Chapter 1

32 4 1
                                    

Shan's POV

Kung hindi ako nagkakamali, siya yun. Siya yung nagpalala sa buhay ko. Aba'y kung hindi ba naman kasi makapal ang kanyang mukha eh! Hindi ko pa nga kasi nakakalimutan yung ginawa niya eh, mga magulang ko nga walang tigil manermon sakin dahil dun tapos makakalimutan ko pa kaya? Hayy, pasalamat siya lalaki siya kasi,

FIRST RULE
-huwag na huwag akong lalapit sa mga lalaki. Well, except na sa father, brothers at teachers na boy.

Oo yan ang mahigpit napinakaunang pinagbabawal nang mga magulang ko. Those freaking monster parents! I hate them, so much.

Okay tama na ang drama, kasi nagsulat ako para mawala naman kahit konti tong pagiging loner ko. Gusto ko masaya.

"Iisipin ko na talagang crush na crush ako ni Zack, girl"

kinikilig pang sabi nung babae na naglalakad papuntang---ewan. Diko naman sila kilala. Besides, wala padin akong pakielam.

"Oh? Bali-balita ngang ang friendly niya girl. Ayoko nun, gusto ko yung nababasa ko sa wattpad na arogante yung lalake"

sabi naman nung isa. Seriously? Hindi naman siguro makapal mga mukha nila.

"Ayaw mo nun girl? Ang gwapo tapos.....tapos.......ano, ano na nga ba sasabihin ko?"
Hahahaha. Mabenta din joke nung bruha ah.

"Aba malay ko sayo, dumaan lang yung crush mo nakalimutan mo agad sasabihin mo?"

Gustong gusto kong tumawa, like HAHAHAHAHAAHAHA, this time, but then wala akong karapatan.

Teka, sino bang pinag-uusapan nang mga ito? Nagtake a look ako sa mga babaeng nag-uusap kanina at nakita kong nakatingin sila sa likod ko? Eh?

Tumingin ako sa likod ko and----

"Hi, hahahaha" pamilyar ang mukha sakin nun eh, oo. Ay oo nga, siya yun eh. Sabi ko na nga ba nakita ko siya e.

SIYA YUNG TAONG----- tinignan ko ulit ang lalaking yon, kasabay nun ang pagtingin ko sa kanya nang masama. Nakatalikod na siya, kasama niya mga barkada niya ata?

'Shan this is the time'

Tumakbo ako palapit dun sa lalaki kanina, medyo nakalayo na kasi siya eh. Mamaya baka makatakas na yun eh.

Babatukan ko na sana siya eh kaso nakailag at eto akong si tanga, napasubsob sa lupa. Hayy, Shan umayos ka. Teka, bakit naman nakailag siya? Sure ako eh na mababatukan ko na siya. Huhu!

"Hahaha! Ang stupid. Nasesense kita, hahaha" nang okay na ako ay tumingin ako sa paligid, nasaan na kami? Wait lang---nasa field ako kanina. Ba't kami napunta dito sa garden. Aish! Wala na rin yung mga lalaking kasama niya kanina. Paano?

Pero huwag muna yan ang iisipin ko, kasi tinatawanan ako nang isang lalaki ngayon na tinawag akong stupid.

"Ugh! Nagpakita ka pang tao ka" at nagsimula nang habulin siya. Yes, naghabulan kami! ANG SWEET DIBA? Hayy kung alam niyo lang kung gaano makapahighblood ang mga lalaki------

Shet na malagkit! First rule.

Nagstop na ako sa paghabol sa kanya nung marealize ko kung ano ginawa ko. Tumingin-tingin ako sa paligid and mabuti naman walang tao.

Habang nagpapahinga ako, naririnig ko pa ang sinasabi nung lalaki. Or maybe I should call him on his name, Zack. Zack pala ha? Zackzackin ko pagmumukha niyan eh. Ang bilis pa naman tumakbo.

"Ang bagal mo, habulin mo pa ako"

"Hahahaha, kaya mo pa?"

"Pagod ka na niyan? Ang weak mo naman?"

She's A Teenage Without FreedomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon