Chapter 2

18 4 5
                                    


Shan's POV

Tulala akong naglalakad ngayon papuntang school, di ko alam kung anong nararamdaman ko. Alam niyo ba kung bakit? Syempre hindi, di ko pa sinasabi eh.

Nakakainis kasi panaginip lang pala yon, nagising ako sa isang PANAGINIP! Aish, teka, ba't naman ako maiinis? Ay oo, syempre kasi napanaginipan ko yung pinakaworst na lalaki na nagpalala nang buhay ko.

Pero, parang hindi yon eh! Aish bakit ba kasi big deal sayo yun Shan?

"Ate, tulala ka na naman diyan" Muntik ko nang nakalimutan na may kasama pala ako. Eh bakit naman kasi ngayon lang to magsasalita, kanina pa akong tulala eh. Kapatid ko ba talaga to?

Ngumiti ako kay Butch, at ngumiti naman siya. Bakit anong gusto niyo iiyak ko na panaginip lang yon? Tsk!

"Di kasi, yung aso natin patay na" palusot kong sabi sabay ngiti sa kanya na ikinakunot nang noo niya.

"Wala naman tayong aso ate ah?" Ay gaga! Oo nga noh? Hehe ang galing naman nang palusot ko. Ayoko lang naman kasing madala rin siya.

"Ay o-- ay hindi, may aso tayo...mmmm ako lang kasi nag-aalaga, tapos---tapos yun nga, di ko lang pinapakita sa inyo----hehehe---yun nga eh?" Nangingiti ko pang sabi. Sana bumenta naman tong palusot ko, nakakainis na ah. Pinagisipan ko pa yan. Hasih!

"Ha? Ate diba magkatabi naman tayo pag matulog ah? Wala namang aso? Walang tumatahol pag gabi? Paanong--"

"Ah---tinatago ko  kasi sa bulsa----ah este sa bag ---ay hindi pala sa cabinet ko. Hehe yun na yun.. huwag ka nang magtanong" sabi ko sa kanya. Nakatingin lang siya sakin na hindi makapaniwala. Maniwala ka please.

"Sinungaling! Wala ka namang cabinet ate" Ay oo nga! AIIIISH! Stupid. Wth!  Ano pa bang ipapalusot ko. Wala na eh.

Tinanguan ko na lang siya as a sign na Give up na talaga ako. Nah! Wait, ako nga pala si Shan Noleza, 14 years old.

Papunta kami ngayon ni Butch, ang aking bunsong kapatid sa Black Academy jyng saan kami nag-aaral. Halata naman siguro sa pangalan nang School noh na puro black na ang paligid.

Pagkaraan nang ilang minuto ay inihatid ko na si Butch sa classroom niya. Makulit pa namang bata yun. Sa sobrang kulit, minsan sa pagtulog, pinagtatadyak pa ako niyan tapos mamaya sisipain.

Masakit kaya yun, kaya minsan naman sinasadya kong ihulog siya sa kama, tapos magigising tapos, ako naman nagtutulug-tulugan.

Gigisingin nga ako niyan eh kapag nahuhulog, kasi naman "ate tinulak ako nang multo! Huhuhu" kawawa tuloy yung multo, palaging siya yung napagbibintangan. Hahaha! ^^

Grade 9 na pala ako ngayon, nasa first section. Hehe. Maniwala kayo or hindi, nasa 1st rank ako. Matalino po yata ito. Wahaha. Singtalino nang mas matalino sa mas pinakamatalino!

Maaga kaming pumasok ni Butch ngayon na pumasok, ang saya nga eh. Di kami malelate kasi dagdag fines pa yun. Mahirap lang naman kami, este ako lang pala.

"Boo"

"Ay pagong! Ano ba!?" Asar kong tanong sa nanggulat sa akin. Kung sino man tong nilalang nato sinusumpa kong------

"Miss? Nagulat ba kita?" Magagalit sana ako dito eh kaso GOSH ang gwapo naman niya? Wahuhuhu!

"Hi-hin...di na-..man" nauutal ko pang sabi. Shet! Ang gwapo niya. So, totoo nga yung sinasabi nilang madami talagang gwapo dito.... "Buti naman. Kasi ang OA mo miss, di naman ikaw yung ginulat ko" pero makakapal pala ang mga mukha. Aish! Nagulat ako syempre sa sinabi niya. Ugh! Anong hindi ako, sheezz naramdaman kong ako yun eh! "Eh gago ka pala eh! Ugh! Yabang" at sabay walkout. Shet aminin ko man o hindi 'napahiya ako dun' NAKAKAHIYA TALAGA!

She's A Teenage Without FreedomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon