Chapter 2: College Life

88 8 3
                                    

[Pearl's POV]

"Pearl, san lakad mo at ayos na ayos ka?" tanong ng mom ko na kakapasok lang sa kwarto ko.

Yeah right, nakapagtapos siya ng pag-aaral pero hindi niya alam kung pano kumatok.

"Kahit saan po ma." sagot ko

Nag-shrug lang siya at lumabas na ng tuluyan sa kwarto.

"Ang ganda ko talaga"

I said. Of course I'am, sino ba naman ang hindi gaganda sa isang oras na pag-aayos. Gusto kong maging maayos ako sa paningin ni Ion.

I'm so nervous, but still excited din. After all this time sa wakas magkikita na ulit kami.

Tumayo na ko at lumabas and also ready na ko to meet Ion. Pagbaba ko sa taxi walang commercial na naganap dumiretso na agad ako sa may meeting place namin.

And when the moment I saw him. Nakakainis naman siya. Halatang hindi niya 'to pinaghandaan. e Pano, naka white shirt lang siya pantalon tapos naka vans shoes. Kulang na lang mag-tsinelas siya perfect pambahay na. Samantalang ako nag-effort na mag-suot ng bulaklakin na dress at 3 inches na taas ng heels. At naglagay ako ng light make-up.

Well, it's okay then. The important is nagkita na kami.

"Hi!" masigla kong bati sa kaniya

He look at me then he smiled back. Oh damn! I do missed him. Ang sarap kurutin ng mga matatangos niyang ilong.

"So Hi! How are you?"

Ouch. He acted like we didn't now each other. Ang sakit lang dre. Tagos sa buto, promise!

"I'm fine, thanks"

Tumayo siya sa kinauupuan niya at inakbayan ako. The fudge! I can't take it anymore! Siguro anytime pwede na ko ma-hysterical sa kilig.

"I badly miss this bonding. So can we?"

"Why not?" We laughed and we start walking the aisle.

Wala akong ginawa kundi ang titigan siya. The last time na nagkita kami nung graduation naka-braces siya, naka-ayos ang buhok at medyo pumuti siya but now may konting changes sa appearance niya.

Walang arte yung buhok niya, walang braces na suot at bumalik siya sa pagiging moreno.

Siguro binalik niya yung dati niyang looks.

"Gusto mo ng isaw?" aniya

"Syempre naman 'no!" sabi ko sa kaniya at kumuha na ng isaw na ipaluluto namin sa tindera.

"Ah Pearl! Wag kang kukuha ng marami, tataba ka hindi bagay sayo" sabi niya habang kinakagatan yung isaw

Ayan nanaman siya. Mang-aasar yan ng mang-aasar hangga't hindi ako napipikon.

"Nahiya naman ako sayong apat yung kinuha na isaw" sabi ko na pa-ilang ilang pa.

At siya tumawa lang.

And with that. Biglang nagka-sparks, nag-slow motion ang lahat, parang kami lang ang kumikilos sa lugar kung saan kami nakatayo. Nagkatitigan kami at palapit na ng palapit ang mga muka namin, and we are about to kiss pero namulat ako sa katotohanan.

"Hoy kamatis! Sabi ko tara na mamaya mo na ko isipin" Sige lang Pearl! Mag day dreaming ka pa ng mawala ulit yan sayo!

Hindi ko na lang pinansin at nagtuloy na kami sa paglalakad baka kasi mabisto ako nitong gagong 'to. Mahirap na baka...

umiwas nanaman siya.

Naglakadlakad lang kami sa sea side, at ng mag-dilim na hindi niya ko tinantanan sa pang-aasar. At ako naman kilig na kilig ay este tuwang tuwa pala.

I'll Never Go (EDITED VERSION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon