[Pearl's POV]
"Expectation, Iniwan sa mall, nasaktan, bumangon, gumanda. Pero ikaw in Reality, Iniwan ka na nga sa mall, nasaktan, kumakain at yun tumaba." sabi ni Zec na nasa harapan ko ngayon.
"Pake mo ba! Anong gusto mo mag-bigti ako? No way. Ano naman kung iniwan niya ko as if namang...." Sabi ko sa kaniya habang puno ng hamburger yung bibig ko.
"Don't talk when your mouth is full." I rolled my eyes at nagsimula ng ngumaya ng ngumuya.
Hirap din pa lang maging plastik sa totoo lang. Simula nung isang araw na iwan ako ni Ion sa mall, hindi na talaga siya nagparamdam. Ni-anino nga wala akong naaninag eh.
I was like dying to know why and afraid to find out.
Ngayon naniniwala na ko sa 'Not everyone is meant to stay.'
Utut mo Pearl! Ang drama mo hindi bagay sayo. Arf!
"You know what Pearl obvious na."
"Obvious ang alin?" I answered without looking at him.
He smirked then said "Sometimes you'll pretend you're okay, because you don't want to annoy people with your problems." Binaba ko ng dahan dahan yung kinakain at tumingin sa kaniya na para bang lugi na lugi.
"Halata ba?" tumango siya "Eh kasi naman, nag-aalala na ko. Mamaya kung ano na nangyari dun baka ni-rape yun kasi ang hot niya. Baka ninakawan yun kasi may bago siyang relo nun. Mamaya nambabae yun kasi ang pogi nun... Argh! Nakaka-stress bye na nga." sabi ko sabay takbo papuntang restroom. Malapit na rin naman magbell.
Umupo ako sa may inidoro at nagsimula nanamang umiyak. Asaan na kaya siya? Kung siya natitiis niya ko pwes ako hindi. Miss ko na siya, alam niyo ba yun? Miss na miss..
"Miss?"
Panira ng moment oh.
"Matatapos na po." Sigaw ko. Akmang lalabas na ko ng bigla niya kong kinausap.
"Lalaki ba?" Napaharap ako sa kaniya at biglang nagtaka.
"Ha?"
"Lalaki ba problema?"
Napakamot ako sa ulo. "Ah hindi po. Actually wala nga po eh..."
"Ion is dying...."
Napatigil ako sa sinabi niya. Kinabahan ako bigla. Ion is dying nahihibang na ba siya?
"Ahm.... Una na ko."
Lumabas na ko ng cr pero ang kulit talaga eh hinatak niya yung kamay ko at hinarap niya ko sa kaniya.
"What's your problem?" Pagtataray ko.
"Wag kang magpa-petix petix diyan, dahil sa pag-aaksaya mo ng panahon, mas lalong nagiging mabilis yung oras ng takbo ng buhay ni Ion."
Hindi ko alam kung ba't hindi ako makapagsalita. Para akong naging ewan sa mga naririnig ko.
Ibig niya bang sabihin, may taning ang buhay ni Ion? Sino siya para sabihin sakin yun? And at the first place hindi ako naniniwala sa mga pinagsasabi niya.
"May sakit siya Pearl. Napaka-malubhang sakit."
"Ano bang pinagsasabi mo?" Halos mangiyak ngiyak na ko. Hindi ko alam kung maniniwala ba ko o hindi dahil walang kasiguraduhan yung mga sinasabi niya sakin.
"Ha! Wala kang alam. Dahil ang manhid mo. Ewan ko ba kung bakit napagtitiisan ka pa ng kapatid ko. Wala kang kwentang girlfriend."
I slap her. Nabigla ako. Dahil unang una hindi niya alam yung mga pinagdaanan namin ni Ion.
Akmang sasampalin din dapat niya ko. Pero may nakapigil sa kamay niya.
"Stop that, Mara." Sabi ni Zec at binitiwan na niya yung kamay.
"Bakit totoo naman diba? Wala siyang ginagawa ngayon, wala siyang kaalam alam na bilang na lang ang paghinga ni Ion dito sa mundong 'to!"
Sa bawat sambit ng mga 'yan halos palambutan na ko ng mga tuhod. Unting unti na ko naniniwala sa mga sinasabi niya.
Hinarap ko si Zec.
"Totoo ba yun?" Halos bulong ko ng sabi kay Zec.
"Sabihin mo yung totoo para malaman niya!"
Tumango ng dahan dahan si Zec, "Pero----"
Hindi ko na siya pinatapos at halos mapatakip na ko ng aking bibig sa gulat. Ramdam ko yung bawat pagpatak ng luha ko.
Tumakbo ako papuntang garden nitong school narinig kong nag-bell na pero hindi ko pinansin nadadala ako ng mga nararamdaman ko ngayon. Galit at lungkot.
'bilang na lang ang paghinga ni Ion dito sa mundong 'to!'
Nagbabalik-balik yung mga sinabi ng babaeng 'yon sakin. Bakit sa mga pinagsasabi niyang 'yon feeling ko isa akong kawawang bata na mga nakakatanda lang ang nakakaintindi ng usapan.
Pero hindi eh. Girlfriend niya ko dapat wala kaming taguan ng sikreto. Dapat nagtatampo ako ngayon dahil nagtago si Ion sakin ng sikreto, pero mas nangingibabaw pa rin yung pag-aalala ko sa kaniya.
*1 message received *
From: Zec
Bukas umabsent ka. Pupuntahan natin si Ion. You need to know the truth. You need to face him. Susunduin kita sainyo. Be ready, okay?
---
The truth?
Bigla akong kinabahan sa text sakin ni Zec. I need to know the truth? Ibig sabihin may sikreto sila sakin?
Hindi ko alam kung dapat ba kong kabahan o matuwa. Bahala na si Lord. Nag-ayos na ko ng gamit at uuwi na. Ngayon lang naman ako magc-cutting e. Nawala ako bigla sa mood. I need some rest.
Iiyak pa ko.
BINABASA MO ANG
I'll Never Go (EDITED VERSION)
Short Story[Short Story] (EDITED VERSION) He held my hand and he kiss me on my forehead "Please, don't go" He whispered softly I gave him a bright smile, but a sad eyes. "I'll never go" I said in calm voice If there ever, comes a day when we can't be together...