Ilang araw na din ang nakalipas ng magsimula tong mangulit sakin sa twitter ko. He keeps on tweeting me ng kung ano ano, hindi ko naman siya kilala kaya hindi ko na siya pinapansin. Pero sa sobrang kakulitan niya wala akong nagawa kundi ang pansinin siya. Nagreply ako sa mga tweets niya para lang manahimik siya. Ion ang pangalan niya sa twitter hindi siya familiar sakin. Pero nagulat ako ng sinabi niya sakin na iisa lang kami ng school na pinapasukan kaso sa ibang section siya at pareho na kaming fourth year.
Hanggang sa kalaunan, naging magclose kami sa twitter, napapadalas na ang pagpapalitan namin ng mga tweets. Napag-usapan namin na magkita sa cafeteria para naman makita na namin ang isa't isa.
At yun nagmeet na kami in person, simple lang siya at gwapo din. At dahil mas kilala na namin ang isa't isa, mas lalo kaming naging close or let me say magbestfriends na kami, magkaiba man ang section namin parehas naman kami ng break kaya tuwing lunck break pinupuntahan niya ko sa room ko para kumain. Hindi nagtagal, sabay na kami laging kumakain, mas lalo kaming naging open sa isa't isa, wala ng ilangan, and to the point na lagi na niya ko hinahatid sundo sa bahay namin.
At ang nakakatuwa pa, tuwing namomoblema ako, lagi na lang siya nagjojoke para mawala ang stress ko. Hindi ko alam kung bakit? Pero parang naga-assume ako ng kung ano. One time nga hindi siya sumabay sakin kumain at nakita ko siya nun na may kasamang ibang babae.
Alam kong wala akong karapatan, pero bakit ganun? Nagseselos ako, gusto ko na sakin lang ang atensyon niya, gusto ko sakin lang siya ngumingiti, gusto ko ako lang yung babaeng makakausap niya. Ano ba to? Mali tong nararamdaman ko.
Tinry kong pigilan ang nararamdaman ko. Pero wala eh, inlove na nga ako sa kaniya, nagising na lang ako na mahal ko na pala siya. Nag-go with the flow na lang ako sa mga nangyayari, but still may konting pagbabago. Na-iilang na ko sa pag akbay akbay niya, kinikilig na ko pag nag-aalala siya. At kapag inaasar niya ko na baka daw may crush ako sa kaniya, hindi ko mapigilang mamula.
Hanggang sa sumunod na araw, parang dinurog yung puso ko, parang kalahati ng buhay ko nawarak. Nagtapat siya sakin ng tunay niyang nararamdaman. Pero hindi para sakin para sa iba.
"Pearl, Please help me. I want to court Kim. Close kayo diba? Bestfriend oh, Please?"
Yang mga katagang yan ang dahilan kung bakit hindi ako makatulog, Tama nga naman, bestfriend ako dapat tulungan ko siya, at dapat suportahan kung saan siya masaya. Syempre ako tong bestfriend tinulungan ko siyang manligaw. Labag man sa kalooban ko pero ayoko maging selfish, kung saan siya masaya. okay na ko dun, okay na ako ang nasasaktan.
Dumating na sa point na hindi na kami sabay kumain, hindi na niya ko hinahatid sundo, wala na siya pagnamomoblema ako, masaya siya kasi pumayag si Kim na ligawan siya ni Ion. Ako? wala, naiwan sa ereng mag-isa, ganun na lang nawalan ng time sakin si Ion ang sakit. Pearl, naman kasi bakit ba nainlove ka sa mokong yun? Ako ang umiiwas, hindi ko siya pinapansin, tama ba ko? may karapatan ba kong magtampo sa kaniya? Ang alam ko kasi may kaibigan siyang dapat hindi kinakalimutan. Yun ang point ko.
And one day nagulat ako sa ginawa ni Ion sakin, hinatak niya ko papuntang rooftop ng sapilitan, wala magkaharap lang kami sa isa't isa. Habang ako hindi makatingin sa kaniya ng deretso.
"Pearl, are you avoiding me?" tanong sakin ni Ion
Hindi ko siya pinansin at tinarayan lang siya. Hindi ko alam ang sasabihin ko kaya mananahimik na lang siguro ako.
"Okay fine, I'm sorry. Alam mo namang busy ako this days diba?"
Oo busy ka, busy ka sa Kim mo.
"Ano bang problema? Sabihin mo sakin"
Ignore
"Pwede ba Pearl, please tell me. Kahit ano pa yan!"
BINABASA MO ANG
I'll Never Go (EDITED VERSION)
Historia Corta[Short Story] (EDITED VERSION) He held my hand and he kiss me on my forehead "Please, don't go" He whispered softly I gave him a bright smile, but a sad eyes. "I'll never go" I said in calm voice If there ever, comes a day when we can't be together...