw na iyon.

Habang dinidiskarga ng mga tauhan ang mga rekados at iba pang binili ni Uncle Fidel.

Ay nanatili naman siya sa karwahe. Natanaw niya ang mga kauri niyang nakalagay sa iisang kulungan.

Buhat buhat sila ng dalawang tauhan upang ipasok sa bodega.

Nakatingin ang mga ito sa akin. Kita sa mga mata na naguguluhan ang mga ito.

Nagtataka sila at kung bakit ako ay hindi kasama nila. At kung bakit nasa karwahe lang ako.

Magkaiba kami ng daan na nilalakaran ngayon. Ngunit kahit maghihiwalay man kami ay iisa lang din ang kahihinatnan namin.

Mamamatay rin kami sa kamay ng mga werewolf.

......

“Kapag wala ako at nasa trabaho ay mananatili ka dito sa bahay.”

“Kumain ka at gawin ang gusto mo sa loob ng bahay. Pero huwag na huwag kang lalabas.”

Tinuruan ako ni Uncle Fidel sa mga gagawin ko. Di katulad sa pet shop. Dito ay nakabihis ako.

Kumakain sa tamang oras at nakakatulog ng maayos.

Hindi ko alam kung hanggang kailan magiging maayos ang buhay ko. Isa akong nymph.

At kahit kailan, hindi habang buhay akong mananatili sa mundong ito.

Sa aming lahat ay kaming mga nymph ang may pinakamaikling buhay sa mundong ito.

......

Apat na buwan ang nakararaan...

Isang kaluskos sa labas ang narinig ko.

Hindi rin pinahihintulutan ni Uncle Fidel na buksan ko ang bintana kapag ako lamang ang maiiwan sa bahay.

Kaya't ang nagagawa ko na lang ay ang sumilip sa siwang ng dingding.

Patuloy pa rin ang pag-ulan ng nyebe sa buwan na iyon. Ang puting nyebe ay bumabalot sa labas.

Isang batang usa ang nasilip ko mula sa dingding. Namilog ang mata ko.

Tila hinaplos ng awa ang puso ko sa sitwasyon ng usa. Ginaw na ginaw na ito.

Napakuyom ang kamao ko nang maalala ang mga paalala ni Uncle Fidel. Pero hindi ko naman kayang tiisin ang usa na nasa labas.

Nakikita ko ang sitwasyon ko sa usa na iyon. Ganiyan din ako noon bago ako nakilala ni Uncle Fidel.

Kaya't napilitan akong magtungo sa pinto. Ngali ngali kong hinawakan ang saradura upang pihitin.

At sa pagbukas niyon ay agad sumalubong sa akin ang puting paligid. Ang malamig na hangin na nilakipan ng nyebe ang humaplos sa pisngi ko.

Napayakap ako sa katawan.

Suot ko lamang ay ang puting jacket at mahabang palda. Nakalugay ang puti kong buhok.

Kulay ng buhok na tanging mga nymph lang ang nagkakaroon. Malamig man ay tiniis ko iyon upang malapitan ang kawawang batang usa.

Umiiyak ito nang malapitan ko na.

Tila nanghihingi ng saklolo sa akin. Napangiti ako at yumuko para pulutin ito.

Kinarga ko ang maliit niyang katawan at inayos ko ito sa mga braso ko. Niyakap ko siya.

“A-Ayos ikaw, ayos ikaw. Dito ako, ayos ikaw.” Nabubulol kong turan sa kawawang usa.

The PreyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon